Katrina Point of View
Dali-dali akong tumayo at lumayo kay Delfin tumayo siya at bakas ang mga putik sa kanyang katawan. Paanong napunta siya doon? Diba magkalayo kami?
“Diba sabi ko sa’yo kung hindi mo kaya ang mga gawain dito umalis ka na lang?” galit na sabi ni Lyndon.
“Ano ang konek nu’n sa pagkakadapa ko?” nakakainis akala mo kung sino magsalita, “ Para sabihin ko sa’yo may gumalaw doon sa pinagtataniman ko malay ko ba kung ano iyon!” reklamo ko sa kanya.
“Tama na iyan mag hugas ka na ng katawan at magpalit ng damit Delfin at patapos na din naman tayo dito,” sabi ni Aling Delia at humarap sa akin, “ Ayos ka lang ba, Rina?” tanong niya sa akin.
“Ayos lang po ako natakot lang po talaga ako kanina,” sabi ko.
“Ayos lang kasi hindi ikaw ang naputikan,” bulong ni Delfin at saka naglakad palayo.
“Mabuti naman at ayos ka, maraming salamat sa pag tulong mo ang dali mong natutunan ang pagtatanim,” nakangiting sabi ni Aling Delia na Inayos ang salacot ko sa ulo.
“Wala po iyon masaya po akong nakakatulong,” sagot ko sa kanya.
“Tara na ate umuwi para makapag palit ka na ng damit saka pala palaka yung tumalon sa iyo kanina,” nakangiting sabi ni Gabby sa akin.
Naglalakad na kami ni Gabby pauwi.
“Huwag mo ng pansinin si Kuya Delfin ganu’n lang talaga iyon pero mabait,” wala naman bago dahil sinabi na niya iyon sa akin noon.
“Naiinis lang ako na para bang wala akong pwedeng gawin dito kahit ba sa syudad ako lumaki!”
“May tiwala ako sa’yo ate, pasasaan ba at mapapabilib mo din si Kuya,” sabi ni Gabby.
“Hate na hate ko talaga ang china-challenge ako, Gabby kahit gaano kahirap ay kakayanin ko para lang maipakita sa kanya na kaya ko. At iyang si Delfin na iyan sisisguraduhin kong hihingi ng tawad siya sa akin at mapapansin din niya ako,” sabi ko kay Gabbi.
Pinagmamasdan ko ang tatlong magkakapatid na nauna sa amin habang dala-dala ang mga gamit na pinag kainan namin.
“May sasabihin ako sa’yo ate Rina,” sabi ni Gabby at saka mas lumapit sa akin.
“Ano iyon?” tanong ko sa kanya.
“Ang layo ni Kuya Delfin sa’yo pero pinuntahan ka niya nu’ng tumili ka at ng malapit ka ng matuba ay sinalo ka niya!” bulong iyon na halos gusto niyang magtitili.
“Naku! Gabby baka nag iilusyon ka lamang grabe ang galit ng Kuya Delfin mo sa akin kahit hindi ko alam ang dahilan,” sagot k okay Gabby.
“Isa lang naman ang dahi-----“
“Tiya Gabby tingnan mo nakahuli ng malaking tutubi si Bochog” masayang sabi ni Nena kay Gabby. At si Bochog naman ay nakangiti habang hawak ang tutubi.
Akala ko ay madadatnan ko si Delfin dito sa bahay pero wala akong makitang bakas na nandito siya. Hay bakit ko nga ba siya hinahanap ano pakialam ko doon?
Pagkatapos kong maligo ay nagtapis lang ako ng tuwalya hindi na kasi ako nakakuha ng damit sa itaas dahil nga maputik na ang mga damit ko. Mabuti nga at may laman ang drum.
Paglabas ko at sakatong pag punta ko sa sala ay bumukas ang pintuan pumasok doon si Delfin na malinis na ang itsura hindi tulad kanina. Saan kaya ito naglinig? Natigilan ako at natigilan din siya ng magtama ang mga mata namin. Pagkatapos ng ilang sigundo ay nag-iwas siya ng tingin sa akin at naglakad palamapas sa akin.
Naglakad na ako at ng paakyat na ako ng hagdan ay nagsalita si Delfin.
“Sa susunod alalahanin mong may kasama kang iba dito sa bahay hindi iyong malayang nakatapis ka lang dito sa bahay,” sabi niya at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Nag pantig naman ang tainga ko dahil sa sinabi niya.
“Hindi ko naman sinadyang nakatapis lang at ano ba ang pakialam mo kung naka tuwalya lang ako? Ang masama nakahubad akong naglalakad dito!” sabi ko sa kanya at padabog na umakyat na sa taas.
“Kainis!! Ano ba talaga ang problema niya sa akin? Hindi ko naman siya pinapakialaman bukod sa pag cha-challenge niya sa akin ng pamumuhay dito sa Barrio!” kumuha na lang ako ng damit ipinasaya kong yung binili kong t-shirt at short na lang ang isuot.
