Chapter sixty four KATRINA’S POV’S Mabuti naman at hindi na kasama ni Wilma si Delfin ngayon, yung mga kaibigan na niya ngayon ang kasama niya at sila ang nagbobonding ngayon sa gilid ng pool. Nagtatawanan at kwentuhan, paminsan minsan ay tumitingin sila sa akin habang tumatawa, binabalewala ko na lang dahil katabi ko si Delfin. “ Ayaw mo bang maligo?” “ Naligo na ako kanina, mamaya na lang siguro.” “ Sumama ka sa akin mamayang alasais.” “ Ha? Saan naman tayo pupunta?” “ Basta.” Ngiting ngiti si Delfin na para bang may binabalak siya. Pareho sila ni Jabed kanina na naglihim, akala ko breakfast lang pero sa resort na pala kami pupunta. “ Delfin! Halina kayo maligo tayo!” sigaw ni Wilma. Ngumiti lang si Delfin. “ Kayo na lang.” tanging sagot niya sa kanila. Nakaupo lang kami ni De

