Katrina Point of View Ano bang nangyari sa lalaking ito at parang na-estatwa na dito, hindi na siya kumikilos at nagsasalita. “Delfin huwag mong sabihin na-prank lamang ito dahil kung prank lamang ito ay talagang tatalon ako dito sa bundok pababa!” pagbabanta ko sa kanya. Hindi ko na kasi kakayanin pa kung niloloko lamang niya ako. Nang hindi siya sumagot ay unti-unti akong lumakad patalikod papunta sa bangin. Nang hindi siya lumalapit ay pumikit ako at inihanda ko na ang sarili ko na mahulog pababa. Pero bago nangyari ‘yun ay may yumakap sakin. “Huwag mong gagawin ‘yan dahil baka ako makulong,” napamulat ako ng mata at nakita ko si Delfin na nakayakap sa’kin. “At kaya mo ba ako pinipigilan? Huwag kang mag-alala dahil hindi kita mumultuhin,” sabi ko sa kanya. “Kasasago

