Nagising ako kinabukasan nang wala ako sa mood. Naiinis lang ako sa kaniya sa araw-araw ko siyang nakikita rito sa bahay. Dapat ay hindi na siya rito pansamantalang pinutuloy ni mommy. “Wala ka bang gagawin?” tanong ko sa kaniya habang kumakain kami sa baba ng umagahan. “Wala naman, bakit?” nagkibit na lamang ako ng balikat, dahil ano pa nga ba ang masasabi ko sa kaniya. “Wala rin.” “Ikaw? May gagawin ka ba?” “None of your business.” Ramdam ko ang titig niya sa akin kahit na ako ay nakain lang nang mahinahon. “May problema ba?” tinignan ko siya at tila nag-isip. Gusto ko sanang sabihin na oo, pero ‘wag na lang. Baka sabihin niya sa akin na sobra ko naman masyado. “Wala nga, ano ka!” tawa kong sabi. Pero hindi siya kumbinsado. “You done?” taray akong napatingin. “Hahatid na kita,” su

