Katrina Point of View Kanina pa ako gising pero tinatamad akong bumaba pinapakiramdaman ko lang si Delfin kung naka-alis na ba siya o hindi parang ayaw ko muna siyang makita pero gusto ko siyang tanungin sa mga sinabi ni Wilma sa’kin. Hanggang ngayon ay hindi pa natutuloy ang sinasabi ni Delfin na aalis kami. Una pa lang siya nanliligaw pero sablay na kaagad. Paano ba? Seryoso ba talaga siya o hindi? Pina-paasa lang ba niya ako? Bumaba na ako ng masigurado kong wala ng tao sa baba. Naghilamos na lang ako at kung tulad ng dati may pagkain sa lamesa kahit tinapay ngayon ay wala. Kahit ang tubig sa drum ay hindi na naman puno. Siguro nga ay talagang hindi niya ako gusto. Binuksan ko ang pintuan sakto ang pagparada ng isang pick up sa harap ng bahay. Lumabas dito si Jabed na

