Chapter 6
Josephine’s Pov
HINDI KO ALAM kung anong nakain ko kung bakit ako sumama kay Bea kahit bago ko lang naman siya nakilala. Ihahatid nalang daw niya ako kung saan kami unang nagkita para hindi daw ako maligaw.
Nang makarating nga kami sa sinasabi niyang tent at doon ko nalaman na may mga kasama pala siyang naka tent din. Parang masaya sila kahit dito lang sila. Halata naman kasi sa mga mukha nila na nag e-enjoy sila kahit hindi sila sa cabin.
“Ito yung mga kasama ko dito habang naka tent lang kami sa islang ‘to.” Sabi ni Bea saka tinuro ang mga babaeng busy sa paglalagay ng makeup habang ang suot din nila ay naka swimsuit.
“Ilang weeks din ba kayo dito?” Tanong ko kay Bea.
“Gusto ko sana two weeks eh. Pero yung pera ko ay hanggang five days lang. Partida inutang ko pa ang kulang kong pera sa naipon ko para lang makapunta dito. Kaya dapat ay hindi masayang kahit isang segundo.” Sabi ni Bea na proud na proud pa.
“Ang mahal pala dito. Bakit pumunta ka pa sa ganitong lugar? Kung ako kasi ay baka hindi na ako pumunta at ang perang naipon ko ay ipang nenegosyo ko na lamang.” Sabi ko dahil naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Sabi kasi niya mahal dito pero pinilit pa rin niya pumunta at inutang pa pala niya ang pangdagdag. Bakit niya gugustuhin pumunta sa mamahaling lugar na ‘to kung hindi naman pala affort at magkakautang pa. Mas double kill kasi ‘yon. Ang sakit sa ulo kapag wala na ngang pera tapos pipilitin pa ang gusto kahit hindi naman kailangan.
“Kasi gusto kong sumugal, girl. Bakla ka! Malamang gusto kong makabingwit ng lalaking mayaman na gwapo pa. Pero kung ang mabingwit ko ay pangit at matanda ay ayos lang basta ang mahalaga ay mayaman. Okay na okay na ako do’n. Eh ‘di bayad ang utang ko agad. Ganun yun, bakla. Kaloka ka!” Pagpapaliwanag ni Bea sa side niya.
Napatango tango naman ako at naiintindihan na siya. “Nga pala, isuot mo ang swimsuit na ibibigay ko sayo ha! Bago yun, may tag pa. Pero ibibigay ko nalang sayo dahil mas bagay yun sa’yo. Maputi ka naman eh kaya pakak na pakak ka do’n, bakla.” Sabi niya at tinignan pa talaga ako mula ulo hanggang paa.
Napangiwi naman ako at umiling ako sa kanya. Pinandilatan naman niya ako ng mata niya. “Anong iniiling iling mo dyan!” Sabi niya at talagang ginaya pa kung paano ako umiling. “Hindi pwede! Sabi mo one week ka lang dito kaya dapat mag enjoy ka! Ngayon lang naman ‘to kaya isuot mo na. Kung iniisip mo na may kilala ka dito at makikita ka na nakasuot ng bikini ay wag kang mag alala.. maliit lang ang nakakaalam sa isla na ‘to. Masyadong mahal para may pumuntang mga tao dito kaya walang makakakilala sayo dito.” Makulit niyang sabi at talagang gusto niya akong isuot ang swimsuit na sinasabi niya.
“Pero..” sabi ko ngunit pinatigil agad niya ako ng iangat niya ang kanyang isang kamay na para bang pinipigilan niya akong magsalita.
“Kukunin ko lang sa bag ko. Dyan ka lang, wag kang aalis.” Sabi ni Bea saka siya tumakbo papunta sa tent niya. Talagang tumalbog talbog pa ang pisngi ng pang upo niya kaya napangiwi ako.
Pinanood ko nalang ang ibang babae na nakaayos na at tulad ni Bea ay handa na yatang maghanap ng mga lalaking mabibingwit. Ganito pala talaga dito kaya naman pala todo makeup ang mga babae kahit maliligo din naman sila sa dagat.
Hindi ko kaya ang mga suot nila. Yung isa ay talagang ang natakpan lang ay ang hiwa ng p********e niya pati ang hiwa sa pwet. Grabe.. parang wala lang sa kanila ang mga suot nila. Samantalang ako iisipin ko pa kung makikita ba ang legs ko sa suot ko.
Lumabas si Bea sa tent niya at may dalang naka plastic. Agad niyang pinunit ang plastic at pinakita niya sa ‘kin ang pulang swimsuit. Parang bra at panty lang naman pero may ribbon sa pagitan ng dibdib. Sa gilid naman ng panty ay may maliit na tali. “Bikini pala ‘to pero okay na ‘to, bakla. Bagay na bagay sayo kasi maputi ka.” Sabi pa ni Bea kaya nagdadalawang isip ako kung su-suotin ko ba kasi malamang ay hindi ako komportable nito.
