Chapter forty three KATRINA’S POV’S Maayos na ang lahat, maaari na kaming makauwi, inaayos na namin ngayon ang mga dinala naming gamit dito sa ospital, iniisa isa na ni Jabed yun pababa sa sasakyan niya. Nakakalakad na paunti unti si Delfin pero hindi maaaring mabilisan. Kailangan parin siyang maalalayan sa paglalakad. Ako na bahala mag alaga sa kanya kapag nakauwi na kami. Nakasakay siya sa wheelchair habang palabas ng ospital, nasa likod lang ako pati na rin sila Wilma at Jabed, nahuhuli kami ni Wilma na maglakad. Siguro wala sa mood dahil puyat, natulog sa upuan kase si Wilma at masakit sa katawan ang pwesto niya kaya mabagal ang paglalakad niya ngayon. “ Kat?” rinig kong banggit ni Wilma. “ Si Kat yun ah.” Bulong niya na parang may nakitang kakilala. Tama ba ang rinig ko? Kat an

