Chapter 3

2143 Words
Kat Point of View Maaga ako nagising pero nakahiga pa din ako. Kailangan ko nang masanay sa mga tilaok ng manok at sa higaan na matigas na yari sa kawayan.   Nakikita ko na ang liwanag na nakikita ko sa mga butas sa bubong. Hindi ako makababa dahil pinakikiramdaman ko pa ang kasama ko sa baba kung nakaalis na ba o tulog pa pero ng mainip ako ay bumaba na din ako maliligo na lang ako at magpapasama kay Aling Delia sa bayan para makabili ng kahit na manipis na kutson.   Papasok na sana ako sa banyo pero nagulat ako sa taong lumabas dito. Naka-topless at tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok papunta sa katawan nito.   Napahinto din ito ng makita ako.   “Ano pa ang itinigil mo diyan? Akala mo ba madadaan mo ko diyan sa mga abs mo, no way!” sabi ko sa kanya para hindi niya mahalaa na napatigil din ako ng makita ko siyang naka topless.     “Nakaharang ka sa daan.”  napakagat ako sa labi dahil sa sinabi niya, unti-unti kong nilingon ang gilid ko wala na nga palang daan dahil isang tao lang ang pwede makadaan papunta sa banyo. Unti-unti akong umatatras at  ganoon din siya sa akin pa forward lang ang ginagawa niya.   Nakahinga ako ng maluwag ng makadaan na siya at nagmamadali na akong pumasok sa loob ng banyo. Ilang oras minuto yata ako nakatayo lamang dito sa loob ng banyo dahil nakakahiya ang nangyari sa akin kanina.   Mag uumpisa na akong maligo ng makita kong wala ng laman ang drum.   “Paano ako liligo nito, walang laman ang drum at walang gripo dito.” Sabi ko sa sarili ko.   Lumabas ako ng banyo sak anag diretso sa kwarto ng lalaki na iyon. Kinatok ko ito ng malakas.   “Hoy, lalaki! Buksan mo ang pinto!” sabi ko habang kinakatok ang pintuan niya,maya-maya naman ay binuksan na niya ito.   “Bakit?” tanong niya na wala man lang karea-reaksyon.   “Walang lamang tubig  ang drum.” sabi ko sa kanya.   “Mag-igib ka.” simpleng sagot niya sa akin.   “Ano? Mag-iigib?” ano bang pinag sasabi niya.   “Mag-iigib , kumuha ka ng tubig mo.” paliwanag niya na mukhang iritado na.   “Ikaw ang umubos ng tubig kaya dapat ikaw din ang kumuha at mag puno.” sabi ko sa kanya. Nakakainis umagang-umaga binubuwisit niya ako.   “Ako ang nag igib ng tubig na iyon kaya okay lang na ubusin ko.” Sabi niya at saka ako pinag saraduhan ng pinto.   “Aish nakakainis ang lalaki na ito, grabe” nanggi-gigil kong sabi sa ko pinagikom ang kamay ko.   Lumabas na lamang ako at naghanap ng gripo pero wala naman kahit isa dito.   “Bochog!” tawag ko sa batang tumatakbo  pero ng makita niya ako ay nakangiti siyang pumunta sa akin.   “Bakit po ate ganda?” tanong niya sa akin.   “Alam mo ba kung saan pwede kumuha ng tubig dito pang ligo?” tanong ko sa kanya.   “Opo ate ganda, samahan ko po kayo” nakangiting sabi ng bata kumuha namana ko ng timba at saka sumama kay Bochog.   Napangiwi ako dahil hindi naman ito gripo kundi isang well ang nakikita ko sa harapan ko at masayang tumakbo pa doon si Bochog.   “Papaano kumuha ng tubig diyan?” tanong ko ng makitang sobrang lalim nito. Kailangan ko bang pumasok dito sa loob? Thinking of that giving me shivers from my skin.   “Itong maliit na timba ate ay kailangan mong ihulog sa baba para magkaroon ng tubig tapos kapag naramdaman mong may laman na ang tubig hihilahin mo ito paitaas.” Paliwanag sa akin ni Bochog.   Tumango ako at saka ginawa ang instructions ni Bochog and there nakakuha na ako ng tubig. Napatalon pa ako sa tuwa.   “Salamat, Bochog!” Niyakap ko pa si Bochog bago ko isinalin ang tubig sa timba.   “Mayroon din po na na poso dito na de-bomba kaya lang po may kalayuan iyon.” Sabin i Bochog.   “Okay lang iyon, Bochog. Puntahan na lamang natin sa susunod.” Nakangiti kong sabi.   Pinaalis ko na si Bochog dahil may pupuntahan daw ito, naiwan daw niya kasi ang tsinelas sa kapitbahay. Nang mapuno ko na ang timba ay saka koi to binuhat.   “Hindi pala ito madali, it’s too heavy” reklamo ko sa sarili ko habang binubuhat ang timba patigil-tigil pa ako dahil hindi ko kaya na maglakad ng mabilis.   Nang makarating ako sa bahay ay natanaw ko si Aling Delia na nagwawalis ng bakuran.   “Sus maryosep, bakit ikaw ang nag-iigib? Natatarantang sabi ni Aling Delia papalapit sa akin. Nagpunas ako ng pawis ko ng lumabas si Delfin. Tumingin siya sa akin at sa timba ko na halos kalahati na lamang ang laman dahil natatapon ito sa daan.   “Delfin, tulungan mo nga si Rina magbuhat ng tubig.” Sabi ni Aling Delia kay Delfin.   “Malaki na siya, may pupuntahan pa po ako sa palayan Tiya.” Sabi ni Delfin at saka naglakad palayo. Hindi man lang ako tiningnan ang lalaki na iyon talagang nangigigil na ako.   “Kayang-kaya ko naman po Aling Delia, nabuhat ko nga hanggang dito ang tubig.” Nilakas ko talaga ang boses ko para madinig ng Delfin na iyon. Nakakainis parang hindi niya ako nakikita. Wala man lang bakas ng pagiging maginoo ang lalaking iyon.   Itinuloy ko na lamang ang pag-iigib kesa ang ma-stress sa Delfin na iyon. Matapos kong makapag ipon ng tubig ay  nakaligo na din ako. Nakakapanibago kasi walang heater dito kapag malamig, kaya talagang tiniis ko na lang kahit malamig.     Magtatanghalian nan g lumabas ako nakita ko naman si Aling Delia na palabas.   “Aling Delia papunta po ba kayo sa bayan?” tanong ko sa kanya .   “Hindi, bakit mo naitanong?” sabi niya sa akin.   “Ah, magpapasama po sana ako pumunta sa bayan para bumili ng mga kailangan ko.” Paliwanag ko kay aling Delia.   “Pupunta kasi ako  sa maisan para makapag-ani ng mais. Pasasamahan na lang kita kay Delfin.” Sabi ni Aling Delia.   “Sa lalaki pong iyon? E mukhang palaging malaki ang problema, napaka sungit!” reklamo k okay Aling Delia totoo naman akala ko mo wala ako dito kung madaan-daanan niya lang ako.   “Mabait naman si Delfin, talagang ganoon lamang ang ugali niya, pagpasensyahan mo na.” ngumiwi ako sa sinabi ni Aling Delia, ewan ko kung mapapakisamahan ko ng maayos iyon.   “Delfin, nandiyan ka na pala diba pupunta ka ng bayan ngayon? Isama mo si Rina at may bibilhin daw na mga gamit. Isama mo na din si Gabby para may kasama si Rina.” Sabi ni Aling Delia.   “Sige ho.” Wow akala ko hindi siya papaya. Umalis na si Delfin pagkatapos niyang pumayag.   Tinawag ni Aling Delia si Gabby at ako naman ay pumasok para mag bihin. Nagsuot ako ng crop top shirt and jeans. Kinuha ko ang body bag na maliit at nagsuot ako ng rubber shoes.   “Perfect!” Sabi ko sa sarili ko at saka ako lumabas ng bahay.   