Chapter fifty nine KATRINA’S POV’S Hindi ako makapagsalita dahil parang naluluha si aling Rita sa sinabi ko sa kanya, hindi ko alam kung paano siya pasasayahin, ayoko ng may nagkakaganyan sa harapan ko. Mukhang nalungkot siya sa nasabi ko sa kanya. “ Ayos lang po ba kayo?” “ Oo Rina, ayos lang ako, pagod lang to.” “ Malayo pa po ang lalakarin niyo.” “ Kaya ko naman at sanay na ako, napagod lang ako ngayon dahil imbis na pambili ko ng inumin ay sinagad ko ang per ana hawak ko pambili ng gamot, para hindi na ako mag isip pa ng iinumin niyang gamot sa susunod na linggo.” “ Ano po bang sakit ng anak niyo?” “ Hindi ko pa siya napapatingin ulit sa doktor, bata palang noong huli ko siyang dinala sa ospital.” “ Ganun po ba.” Hindi ko nan ga ioopen yung topic tungkol sa anak nila dahil a

