“Ha?” tanong ni Ate Sasha ngunit mabilis akong ngumiti sa kaniya. “Po? Ang sabi ko wala,” sagot ko at agad na tumingin kay Cielo. “Hindi ka man lang nainis? Hindi ba nito lang ay nagdadalawang isip ka na?” medyo malakas ang boses ni Ate Sasha na itanong iyon sa akin kaya napaisip naman ako bigla. “O-oo! Naiinis na nga ako, e…” ngunit hindi mapigilan ng labi ko ang mapangiting tignan si Cielo na parang wala sa mood na tignan ako. “Parang namumukhaan ko siya? Hindi ba’t siya ‘yung nasa party ni Saidee at sa kasal niyong dalawa?” dinilaan ko ang aking labi at agad na tumango sa tinatanong ni mommy sa aking kapatid. “Yes, Mommy. He’s Cielo Castro, Twenty-five years old-” “Hindi mo naman siya kilalang-kilala ano?” natahimik ako nang sabihin iyon ni Ate Sasha na ikinatahimik ko. “D-dahil…

