Chapter forty KATRINA’S POV’S Umuwi rin ako agad matapos manlibre ni Oman, nagkahiwa hiwalay na lang kami sa may kanto dahil sa kabilang barrio lang naman ang punta nilang lahat. “ Sayang yun ate, panalo na sana sila kuya Oman.” “ Oo nga eh, pero panalon naman sila Delfin.” Binilisan namin maglakad ni Gabby dahil inaalala ko si Delfin, naabutan namin siya na nakaupo at nasa tabi niya si aling Delia. “ Nalagyan ko na ng benda, namamaga pa ang kanyang paa.” Sabi ni aling Delia. “ Magpahinga ka lang Delfin, aalis na ako, nandito naman na si Rina.” “ Salamat po.” Umupo ako sa tabi ni Delfin, nakita ko ng ana namamaga ang kanyang paa, mas malaki kumpara sa kabilang paa niya. “ Huwag ka muna gumalaw galaw dahil baka mas lalong mamaga ang paa mo.” “ Ayoko naman na ikaw ang gumawa lahat

