Katrina Point of View Ganito pala ang feeling ng nililigawan. Bakit ba ngayon ko lang naramdaman ‘yun? Napaisip tuloy ako kung niligawan ba ako ni Cris. Sabagay magka-iba sila ng pamamaraan ng panliligiaw. “Ang galing talaga ng pare ko kung hindi lang dahil sa’yo matagal ko ng niligawan itong si Rina,” sabi Nelson na nanginginain dito. “Kuya Nelson ‘di ba may gagawin ka pa, punta ka na kaya du’n,” sabi ni Gabby kay Nelson. “Ha? Ako? Wala ah! Saka gabi na at tinawag kaya ako dito ni Pareng Delfin para maging alalay niya. Baka kasi pumiyok,” natawa ako sa sinabi ni Nelson na siyang ikinalaki ng mata ni Delfin at saka siniko. “Aray ko!” reklamo ni Nelson. “E diba nga may gagawin ka pa tinatawag ka na, bilis!! Tara na,” sabi ni Gabby na hila-hila si Nelson ni

