Chapter 4

1974 Words
 Katrina Point of View   “Maraming salamat sa mga pinamili mo sa mga apo ko,” Masayang sabi ni Aling Delia.   “Wala po iyon,” sabi ko sa kanya.   Masaya ako na nakikitang masaya sila sa simpleng mga bigay ko. At masaya dina ko dahil masarap na ang tulog ko kahit na hindi masyadong malambot ang higaan ko ay hindi naman na masakit sa likod. Nasanay na din kasi akong gumising ng mga alas singko pa lang dahil ang mga tao dito ay talaga namang maaga silang gumigising at ginagawa na ang kanilang mga gawain.   Samantalang ako heto at nakatunganga sa labas ng bahay at pinagmamasdan sila.                                                     “Gabby, pwede ba akong tumulong sa’yo?” tiningnan ako ni Gabby at tinatantya kung totoo ba ang sinasabi ko.   “Sigurado ka ate?” tanong ni Gabby,tumango ako sa kanya bilang sagot ko.   Ibinigay niya sa akin ang walis ting-ting ginawa ko naman ang kaninang nakikita ko na ginagawa ni Gabby. Winalis ko ang mga dahon at iba pang mga kalat. Ang dumi pala nito sa paa at nakakabahing dahil sa alikabok.   “Ano ba iyan!” Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Delfin na  iwinawagayway ang kamay sa ere at ang isang kamay ay nakatakip sa kanyang mukha.   “Sorry, natamaan ba kita?” tanong ko sa kanya.   “Hindi ka naman marunong mag walis tingnan mo ang paligid puro alikabok!” galit na sabi ni Delfin.   Tumingin nga ako sa paligid at totoo nga ang sinabi niya sobrang alikabok nga.   “Ikaw talaga Delfin, hayaan mo na si Rina dahil hindi naman siya sanay sa mga gawain dito sa atin,”  sabi ni Aling Delia na tumatawa.   “Sana bumalik na lang siya sa pinanggalingan niya para hindi na siya nakakagulo dito,” sabi ni Delfin na lumakad na palayo.   “Pasensya na po Aling Delia, sa susunod po aayusin ko na,” nakangiting sabi ko kay Aling Delia.   “Okay lang iyon, alam kong kahit na pigilan kita na gawin ang mga bagay na gusto mo ay alam kong ipagpipilitan mo din iyon,” nakangiting sabi ni Aling Delia.   Napangiti ako sa aking sarili kahit na ilang araw pa lamang ako dito ay parang kilala na ako kaagad ni Aling Delia.   “Salamat po, pagbubutihan ko po para makatulong ako dito,” tinapik lang ako ni Aling Delia at saka lumakad na din palayo at sinundan si Delfin.   Kung anu-ano na nag ginawa ko dito sa bahay nag-linis na ako kumuha na ako ng tubig pero nakakainip pa din pala. Kaya lumabas ako sakto naman na nakita ko sina Gabby at ang tatlong mga bata na papaalis.   “Saan kayo pupunta?” tanong ko sa kanila.   “Sa palayan po ate tutulong kina Tiyang Delia,” sabi ni Gabby na may dalang mga basket.   “Ano iyang mga dala ninyo?” tanong ko ulit sa kanila.   “Pagkain po dahil hindi na makakauwi sina Tiya para kumain ng pananghalian,”   Na-curious naman ako kung ano ang kanilang ginagawa sa bukid kaya nagpasya na lamang akong sumama kina Gabby papunta sa palayan. Nang makarating kami ay doon ko lamang nalaman na ang iyon pala ang lugar kung saan ako napadpad nu’ng hinahanap ko ang sasakyan ko.   May kanya-kanyang ginagawa ang lahat sina Aling Delia at ang mga kasama niya ay nagtatanim sa gitna ng init ng araw. Nakakahanga tingnan na nagpapakahirap sila ng ganito para sa may makain tayo. Sila ay walang reklamong nagtatanim sa gitna ng tirik na araw tapos tayo ay minsan nagre-reklamo pa.                                                                               Nakita ko si Delfin na naglalakad papalapit sa amin. Masaya siyang nilapitan ni Bochog.   “Tiyo, Delfin tingnan mo ang bagong ginagawa kong laruan!” masayang ipinakita ni Bochog ang kanyang ginawang laruan na gawa sa lata at patpat.   Hinawakan naman ni Delfin ang buhok ni Bochog at ginulo saka may sinabi pero hindi ko na iyon madinig. Maya-maya ay masayang tumakbo palayo si Bochog dala ang kanyang laruan na pinapagulong sa lupa. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti kay Delfin habang nakatingin kay Bochog.   “Wow! Marunong naman palang ngumiti ang isang ‘yun.” bulong ko sa sarili ko. Sa totoo lang nu’ng ngumiti siya ay nag-iba ang tingin ko sa kanya para siyang ibang tao kaysa sa mga pinapakita niya sa akin.   “Gwapo si kuya Delfin, diba?” napatingin ako kay Gabby na nasa tabi ko na pala.   “Huh!” iyon na lamang ang nasabi k okay Gabby at ngiti naman ang ibinigay niya sa akin habang patuloy na nag-aayos ng mga pagkain.   Sakto ang pagdating ni  Delfin na kumuha ng tubig sa dala naming jog kaya itinuon ko na lamang ang paningin ko sa ibang bagay. Kasunod na nakita ko ang pagdating nina Aling Delia at ang iba pa nilang kasama na nagtatanim.   “Rina, mabuti naman at sumama dito” sabi ni Aling Delia.   “Nakaka-inip po sa bahay,” sabi ko.   “Totoo nga pala ang balita dito na may dayo dito sa atin,” sabi ng isa sa mga kasamahan nila Aling Delia.   “Oo nga at napaka-ganda pa,” sunod na sabi ng isang babae na ka-edad din ni Aling Delia.   “Siya si Rina, sa syudad siya nakatira.” sabi ni Aling Delia na na latag ng dahon ng bayabas. Ang ibang kasama nila ay nagsipag hugas na ng mga kamay.   “Kay kutis ng iyong balat iha!” sabi ng isang babae din na mas matanda yata ng kaunti kina Aling Delia.   “Salamat po,” nakangiti kong sabi sa kanila tinulungan ko na din sila maglatag ng pagkain.   Napatingin ako kay Delfin at sa kasama nitong lalaki na nag-uusap. Nahuli ko pa ang pagsulyap sa akin ni Delfin at pag-iwas nito kaagad.   Napangiti ako ng lihim “ Alam kong makukuha din kita sa mga charm ko, Delfin.” Sabi ko sa isip ko.   Nag kanya-kanya na sila ng pwesto ako ay napunta sa tabi ni Gabby at ni Bochog.   “Naku Rina hindi ka naipagdala ng kutsara at tinidor,” sabi ni Aling Delia na lahat ay napatingin kahit si Delfin sa akin.   I tried to smile. “Okay, lang po magkakamay na lamang po ako,” sabi ko sa kanila.   I watched them eating using their hands at napatingin ako kay Gabby at ganu’n din siya sa akin at ngumiti.   “Ganito ate ipunin mo ang kanin at saka mo ito diinan para pag dikit at pwede mo na din lagyan ng ulam tapos pwede mo na kainin,” ngumiti ako at saka ako tumango.   Ginawa ko ang sinabi ni Gabby at ayun nakakain na ako at sobrang saya ko na halos napapalakpak pa ako sa tuwa.   “Ang sarap!” sabi ko sa kanya.   “Talaga, ate?” tanong ni Gabby.   “Masarap talaga ang adobong palaka,” bigla akong napatigil sa sinabi nu’ng katabi ni Delfin at napatingin sa kanya.   At kita ko naman siya at ang iba na sarap na sarap. Totoo naman iyon pero seryoso ba sila? It’s a frog?   “Seryoso palaka ito?” turo ko pa sa kinakain ko.   Ang lahat ay napatingin sa akin kahit si Aling Delia.   “Oo, ‘yang kinakain mo ay legs ng palaka,” sabi ulit ng lalaking iyon.   Hindi ko tuloy malaman kung lulununin ko ang pagkain ko sa bibig o hindi.   “Pasensya ka na ate hindi ko kasi alam na sasama k asana naipag luto kita ng ibang ulam,” hinging paumanhin ni Gabby.   “Bakit ka magso-sorry gusto niya dito dapat ay matuto siya ng pagkain natin at mga gawain,” nalunok ko bigla ang kinakain ko dahil sa cold na sabi ni Delfin.   “Ito na lang ang kainin mo Rina, nilagang talong masarap ito pagkatapos ay isawsaw mo diyan sa bagoong,” tumango ako kay Aling Delia at ginawa masarap naman at madami ako nakain.   Hindi ko na lamang tiningnan ang mga kasama ko na kumakain at sarap na sarap sa palaka kahit naman nasarapan kanina nu’ng kinain ko iyon. Maybe soon makakain ko din ng hindi na mandidiri at iisipin na palaka iyon.   Matapos namin kumain ay tinulungan si Gabby na magligpit ng mga pinag kainan sina Aling Delia ay namahinga ng kaunti bago lumusong ulit sa putik at mag tanim.   Ang sayang tingnan ng mga batang nalalaro may mga umaakyat sa puno at naglalambitin sa mababang parte. Tumingin ako sa mga nagtatanim pati si Gabby ay nakitulong na din sa kanila.   “Masaya bang pagmasdan ang mga taong nagpapakahirap para lang may makain kayo sa syudad?” nagulat ako sa taong nagsalita sa gilid ko at nakita ko si Delfin na nakaupo sa gilid ng puno.   “Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya.   