Pagkatapos noon ay pinatuyo ko ang buhok ko at nahiga. Magpapahinga muna ako at masakit ang mga likod ko sa kaka yuko maghapon.
Nagising ako ng alas-tres ng madaling araw hindi na pala ako nakakain kagabi dahil pag kahiga ko ay kaagad akong nakatulog. Sumasakit pa din ang katawan ko pinilit kong bumangon kahit na ayaw ko pa. Nagugutom na din kasi ako wala akong katulong na pwedeng tawagin wala ako sa bahay kaya dapat kong sanayin ang sarili ko na ako lang ang mag-aasikaso.
Bumaba ako para tumingin ng pagkain muntik na akong mapatili ng biglang mamatay ang ilaw buti na lang at na manage ko ang sarili ko. Kinapa ko ang hagdan at ng makarating ako sa baba ay kinapa ko ang lagayan ng kandila at posporo.
Inilagay ko ang kandila sa lagayan nito at saka ako pumunta sa kusina. Napabuga ako sa hangin ng walang luto dito. Gustuhin ko mang magluto ay kailangan ko pang mag parikit ng kahoy para makapag luto.
Laylay ang balikat ko na naupo ako sa upuang kawayan.
“Gutom na talaga ako!” sabi ko habang hawak ang kamay.
Biglang bumukas ang pintuan ni Delfin nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin at nag diretso papunta sa banyo. Nahiga na lang ako sa sofa tnatamad na kasi akong umakyat pa dito na lang ako magpapalipas ng oras at hihintayin ang sikat ng araw.
Naalimpungatan ako sa sikat ng araw maaga na pala ay hindi tanghali na kaya napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko sa upuan di ko akalain na nakatulog din ako kanina. Wala ng sindi ang kandila pero may isang platong naka taob ang nakalagay sa may lamesita.
Tinanggal ko ang pinggan na nakataklob doon at napalunok ako ng makitang may pagkain doon. Siguro sina Aling Delia ang naglagay ng pagkain dito. Di na ako nag patumpik-tumpik pa kinain ko na iyon at ng maubos ay tumayo na ako at naghilamos.
Lumabas ako para puntahan sina Aling Delia.
“Aling Delia! Gabby!” tawag ko. Walang sumasagot ni isa sa kanila. Malalayo ang mga bahay dito siguro ay maglalakad lakad na lamang muna ako at baka mamaya ay bumalik na sila.
“Iha ikaw ba iyong nakatira kila Delia?” tanong ng isa sa nadaanan kong bahay.
“Oho ako nga po,” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Ay kay ganda mo naman bata,” sabi niya sa akin.
“Maraming salamat po,” sabi ko.
“Saan k aba paro-roon?” tanong niya sa akin.
“Pasensya na po, ano po ba ang sinasabi n’yo?” tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya sa aking sinabi.
“Ang sabi ni Nana ay saan ka daw ba pupunta?” sabi ng isang batang sumingit sa aming usapan.
“Ah hindi ko din po alam naglalakad-lakad lamang ho ako dahil di hindi ko makita sina Aling Delia at sina Gabby sa bahay nila.
“Linggo ngayon maraming tao sa ilog ay baka nandoon sila,” sabi ng Ale sa akin.
“Ilog? Saan po iyon?” tanong ko sa kanya.
“Malayo iyon at mahirap ang daan,” sabi ng Ale.
“Pwede n’yo po ba ituro sa akin ang daan?” tanong ko sa kanya.
Napailing ang Ale at saka tumingin sa batang kasing edad siguro ito ni Gabby.
“Totoy samahan mo nga itong si--- Ano nga’ng pangalam mo iha?” tanong sa akin.
“Rina ho ang pangalan ko,” pakilala ko sa kanya.
“Ako si Pasing at ito si Reynaldo ang aking apo, sasamahan ka niya papunta sa ilog,” sabi ni Aling Pasing.
“Maraming salamat po!” sabi ko.
“Tara na ho ate!” sabi ni Reynaldo.
Dumaan kami sa makipot na daan at puro damong mataas at matatayog na puno lamang ang makikita mo.
“Malayo pa ba tayo?” tanong ko sumasakit na kasi ang paa ko.
“Malayo-layo pa ate at matarik ang daan,” sabi ni Reynaldo.
“Pahinga muna tayo pwede ba?” tumango naman siya naupo ako sa isang batong malaki.
Kung kanina ang dinaanan namin ay malawak na bukirin at matatayog na puno ng niyog ngayon naman
Ay matataas ang mga d**o. Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid, may mga naririnig akong agos ng tubig kaya napamulat ako ulit.
“Ang sabi mo malayo pa tayo sa ilog bakit nakakadinig na ako ng agos ng tubig?” tanong ko.
“Itong bahagi na ito ate ay ilog na pero ang pwesto nila kadalasan ay sa may dulo pa mas maganda kasi ang tubig doon,” paliwanag niya.
Naglakad na ulit kami ni Totoy . Iyon na lamang daw ang itawag ko sa kanya kaysa ang Raynaldo. Pumayag naman na ako dahil mas madaling bigkasin.
