Chapter fifty eight KATRINA’S POV’S Nakipagkwentuhan sa akin ang mga magulang ni Anton, habang ang kaibigan ko naman ay naghahanda ng juice at tinapay pangmeryenda. “ Nag abala ka pa.” sabi ko sa kanya, tuwang tuwa sila na makita ako, napaka approachable din nila sa akin kagaya ng dati. “ Sige na Rina, magmeryenda ka na muna.” “ Siya nga pala hija, paano ka napadpad dito?” tanong sa akin ng kanyang ama. “ Naligaw lang po ako at pagkatapos ay napamahal na sa akin ang mga tao sa barrio Masilang at pati na rin po ang lugar kaya nanatili na lang din po ako dito.” “ Baka may hindi ka maiwan dito kaya hindi ka pa bumabalik sa syudad.” Pang aasar ng mama ni Anton, nagtawanan sila sa sinabi niya sa akin. “ Biro lang Rina, alam mo nakakamiss tumira sa syudad pero napakakomportable tumira dit

