“Hindi ka ba magagalit, Dasha?” tanong sa akin ni mommy. “Sabihin mo na lang Mommy kung kailan ang kasal na sinasabi mo.” saka ako tumalikod at agad na pumunta na lamang sa aking kwarto. Nakanguso akong tignan ang malaking salamin sa loob ng aking kwarto. Hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko matapos kong sirain ang buhay pa ng iba. Marami akong nagawa sa ate ko at ito lamang ang satingin kong kabayaran na magagawa ko sa kaniya. Hindi ko pa kilala ang sinasabi nilang tunay na fiancee ng kapatid ko. Ang una kasi ay ang akala ko ay si Shad Prio. Iyon pala ginawa niya pala ang lahat para sa kapatid ko. “Hays! Ang rami ko na talagang kailangan baguhin sa sarili ko…” tikom ko sa aking bibig at humiga sa aking kama. Pinagmasdan ang kisaming walang ginagawa pero pinagmamasdan ko pa