“Wala bang mga ahas dito?” tanong k okay Totoy na nauna na sa akin may hawak siyang stick at pinapalo palo sa mga damong nadadaanan.
“Meron ate,” balewalang sabi niya. Halos takasan ako ng kulay sa sinabi niya.
“Totoo ba? Umuwi na lamang tayo Totoy!” nakangiwing sabi ko sa kanya.
Napakamot ng ulo si Totoy, “Malapit na tayo ate konting lakad na lang itong pababa na ito ilog na ang tumbok natin,” sabi ni totoy sabay turo doon sa may parting may mga malalaking bato.
Pinakiramdaman ko ang paligid at “Ahhhhh!!!” nag histerical ako ng gumalaw ang mga d**o sa paligid at ng makakita ako ng gumagalaw ay napatakbo ako kay Totoy.
“Bayawak lang iyan ate hindi nangangat,” kinilabutan pa din ako kahit na sabihin niyang hindi iyon nangangagat.
“Tara na!” baka kasi bumalik pa iyon.
Medyo madulas ang daan pababa pero may mga guide naman na pwede mong hawakan. Masakit sa paa pero kinakaya ni Totoy kahit na naka apak lamang siya. Minsan ay nadudulas ako at bakas sa mukha ni Totoy ang pag-aalala sa kanya.
“Hayun po sila ate!” sabi ni Totoy ng makarating na kami sa may baba ng ilog. Itinuro niya ang kabilang bahagi ng ilog kung saan madaming tao ang nandito at naglalaba sa ilog ang iba ay naliligo at nagluluto naman ang mga nasa gilid.
Sa sandaling ito ay na mangha ako sa natural na ganda ng lugar na ito. Hindi ko alam na sa simpleng ilog lamang ay makakakita ka ng masasayang tao. Hindi tulad namin na pumupunta pa sa iba’t-ibang dagat at mga swimming pool para lang makapag outing.
Imbes na lapitan ko na sila ay nagpunta ako sa gilid ng ilog at inilobog ko ang kamay ko sa umaagos na tubig. Napangiti ako kahit na ganu’n lamang ang ginawa ko. Mayroon sa sarili ko na sobrang saya ko sa simpleng paglagay lamang ng kamay ko sa umaagos na tubig.
“Ate Rina!!” dinig kong tawag ni Bochog na naglalambitin sa may kawayan na nasa gitna ng ilog. Bigla akong kinabahan sa ginagawa niya.
Nasa kabilang pangpang sina Aling Delia at Gabby na naglalaba.
“Bochog!” tawag kong pabalik. Kumaway ako ng kumaway din siya sa akin. Malayo siya kina Aling Delia at Gabby. Sina Nena at Nita naman ay tumutulong sa pagluluto.
“Bochog mahulog ka diyan di pa naman marunong mag-langoy malalim diyan!” dinig kong sigaw ni Delfin habang nag sisibak ng mga kawayan.
“Nakakapit naman akong maigi Tiyo Delfin!” sigaw pabalik ni Bochog.
“Aling Delia!” kumaway pa ako sa kanya.
“Susmaryosep kang bat aka paano ka nakapunta dito?” sigaw na tanong niya sa akin.
“Sinamahan po ako ni Totoy!” sabi ko at itinuro si Totoy na tumakbo papunta sa ibang mga kaedad niya.
“Ang ganda po dito!” sigaw ko sa kanya at tiningnan ulit ang paligid sa lakas ng alon ay talaga namang madidinig mo na parang isang musika.
Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayon. Kada araw ay nakaka experience ako ng iba’t –iba dito sa Barrio. Kahit na mahirap ay kakayanin ko para saan pa ba at ako si Katrina hindi sumusuko at parating nakukuha ang lahat kahit na hindi ko man sabihin.
Itong si Delfin lamang naman ang hindi nakakakita nu’ng mga bagay na iyon. At galit pa din sa akin kahit na wala akong ginagawa sa kanya. Siguro insecure lang siya sa akin?Hindi kaya?
Aish huwag ko na nga siya isipin pa at masisira lamang ang saya ko ngayong araw. Hindi naman ako nagpakahirap tumawid sa matataas na d**o at makakita ng bayawak para lang sa kanya.
“Hi! Delfin,” napatingin ako sa tatlong babae na lumapit kay Delfin akala ko sa syudad lang may p****k meron din pala dito. Napangiwi ako ng makita ang kanilang mga short na pagka ikli-ikli at mga naka spaghetti strap pang damit kahit na maitim ang balat nila ay pantay naman.
Inilingkis pa ng isang babae na nasa gitna ang kamay niya kay Delfin at pinupunasan ang pawis nito. Hindi ko alam kung bakit parang naiinis ako sa nakikita ko.
“Bochog!” na divert kay Nena ang pansin ko ng sumigaw siya at tumingin kay Bochog wala na siya sa may kawayan kanina at nasa tubig na at kumakampay.
Wala sa sarili ko na tinanggal ko ang tsinelas ko at saka tumalon sa tubig para sagipin si Bochog.