Chapter thirty seven KATRINA’S POV’S Hindi parin ako nagpakita kanila Delfin at Wilma dahil pinipilit parin ni Wilma na magovernight si Delfin sa kanila at ang pagkakarinig ko ay kasama niya ang mga kateam nila. Kung kasama ba talaga? Wala akong tiwala sa babaeng yan, bigla ko nanamang naalala yung nangyari noon, nakita ko yung gamit ni Delfin sa kwarto ni Wilma at narinig ko rin na bukas yung shower, nawala na sa isip ko yan kaso tuwing magtatagal si Delfin sa bahay nila Wilma o kaya aayain siya nito na pumunta doon ay hindi ko maiwasan na maalala yun. Hays, ayoko masira ang buong araw ko ng dahil kay Wilma, umiling iling ako para mawala sa isip ko yung mga naaalala kong nangyari sa nakaraan. Mabigat man sa pakiramdam dahil wala akong malinaw na sagot na nakuha mula kay Delfin kung