Ang kaninang ngiti ko ay nawala sa bumungad sa akin. Ang kalabaw ay mayroon ng mga kahoy at may gulong.   “Tara na ate!” sabi ni Gabby lalampas sana siya sa akin pero hinawakan ko ang kamay niya.   “Bakit ate?” tanong niya sa akin.   “Diyan ba tayo sasakay sa kalabaw na may  gulong na iyan?” tanong ko sa kanya.   “Opo ate dito po tayo sa kariton sasakay wala po kasi na ibang masasakyan papunta sa bayan.” Tumango ako sa sinabi ni Gabby at napilitan na sumakay paakyat sa kariton.   Napapakapit ako sa gilid ng kahoy at napapatili sa tuwing gegewang kami dahil sa mga lubak na daan.Tumatawa si Gabby sa akin tuwing mapapatili ako. Si Delfin naman ay prenteng nakaupo lamang sa gitna para mag-alalay sa kalabaw. Okay na ako dito kaysa naman sa mismong kalabaw ako sumakay mas nakakatakot dahil baka mahulog ako doon.   “Ate Rina, ang pula ng kamay mo.” Sabin i Gabby. Tiningnan ko naman ang kamay ko at sobrang pula nga nito.   “Baka dahil sa pag buhat ko ng timba na may tubig kanina.”paliwanag ko sa kanya.   Kinuha ni Gabby  ang kamay ko at hinawakan ito. “Sobrang lambot ng mga kamay mo ate Rina, halatang hindi ka sanay gumawa ng mga ganoong bagay.” Sabi sa akin ni Gabby.   Bigla tuloy ako nahiya sila sa ganitong edad ay natuto ng gumawa ng gawaing bahay at tumulong sa mga trabaho ng mga magulang nila. Samantalang ako noon ay nakahiga at paupo-upo lang at may ibang tao ang gumagawa ng mga bagay na kailangan ko.   Nakarating kami ng bayan. Ang akala ko ay tulad ito ng market sa syudad hindi pala may mga kubol lamang ang bawat tindahan dito.   “Bilisan ninyong mamili dahil baka gabihin tayo sa daan.” Sabin i Delfin habang itinatali ang kalabaw sa may punong kahoy.   “Sige po, kuya.” Sabin i Gabby.   Habang nag lalakad kami ni Gabby ay panay ang tingin ng mga tao sa akin. O napa-paranoid lamang ako sa iniisip ko?.   “Ate, ano ang bibilhin natin?” tanong ni Gabby pero hindi koi yon sinagot dahil sinusulyapan ko din ang mga taong tumitingin sa akin. Sanay naman akong palaging tinitingnan ng iba pero bakit pag dating dito ay naninibago ako?   “Ate okay ka lang?” sabi ni Gabby.   Lumapit ako kay Gabby saka bumulong. “ Bakit ba sila tingin ng tingin sa akin?” tanong ko sa kanya na ikina ngiti niya.   “Naninibago lamang sila na maka-kita ng tulad mo.” Sabi niya sa akin.   “Tulad ko?” tanong ko, tumango naman si Gabby sa akin.   “Ang ayos mo ate ay ibang-iba sa mga tulad namin kaya sigurado silang bagong salta ka lamang sa lugar na ito.” Iba nga ang suot ko sa kanilang pang karaniwan lamang samantalang ako ay parang mamasyal sa mall.   Binili namin ni Gabby ang mga unang kailangan ko pag dating sa mga hygenes ko. Wala mang nag iba dito ay okay na din naman ano nga ba mabibili ko sa ganitong lugar. Sinunod ko ay bumili ako ng mga damit para may magamit ako at hindi nila isipin na ako ay palaging kakaiba.    Ibinili ko na din ng mga bagong damit si Gabby, sa una ay nahihiya siya pero tinanggap na din niya ng sinabi ko na ibibili ko din ang tatlong bata.Ganoon din sa mga tsinelas dahil madalas ko silang makitang walang sapin sa paa.   “Ang dami na nito ate, Rina.” Nakangiting sabi ni Gabby sa akin. Bumili din kasi ako ng mga pagkain namin para hindi na bumili si Aling Delia.   “Kama at saka kumot na lamang ang kailangan kong bilhin.” Sabi k okay Gabby.   “Wala ditong Kama pero may mabibilhan tayong mga kutson na maninipis na pwede mong ilatag sa katre.”  Hirap man mag buhat si Gabby ay masigla pa din siyang pumunta sa may bilihan ng mga tela.   “Mang Jun kutson nga po na pang katre.” Masayang sabi ni Gabby sa matandang lalaki.   “Saglit lang Gabby at kukunin ko.” Saka tumalikod ang matanda.   “Si Mang Jun ang sikat na gumagawa ng mga kumot at mga tela dito.” Tumango ako at tiningnan ang mga telang nandito. Ang gaganda at unique ang mga designs.   “Ito na lamang ang natitira mamili ka na lang ng kulay.” Sabi niya.   “Ate pili ka na.” Na divert naman ang tingin sa akin ng matanda.   “Kasama mo ba siya Gabby? Ang ganda naman saan ba siya galing at ngayon ko lang siya nakita?” tanong ng matanda.   “Sa malayong lugar po.” Sagot ko. At saka ko hinawakan ang tela malamot nga to. “Magkano po ito?” tanong ko. “Siento trenta na lamang sa’yo” sabing Matanda.   “Siento trenta?” tanong ko sa kanya.   “One hundred thirty” sagot ng taong kapapasok lang. “Kuya Delfin!”   “Ikaw pala Delfin, ngayon na lang kita nakita.” Sabi ng matanda   “Busy ho ako sa palayan at maisan.” Sabi niya sa matanda sabay tingin sa akin. “ Tara na gagabihin na tayo.” Sabi niya.   “Kukunin ko na ho ito at dalawang kumot  ito po ang bayad.” Sabi ko sa kanya sabay abot ng isang libong piso.   “Wala pa akong panukli sa’yo Ineng.” Sabi ng matanda.   “Okay na po iyan, sa inyo na po ang sukli.” Sabi ko.   “Maraming salamat, Ineng. Delfin napaka swerte mo sa nobya mo ang ganda at ang bait.” Sabi ng matanda na ikinagulat ko.   “Na----“   “Hindi ko ho siya nobya.” Sabi nito at kinuha ang mga dala ni Gabby.   Kapal ng mukha hindi ba ako, girlfriend type para sa kanya. Aish Delfin Isa na lang talaga.   Inilagay niya ang mga dala niya sa kariton at ako ay hindi man lang tinulungan mabuti pa si gabby at tinutulungan ako.   “Hindi mo kailangan mag-ubos ng pera para maipakita sa kanila na mayaman ka.” Biglang sabi niya.   “Anong sabi mo? Bumili lang ako ng mga kailangan at hindi ko ipina mumuka sa ibang tao ang yaman ko.”   “Tingnan mo nga ang mga pinamili mo pang ilang buwan ng kita ng mga tao yan dito.” Ano bang problema ng lalaki na ito?   “Ano bang problema mo sakin?” tanong ko.   “Sumakay ka na o gusto mong maiwanan dito.” Sabin i Delfin.   Padabog na sumakay ako ng kariton. “ Pagpasensyahan mo na si kuya Delfin.” Bulong ni Gabby sa akin.     “Dito na lamang ako kuya,Delfin. Pupuntahan ko pa siAling Agnes.” Sabi ni Gabby na nagpababa sa isang kubo na malapit sa amin.   Inihinto ni Delfin ang kalabaw at itinali pagkatapos ay umalis.   “Hoy! Hindi mo ba ako tutulungan magbaba nito?” sigaw ko sa kanya ng makitang papasok na ng bahay.   “Ikw ang gustong bumili niyan, kaya matuto kang magbaba ng mga iyan.” Sabi niya at saka tuluyang pumasok ng bahay.   “Ang lalaki na iyon talagang sinasagad niya ang pasensya ko!. Hindi ba niya alam na ako si Katrina Dela Cruz tinitingala ng mga tao! May araw ka din sa akin Delfin mapapasunod din kita.” Sabi ko habang isa-isang kinukuha ang mga gamit sa may kariton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD