“You awake?” tanong niya sa akin nang imulat ko ang aking mga mata. “Y-yes…” nawala na sa isip ko ang sasabihin ko dapat kanina sa kaniya nang parehas pala kaming nakatulog nang hindi namamalayan. “Matulog ka pa. Dito ka na lang magpahinga hanggang mamaya-” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya agad akong nagsalita. “Hindi! Hindi pwede!” Bulaslas ko at agad na tinignan ang orasan. Doon ko napansin na alas-otso na pala ng gabi! Hindi ko man lang namalayan! Ang bilis ng oras! “Oh, gosh!” Para akong aatakihin sa puso nang ayusin ko kaagad ang suot ko. Mabuti na lang at suot ko na ang damit at panty ko, pero ang pants ko ay hindi. Palagay ko ay si Shad ang nagsuot nito sa akin. “Nagmamadali ka ba?” Tanong niya sa akin. “Shad, may sasabihin ako sa ‘yo, pero gusto ko pag-usapan natin

