Chapter thirty eight KATRINA’S POV’S Pumasok na kami sa bahay ni Delfin, pinauwi na rin niya si Nelson na kanina ay aksama niya na naghanap sa akin. “ Pasensya na hindi na ako nakapagpaalam sayo, hinanap ko kase itong damit na isusuot ko bukas dahil biglang nawala sa sampayan, nakita ako ni Jabed na naghahanap kaya tinulungan niya ako.” “ Paano nawala yan?” “ Hindi ko rin alam, nakita na lang namin na pinaglalaruan ng mga bata doon pa sa may kanto, ang sabi nila sa akin ay nakita nila sa kanal itong damit ko, ang layo layo ng bahay natin doon sa lugar kung saan ko natagpuan itong damit, kaya malamang may kumuha nito sa sampayan at tsaka tinapon na lang sa kung saan.” Nalungkot ako bigla kahit na natapos na ang problema ko dito sa damit na hawak hawak ko, may punit kaunti dahil nilaro

