Chapter 45 Josephine’s Pov HINDI AKO mapakali habang nasa loob ako ng penthouse. Gusto ko ng maglupasay at umiyak na palabasin niya ako dito pero naisip ko na mahahalata niya ako na iniiwasan ko siya. Naiiyak nalang talaga ako sa sitwasyon ko ngayon lalo na’t na corner ako ni Kamden. Kapag hindi ko naman sinunod ang gusto niya ay baka isumbong pa niya ako kay madam K at isabit ako. “May kailangan ka bang ipalinis sa ‘kin?” Tanong ko sa kanya. Matamaan lang siyang nakatitig at hindi nagsasalita. Nakaupo lang siya sa mahabang upuan habang ang puting t’walya na ginamit niyang pangpunas sa buhok niya ay nakapatong na sa balikat niya. “Linisin mo ang kwarto ko. May bisita ako mamaya na matutulog sa kwarto ko.” Saad niya kaya medyo nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Kaya ba niya ako pin

