Chapter sixty nine KATRINA’S POV’S Naninibago ako kay Delfin, ang tahimik niya ngayong umaga simula ng sinabi nilang may sumundo sa kanya na may magarang sasakyan. Pinapakiramdaman ko lang siya habang nag iigib ng tubig, hindi siya umiimik, dati rati ay nagkwekwento pa siya sa akin lalo kapag kumakain kami. Kaso ngayon ang tahimik niya, ano kaya nangyari? “ Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya. “ Oo naman mahal.” Ngumiti siya pero parang ang lungkot ng kanyang mukha. Nararamdaman ko naman na may kakaiba sa kanya, ang lakas ng kutob ko na may nangyaring hindi maganda. “ Kailangan ko na umalis.” Paalam niya sa akin, dala dala na niya ang mga gamit niya para sa bukid. “ Sige mag iingat ka.” Gumawa na lang ako ng gawaing bahay at ng sumapit ang alas nuwebe ay may bumusina sa harap ng