Ngumisi siya, “Hindi mo ba namimiss ang buhay mo sa syudad?” tanong ni Delfin.   “Ano bang pakialam mo sa akin?” tanong ko sa kanya.   “Ang layo ng pamumuhay namin dito sa Barrio hindi katulad ng sa Syudad na puro pasarap lamang ang ginagawa,” sabi ni Delfin.   Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinapalabas ng isang ito na parang gusto niya akong patalsikin dito sa lugar nila kahit na wala naman akon ginagawa sa kanya.   “Kung akala mo ay madali ang manirahan sa Syudad ay nagkakamali ka, natatrabaho din kami tulad ninyo para lang maka-survive sa pang araw-araw,” Paliwanag ko sa kanya.   Tumayo si Delfin sa pagkaka upo niya sa gilid ng puno ng manga at kinuha ang kanyang salacot at bago siya lumapas sa akin ay tumingin pa muna sa akin.   “Kung ganu’n bakit hindi mo din pag trabahuhan ang pagtira mo dito sa lugar na ito,” pagkasabi ni Delfin noon ay umalis na at naiwan ako dito na nag ngangalit ang mga ngipin.   “Ako ba ay talagang hinahanom ng lalaki na iyon? Akala ba niya ay hindi ko kaya ang mga gawain dito? Hindi ako si Katrina kung susuko lamang ako and one of this days papatunayan ko sa’yo iyan at luluhod ka para humingi ng tawad,” nangigigil kong sabi.   Kinuha ko naman ang salacot na nasa ibabaw tabi ng manga at saka ako naglakad papunta doon sa may palayan. Sa unang tapak ko ay nandidiri ako sa putik na nararamdaman ko sa aking paa at binti.   “Rina, ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Aling Delia sa akin.   “Gusto ko pong tumulong,” sabi ko sa kanya.   “Naku, huwag na doon ka na lamang kaya na naming ito,” sab pa ulit ni Aling Delia.   Kinuha ko ang ibang pananim sa kanyang kamay.   “Aling Delia kaya ko po ito, kayo nga kinaya nyo po e,” Nilakasan ko talaga ng madinig iyon ni Delfin at saka ako ngumiti.   “Oh sige ikaw ang bahala, basta pag napagod ka ay mamahinga ka lamang, Gabby turuan mo si Ate Rina mo,” sabi ni Aling Delia.   “Sige po, Tiya” sagot naman ni Gabby.   Itinuro niya sa akin kung papaano itatanim, madali lamang naman pala itutusok mo lang ito sa mga putik na ito ng pahilera.   “Ang dali mo palang matuto Ate Rina” sabi ni Gabby sa akin.   “Syempre, naman ako pa ba?” natatawang sabi ko sakanya.   “Sige ate doon na muna ako basta ikaw na ang  bahala diyan,” sabi ni Gabby.   “Sige,” simpleng sagot ko at  ipinagpatuloy na ang ginagawa.   Aaminin kong masakit din pala ito sa likod dahil palaking nakayuko. Tumayo ako at nag-inat ng kaunti.   “Suko na?” tanong ni Delfin na nasa kabilang gilid.   “Nag-inat lang? suko na agad?” sabi ko sa kanya at saka inirapan siya at bumalik na kaagad.   Don’t challenge me Delfin, matatalo ka lang at luluhod sa akin dahil hindi ako susuko kahit nahihirapan na ako. Naubos na ang nasa kamay ko kaya kumuha ako ulit ng panibagong pang tanim at bumalik sa pwesto ko. Nang ilalagay ko na ang pananim ay parang may gumalaw sa ilalim ng lupa hindi ko na iyon pinansin pa at itinuloy ko na lamang ang paglalagay ng pananim.   Nang inilubog ko ang kamay ko sa putik para ilagay ang pananim ay biglang may tumalon mula doon at pumunta sa balikat ko. Pinipilit kong ikinalma ang sarili ko, pero hindi nag wo-work.   “AHHHHH!!!!!!” tili ko at nagtatalon at tumakbo ako kahit mahirap tumakbo sa putikan.   “Anong nangyari, Rina?” tanong ni Aling Delia pero hindi ko na siya pinansin at nagtatakbo pa din.   Hanggang sa ma-out of balance ako umikot ako dahil alam kong sa putik ako lalanding. And the next thing I knew ay ilang sigundo akong hindi kumibo at pinakiramdaman ang binagsakan ko.   “Aray!” may nagsalita, teka hindi naman ako iyon ah pinakiramdaman ko ang sarili ko at wala naman masakit sa akin.   “Ate Rina!” sigaw ni Gabby kaya iminulat ko ang mukha ko at nanlaki ang mata ko ng si Delfin ay nakahiga sa putik at ako ay nasa ibabaw niya.   “Ano, masaya ka na?” nanlaki ang mga mata ko ng magsalita siya hindi ko tuloy alam kung tatayo ba ako o magpapanggap na lang ako ng nahimatay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD