KATRINA POINT OF VIEW “Ate ano na mag kwento ka na bilis!” kanina pa niya ako kinukulit na mag kwento kung ano ang nangyari sa’min ni Delfin sa bundok. “Wala nga sinagot ko lang siya ganu’n lang,” sagot ko kay Gabby ang kulit kasi e. “Totoo? ibig sabihin nobyo mo na si kuya Delfin!” sigaw ni Gabby. “May nobya na si Tiyo Delfin?” singit ni Bochog. Pinigilan ko naman kaagad si Gabby sa pagsasalita. Ito kasi hindi mapigilan ang bunganga kaya ayaw kong ipaalam sa kanya e. “Ah- eh ang sabi ni Tiya Gabby n’yo pupuntahan natin si Delfin sa may taniman para dalhan ng pagkain,” nakangiting alangin kong sabi. “Ah ‘yun lang pala akala ko naman may nobya na si Tiyo,” tatango-tango naman na sabi n Bochog. Pinanlalakihan ko ng mata si Gabby at itinuloy ko na ang aking ginag

