Chapter forty two KATRINA’S POV’S Mahaba haba ang tulog ni Delfin, epekto ng itinurok sa kanya sa operasyon, itong si Wilma naman hindi na umalis sa tabi niya, may upuan kase sa gilid ng pasyente at doon siya pumwesto at natulog. Ako naman medyo malayo sa kanya pero ang mga mata ko nakatutok kay Delfin at hinihintay siyang magising. Itong si Jabed naman naglatag dito sa sahig at natulog, may hiniram siyang karton at nilagyan na lang niya ng kumot upang hindi siya malamigan. Para kaming nagcacamping dito, hindi din naman ako makatulog hanggat hindi ko nakikitang okay ang pakiramdam ni Delfin. Napansin kong gumalaw siya kaya alam kong gising na siya, lumapit ako sa kanya ng maimulat na niya ang kanyang mga mata. “ Kamusta pakiramdam mo?” mahinang tanong ko sa kanya dahil baka magising