“Gamitin mo ‘to ha! Mukhang mayaman naman ang nagsama sayo dito kaya akitin mo nalang habang suot mo yan.” Sabi ni Bea kaya nanlaki ang mata ko at napaubo.
“Hoy! Bata pa yun!” Sabi ko ng makabawi ako sa sinabi niya.
Napairap naman siya sa ‘kin. “Eh ano naman ngayon kung mas matanda ka sa kanya? Gaano ba ka bata yan para hindi patulan ha?” Tanong niya habang naka pamewang sa harapan ko.
“21,” tipid kong sagot.
Napaismid naman siya. “Sus.. 21 naman pala eh. Kayang kaya no’n bumayo kahit 21 no! Malakas tuhod kaya ingat baka mawasak ang bedframe. Kung ako sayo landiin mo yun. At isa pa, pag nag s*x ba tatanungin muna ang edad bago mag chukchakan? Hindi naman diba? Para ka talagang lokarit.” Sabi pa niya at ako pa talaga ang tinawag niyang lokarit. Eh ako nga ‘tong naloloka sa mga sinasabi niya.
Kawawa naman si Kamden, nadadamay pa sa kahalayan na iniisip ni Bea. Pero kahit anong mangyari ay hindi ko gagawin yun no! Para ko na din siyang kapatid eh. Kahit saglit lang kami nagkakilala pero nakakatuwa dahil ang bait niya pero dinala nga lang niya ako dito sa islang ‘to na s*x pala ang hanap.
“Sige, salamat dito ha!” Sabi ko na lamang kay Bea para makabalik na ako sa cabin. Naubos ang energy ko sa mga pinagsasabi niya.
“Gamitin mo yan ha! Lagot ka talaga
sa ‘kin kapag nakita kita ulit na nakasuot ng short na maong.” Pagbabanta pa niya sa ‘kin kaya napakamot na lamang talaga ako sa likod ng ulo ko.
“Ihatid na ba kita?” Tanong pa niya kasi yun ang usapan namin. Pero maliwanag naman kaya alam ko ang pabalik sa cabin.
“Kahit wag na, natatandaan ko naman ang daanan. Salamat dito ha! Pag iisipan ko kung gagamitin ko ‘to. Ipagdarasal ko na may mabingwit kang lalaking gwapo na mayaman.” Nakangiti kong sabi kay Bea kaya natawa siya.
“Need ko yan, bakla. Kailangan ko ng titi.. este pera pala. Sige na, bumalik ka na! Goodluck sa bakasyon mo dito.” Sabi niya sa ‘kin kaya napailing nalang ako habang nakangiti. Natutuwa ako kay Bea. Sa unang tingin ko talaga sa kanya ay maldita. Pero nagkamali pala ako dahil hindi naman pala. Handang tumulong at magbigay ng bagay kahit ngayon pa lang naman niya ako nakilala. May mga tao pa palang ganun. Nakakatuwa lang. Ang swerte ko dahil nakilala ko siya. Pero malamang magagalit ang mama at papa ko kapag nalaman nila na may nakausap akong babae na ganun. Sampal at sipa ang aabutin ko sa kanila.
Nagsimula na akong maglakad pabalik sa cabin. Habang naglalakad ako ay panay ang tingin ko sa binigay sa ‘kin ni Bea. Akala ko pa naman swimsuit, mukhang bago nga talaga ‘to dahil hindi man lang niya alam kung ano ang laman.
Baka itatago ko na lang ‘to at hindi isuot. Sigurado naman kasi ako na hindi kami magkikita ni Bea ulit. Hindi ko kayang magsuot ng ganito kaya itatago ko nalang. Sayang naman kasi, nag effort pa si Bea na kunin ‘to sa gamit niya.
Ibinalik ko sa plastic ang bikini at tumingin ako sa paligid habang naglalakad. Ngunit halos lumuwa ang mga mata ko ng may makita akong lalaking nakapatong sa babae at para bang may ginagawa silang milagro habang ang babae ay nakahiga sa buhangin.
Nanlaki talaga ang mata ko kaya napatakbo na lamang ako habang nakatakip ang isang palad ko sa gilid ng mata ko. Nakakatakot ang mga nakikita ko dito. Hindi kaya ako lagnatin nito mamayang gabi? Dapat ay nag e-enjoy ako pero mukhang ma s-stress lang yata ako dito.
Sakakatakbo ko ay nagkamali pa yata ako ng liko. Huli ko ng napansin na ibang way pala ang tinakbuhan ko kakatakip ko sa gilid ng mata ko. Pero okay lang naman kung dito ako napunta dahil nahanap ko ang mga restaurant na sinasabi ni Kamden.
Natakam ako sa nakita ko dahil nakikita kong marami din palang tao na kumakain dito. Mukhang masasarap ang mga pagkain sa isla na ‘to.
Hindi lang isa ang restaurant na nakikita ko kundi higit pa sa anim. Baka nga meron pang iba. Pero dito nalang muna ako sa coffee shop na para bang mamahalin. Hindi katulad sa mga nakikita kong coffee shop sa Manila. Yung interior pa lang kasi ng shop ay sumisigaw ng mayaman ang may ari. Glass door pati na ang window kaya kitang kita ko ang loob.
Naisip ko kung gagana ba ang sinabi ni Kamden na sabihin ko lang daw ang pangalan niya at ipakita ang key card.
Dali-dali akong pumasok sa loob at bumungad sa ‘kin ang mabangong aroma na nagmumula sa kape. Grabe, ang bango talaga ng kape.
Nagdadalawang isip ako at baka hindi pala totoo ang sinasabi ni Kamden. Nahihiya din akong pumunta sa counter. Hindi kasi ako sanay na bumili. Hindi naman kasi ako lumalabas nh bahay kaya kahit yayain ako ng mga classmate ko dati na pumunta ng coffee shop kahit malapit lang sa school ay hindi ko magawa. Sa takot na baka makita ako ni papa.
Nahihiya talaga ako kaya ang ginawa ko nalang ay tinignan ko ang mukha ng service crew nila dito. Naghahanap ako ng mukhang mabait ang mukha. Gusto ko babae para hindi ako mahiya magtanong.
May nahanap na akong babae. Payat siya at may maamong mukha. Siya na lang ang lalapitan ko para hindi na ako mahiya pa.
Naglakad ako papunta sa babaeng napili ko at agad akong ngumiti. Ngumiti naman pabalik ang babae sa ‘kin.
“Good morning, ma’am. How can I help you?” Tanong ng babae kaya kinabahan ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag o-order ng kape. Nakakakaba pala.
“Ahm.. bago ko sasabihin ang order ko. May itatanong po sana ako.” Sabi ko sa babae sa nahihiyang boses.
“Sure, ma’am. What is it?” Tanong ng babae.
“Ahm.. o-order sana ako ng coffee. Pero sabi kasi ng kasama ko na sabihin ko daw ang pangalan niya kapag may gusto akong orderin at kainin.” Wika ko na hindi ko talaga nilakasan ang boses upang siya lang ang makarinig. Nahihiya kasi ako na baka hindi pala totoo ang sinasabi ni Kamden.
“Ano pong pangalan, ma’am?” Magalang na tanong ng babae.
“Kamden.. Kamden Paterson.” Sabi ko sa pangalan ng binata. Kitang kita ko ang pag iiba ng aura ng mukha ng babae. Para bang umayos siya ng tindig at ngumiti sa ‘kin.
Kinuha ko ang key card ko at ipinakita ko sa kanya upang mapatunayan ang sinabi ko. Kinuha naman ng babae at para bang may iniscan siya ito. Nang matapos siya ay ibinalik din niya sa ‘kin.
Nagulat ako ng may lumapit na dalawang babae sa ‘kin. Tinawag kasi ng babaeng kausap ko para daw i-assist ako.
“Dito po tayo sa table, ma’am.” Sabi pa ng isang babae na iginigiya ako.
“Ha? O-order pa kasi ako ng kape kung pwede po..” nahihiya kong sabi at naguguluhan ako dahil may iba pa talagang dalawang babae na lumapit
sa ‘kin.
“Kami na po magdadala ng order niyo, ma’am. Kukunin din po namin ang gusto mong kainin para iserve nalang po namin at hindi ka na mapagod sa pagtayo.” Sabi ng babae kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko at wala ng nagawa kundi ang sundan ang dalawang babae.
Mukhang dadalhin nila ako sa table na sinasabi nila. Akala ko ay doon sa mga customer na nagkakape din pero dinaanan lang namin sila. Nakasunod lang ako sa dalawang babae hanggang sa nakarating kami sa pinto.
Binuksan ‘yon ng babae at iginiya ako papasok. Ako naman ay nagtatakang pumasok habang nakatingin sa kabuuan ng room. Literal na napa O ang bibig ko dahil sa magandang view na halos kita ang karagatan at iba pang tanawin. Napakaganda.
“Dito po ang VIP, ma’am. Kukunin po namin ang order mo at kami na po ang bahalang mag serve.” Sabi ng babae habang nakangiti.
Kahit naguguluhan ay napatango tango na lamang ako. Ako lang mag isa dito, hindi katulad do’n sa nadaanan ko na maraming nagkakape. Ganito pala kapag VIP, solo ang room at walang kasabay. Tahimik at ma e-enjoy ko ang me time ko habang nagkakape.
Akala ko talaga ay hindi totoo ang sinasabi ni Kamden sa ‘kin. Ngayon ko napatunayan na hindi pala talaga siya nagbibiro at tama ang sinabi ni Bea na malaking tao si Kamden dahil nakaya niyang magbayad ng pamasahe ko papunta dito, cabin pa. At higit sa lahat ay VIP ako ngayon sa coffee shop. Malamang mahal dito at asekasong asekaso pa nila ako. Nakakagulat naman yata ang pagkatao ni Kamden kahit 21 years old pa lang siya.