“What? Seryoso?” kinagat ko naman ang aking labi at agad na natawa. “Oo! Hindi ko akalain na siya talaga ang mapapangasawa ko!” saka ko pinahawak sa kaniya ang aking dibdib na kanina pa tumitibok. “Kita mo? Nararamdaman mo? Parang may sariling buhay ang puso ko kaya kahapon! Hindi ko talaga ma-imagine na siya ang mapapangasawa ko!” sabay akong napatili. Ngayon kasi ang narito si Marie sa bahay. Ayos lang naman kay mommy kung narito siya araw-araw, dahil sabi niya sa akin ay next year ay wala na raw ako rito. Sulitin ko na raw ang bahay na ito pati ang mga kaibigan ko. “Bali ang ibig sabihin naman nito ay doon ka na rin titira sa kanila, hindi ba?” napatingin ako agad sa itaas nang maisip ko iyon. “Ayon lang ang hindi ko sure… hindi ba at dapat ay bukod na kami sa pamilya niya?” “Al

