Chapter 5

1628 Words
Chapter 5 Josephine’s Pov HINDI MAPUKNIT ang ngiti ko sa labi habang panay ang tingin ko sa paligid. Ang ganda dito. Mabuti nalang at dinala ako ni Kamden sa isla na ‘to. Hindi ko sana masisilayan ang napakagandang view sa tanang buhay ko. Ang puti ng buhangin, asul na asul din ang dagat. Sa mga tanawin pa lang ay busog na busog na ang mata ko. Pero may isa lang akong problema sa Isla na ‘to. Kanina pa kasi ako naglalakad lakad ng mag isa. Tulog pa yata si Kamden kaya hindi ko na inistorbo ang binata. Mas gusto ko din naman maglakad lakad pero nagdadalawang isip ako kung mahabang skirt ba ang isusuot ko o mag sho-short ako na hanggang tuhod. Pero kahit ano pa ang piliin ko ay talagang pang manang parin ang kalalabasan. Kaya mas pinili ko nalang mag suot ng short at baka liparin pa ng hangin ang laylayan ng palda ko at makita ang hindi kanais nais. Kaya ang suot ko ngayon ay short na maong na hanggang tuhod. Pinartneran ko ng maluwag na tshirt. Tinanggal ko din ang suot kong eye glass. Itinali ko din ang mahaba kong buhok upang hindi liparin ng hangin at mag mukha akong aswang. Isa sa sinasabi kong problema ay mga tourista na walang pakialam kung makita na ang private part nila. Halos mapatakip talaga ako sa dalawa kong mata kanina ng aksidente kong nakita na may mag syota na naghahawakan ng private part nila. Sa sobrang taranta ko ay napatili ako at napatakbo na lamang. Sigurado ako nabulabog ang mag syota na may ginagawang milagro. Sa lakas ba naman ng tili ko. Nakakagulat ang mga nakikita ko. Hindi lang yun dahil may nakita pa akong nakahiga na babae sa buhangin habang ang lalaki ay kinakain ang ano niya. Natatakot na tuloy akong maglakad lakad ng malayo at baka mas lalo pa akong makakita ng nakakatakot. Mamaya talaga ay itatanong ko kay Kamden kung bakit ganito ang Islang ‘to. Mabuti at pumapayag lang ang management ng islang ‘to na kung saan-saan nalang ginagawa ang dapat ay sa kwarto lang. Hindi ba sila naiilang na baka may makakita sa kanila habang ginagawa nila yang mga kahalayan nila. Grabe na talaga mga tao ngayon. Napagod na ako kakalakad kaya umupo na lamang ako sa puting buhangin. Nakatanaw ako sa kumikinang na dagat dahil natatamaan ng sikat ng araw. May mga puno dito na may bulaklak. Kulay pink ang mga bulaklak nito at ang ganda nito pagmasdan. May mga bundok din at sa duda ko ay pwede yatang sumakay ng jet ski para puntahan yun. May mga nakikita kasi akong jet ski pero natatakot naman ako sumakay. Hindi naman kasi ako marunong lumangoy kaya baka hanggang sa gilid lang ako. Nakaupo lamang ako at napansin ko na may mga naglalakad din. Tulad ko ay ginagala nila ang island. Ngayon ko nga lang napansin na puro may partner ang mga nandito. Pinagwalang bahala ko na lamang ang mga taong namamasyal. Nag focus nalang ako sa magandang view na nakikita ko. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom kaya hindi pa ako pumunta sa sinasabi ni Kamden na restaurant. Maaga pa naman kasi kaya mamaya na lang ako kakain. Kung pwede nga sana ay sabay nalang kami ni Kamden. Hindi ko kasi alam kung saan ako papunta. Pero baka napahiya ang batang yun kapag ako pa ang kasama. Mas mabuti na sigurong ako lang mag isa para hindi na lang siya mapahiya. Huminga ako ng malalim saka ako tumingin sa kaliwang bahagi ko ng may mapansin akong umupo na babae sa buhangin. Naka swimsuit lang siya habang may dalang water bottled. Naramdaman yata niyang tinititigan ko siya kaya lumingon siya sa ‘kin. Tinitigan niya ako pati na ang suot kong damit. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ganito ang suot ko habang ang ibang babae dito ay kulang nalang makita ang private part nila. “Ano ba naman yang suot mo, girl?” Sabi ng babae habang nakataas ang isa niyang kilay. Napatingin na lamang din ako sa suot ko saka ko ibinalik ang tingin ko sa babae. “May masama ba sa suot ko, ma’am?” Magalang kong tanong kaya natawa siya. “Ma’am ka dyan! Oo naman, may masama sa suot mo. Haler! Nasa isla ka pero ganyan ang suot mo. Mukha kang bibili ng gamot sa botika.” Pangungutya niya sa suot ko kaya medyo nahiya ako. “Ahm.. hindi naman kasi ako sanay magsuot ng ganyan sa suot mo.” Nahihiya kong sabi. “Halata nga.. sa itsura mo pa lang ay manang na manang ka. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pa palang babae. Nakakatawa.” Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o hindi lalo na’t tumawa pa talaga siya. “Anong nakakatawa do’n?” Tanong ko sa babae. Hindi siya sumagot agad bagkos ay binuksan niya ang hawak niyang bottled water saka siya uminom. Nang makainom siya ay tumingin siya sa ‘kin. “Kasi kahit manang ang suot mo ay nakapasok ka sa Islang ‘to. Alam mo ba lahat ng babae dito ay s*x ang habol dito at makabingwit ng mayayamang lalaki. Marami kasing afam dito kaya yung iba.. tulad ko naghahanap ng lalaking mayaman na mauuto para umangat naman ang buhay sa kahirapan.” Saad ng babae kaya napakurap kurap ko. “Huh? s*x?” Gulat na gulat kong tanong. “Oo, may cabin ka ba? Hindi mo ba nakita ang mga d***o doon? At kung ano-ano pa. May condom pa nga eh. At higit sa lahat.. yung mga kama ng cabin ay may mga kadena para kapag binabayo ng lalaking mayaman ay hindi makatakas. Hindi mo alam yun?” Tanong ng babae habang nakakunot ang noo. Ako naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig ng malaman ko yun. Kaya naman pala may mga nakikita akong mag jowa na naghahawakan ng private part kanina. “Halata sa mukha mo na wala kang alam dito. Paano ka ba napadpad sa islang ‘to?” Tanong ng babae sa ‘kin. “M-May nagsama lang sa ‘kin. One week lang ako dito para sana magbakasyon.” Pagsasabi ko ng totoo. Nanlaki naman ang mata ng babae. “Talaga? May nagsama sayo? Wow!” Sabi niya na para bang hindi makapaniwala. “Oo. May nagsama sa ‘kin. Pero mas matanda ako sa kanya. Naaawa kasi siya sa ‘kin kaya niya ako dinala dito.” Pagpapaliwanag ko sa babae na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan. “Ang swerte mo naman kung ganun. Ang mahal-mahal kaya pumunta dito. Ako nga.. limang taon ko inipon ang pera ko para lang makapunta sa islang ‘to at kahit isang beses man lang ay masubukan makapasok sa ganitong lugar. Exclusive lang kasi ‘to sa mga mayayamang mahilig sa s*x. Madalas sa mga lalaki dito ay s*x lang ang habol. Kapag nagustuhan nila ang performance ay babalik-balikan ang perlas mo at libre ang lahat ng stay mo dito sa Isla pati na pagkain. VIP ka kapag ganun. Ang sayo kasi ay sinama ka. Ibig sabihin malaking tao ang nagsama sayo dito na kayang kaya niyang magbayad.” Mahabang sabi ng babae kaya napaisip din naman ako. Bata pa si Kamden, 21 pa. Kung tama ang sinasabi ng babaeng ‘to ay paano niya binayaran ang para sa ‘kin? Sinabi pa niya na sabihin ko daw doon sa restaurant ang pangalan niya kapag kakain ako. “Cabin pa nga lang nila ay mahal na. Kaya ang tulad ko at ibang babae dito ay nag te-tent na lamang. Nasa class C kami. Pwede kasi sa tent dahil mura. Ayos na sa’min yun dahil pwede naman kami.mag ikot-ikot sa kung saan. Baka may mahanap pa akong lalaking gwapo na mayaman pa.” Sabi ng babae saka tumingin sa paligid. Hindi ako nakasagot dahil nagulat ako sa mga nalaman ko. Nakakagulat naman kasi talaga. “Anyway, ako nga pala si Bea. Mataray lang ang mukha ko pero mabait ako.” Pagpapakilala niya sa ‘kin kaya ngumiti ako sa kanya. “Josephine naman ang pangalan ko.” Pagpapakilala ko din sa kanya. Nalukot naman ang mukha niya. “Pati pangalan mo pang manang din.” Sabi niya kaya napangiwi ako. “May second name naman ako. Atasha. Josephine Atasha.” Pagsasabi ko sa second name ko. “Ayon.. may maganda ka naman pa lang pangalan eh. Atasha nalang ang tawag ko sayo para naman maganda. Nice to meet you, girl. Pero hindi ko gusto outfit mo. Akala ko kasi bibili ka lang ng gamot sa botika.” Pang aasar niya sa suot ko. “May swimsuit pa ako do’n, girl. Bigay ko sayo ang isa para yun ang suotin mo dito sa Isla. Sayang naman kasi ang pagkakataon na nandito ka sa lugar na ‘to. Malay mo baka hindi ka na makapunta dito kaya sulitin mo na. Yung iba nga dito hubo’t hubad na naglalakad eh. Wala naman kasing may pakialam basta wag lang mang agaw ng lalaki. Kaya kahit hindi ka magdamit ay ayos lang sa islang ‘to. Walang mga judgemental kaya tigilan mo muna ang pagsuot ng losyang na damit. Mag enjoy ka!” Mahaba niyang sabi habang may pa talampik pa sa mga daliri niya. Hindi ko alam kung papayag ba ako sa sinasabi niya na magsuot ako ng swimsuit. Baka magmukha lang akong tanga kapag nagsuot ako ng ganun. Hindi ko naman kasi alam na dito pala ako dadalhin ni Kamden sa ganitong Isla. Akala ko ordinaryo lang. Kaya naman pala walang pakialam ang mga tao dito kahit may naghahawakan ng private part. Naloka ako sa mga nalaman ko ngayong araw. Kailangan ko talaga makausap si Kamden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD