“Baka naman mahuli tayo n’yan? Malalagot ako, dahil isusumbong ako n’yan kay Mommy at lalo na kay Ate Sasha.” pigil ko kay Marie, dahil sa takot na mahuli. “Alam mo? Para kang kill joy! Hindi ka ba nagsasawa na panay bili na lang tayo ng luho mo at hindi naman natin trip bilhin? Ayokong masayang ang araw na ito nang hindi nage-enjoy, Dash!” “Oo na! Kapag ako talaga nahuli, ah! Ikaw ang sisisihin ko!” kahit gusto ko rin naman siyang sundan pero may takot nga lang sa puso ko. Kanina lang ang sabi niya ay wala naman siyang gagawin, pero bakit ngayon ay narito siya sa labas? “Tawagan mo kaya? Tignan natin kung magsisinungaling! Bili!” takot akong gawin iyon. Ayoko isipin na magsisinungaling siya talaga sa akin kung sakali, pero hindi gano’n na lalaki si Cielo. “Ayoko nga! Iba na lang ang

