“Dash?” tumagilid ang mukha ni Marie kung tignan ako. “H-ha?” tinuro niya lang ang mata ko at napansin kong tumulo na ang ilang butil ng luha sa akin. Kinapa ko ang aking pisngi at nakumpirma na ang tubig nga ay nanggagaling sa mata ko. Nanginginig ang labi kong ngumiti sa kaniya. “I’m fine! Don’t worry!” palagay ko ay maluluha na rin siya habang pinapanood ako. Inilapag ang order namin sa mesa. Tinignan ko lamang iyon nang walang buhay. “May nabalitaan ako, Cielo.” “Tungkol kanino?” “Sa ‘yo…” “Maraming balita tungkol sa akin, kaya alin doon?” kinuha ko na lang ang tinidor saka kinain ang gulay. “Ang sabi ay hindi na raw tuloy ang kasal mo?” “Ayon ba? Yes.” ang aking pagkakahawak ay sobrang diin na ata, dahil kita ko kung paano nahati sa dalawa ang kamatis. “Really? Kaya nga ako bum

