Chapter 44 Josephine’s Pov NAGBIBIHIS ako dahil du-duty na naman ako. Nagising ako kanina na wala na si Kamden sa tabi ko. Nakalock din ang pinto kaya naisip ko na lumabas siya ng room ko ng tahimik. May iniwan pa siyang note sa mesa na wag daw akong pumasok ngayong araw. Hindi ko pinansin ang note niya dahil hindi ko gusto ang plano niya na makasama ako. Nakokonsensya na nga ako sa paghalik niya na nasa harapan namin si Ms. Veronica, dadagdagan ko pa ba ang sama ng loob ng dalaga. Kaya hindi ko susundin ang gusto ni Kamden. Ayaw ko ng gulo kaya dapat lang ay tumigil na siya sa kakalapit sa ‘kin. Dasal ko lang ay sana makayanan ko pa hanggang limang buwan. Hindi ko na kaya pang mag stay dito sa Isla pero dahil sa anak ko ay kailangan kong gawin upang makaipon ako. Tapos na akong ma

