“Ayan! Sabi ko naman sa ‘yo at buntis ang isang ito!” turo pa sa akin ni Mommy Daisy nang halikan niya rin ako at yakapin. “Thank you, Mommy.” pasasalamat ko sa kaniya. Tinignan ko naman si Dasha na nakatingin lamang sa akin at nakangiti. “Halika!” pinalalapit ko na siya sa akin at agad na naiyak. Madali siyang tumakbo patungo sa akin at mahigpit na akong niyakap. “I can’t believe that you’re really pregnant now,” ani niya pa sa akin. Ngayon ay dalawang buwan na ang nakalipas nang malaman kong buntis ako at gano’n rin pala si Tine na asawa ng aking pinsan. “’Wag kang umiyak! Hindi naman ikaw ang buntis!” natatawa ko pang pigil sa kaniya. “Kahit na! Hindi ko akalain na ngayon ay isa ka na talagang ganap na nanay.” nguso niya pa sa akin at tinignan ang kumapit sa kaniyang bata na babae s

