“Ano ba ang pinagsasabi mo!” sigaw ko sa kaniya. “Shad! Sinabi ko naman sa ‘yo no’ng gabi na ‘yon!” turo ko ulit sa kaniya. Nakita kong lumapit na sa amin ang manager ng hotel. Kaya nang tignan iyon ni Shad ay mabilis niya na lamang akong hinila at doon ko natagpuan ang sarili kong nasa garden na. “Anong pinagsasabi mong sinabi mo sa akin nu’ng gabing iyon? Ano ‘yon?” galit niyang tanong sa akin. Tila may kung ano sa puso ko ang gusto siyang hampasin at saktan. “Anong ano ‘yon? Gago ka ba talaga, Shad?” sabay tulak sa kaniyang dibdib. “Gago ka ba?” tila hindi ko maisip kung paano na lamang kung may mangyaring masama sa anak ko! Tapos ito lang ang sasabihin niya sa akin? Na kung ano lamang ang pinagsasabi ko? “Tumawag ako sa ‘yo! Ilang beses!” turo ko sa kaniya. “Ilang beses akong

