Chapter sixty five WILMA’S POV’S Nakakaawa talaga si Rina, wala man lang siyang pangswimming. Poor girl, kaya pinagtsatsagaan siya ni Delfin kase naaawa lang siya sayo, wala ng ibang dahilan yun. “ Uy Wilma narinig ko kanina na may pupuntahan daw sila Delfin at Rina mamaya.” “ Saan naman?” “ Hindi ko alam, bast narinig ko lang.” At saan naman sila pupunta? Imposibleng may mapuntahan pa sila dito, wala namang masakyan si Delfin at isa pa wala namang ibang pasyalan dito. “ Hayaan mo sila, baka diyan lang sa tabi tabi sila pupunta.” Sagot ko. Nagtawanan ang mga kasama ko, nandito kami sa gilid ng pool at umiinom ng juice, maganda itong resort ni tita, kaso nga lang dapat kami lang ni Delfin ang narito kaso naging bonding na ng lahat at kasama pa yung babaeng kinaaayawan ko. Wala ak

