Katrina Point of View
“Susmaryosep kang bat aka!” nag-aalalang sabi ni Aling Delia ng maiahon ko si Bochog. Kinuha naman siya kaagad ni Delhin at inilagay sa may gilid sa mga malalaking bato.
Lumubog ako sa tubig at nag tagal ng ilang minuto sa ilalim at saka ako umangat. Sa pag-angat ko ay mukha ni Delfin ang nakita ko na may pag-aalala sa mukha pero nawala din kaagad iyon.
Tama ba ang nakita ko kanina? O nag-iilusyon lamang ako. Nakatingin siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Nagdalawang isip tuloy ako kung kukuhanin ko ba iyon dahil baka matulad na naman nu’ng nasa pilapil ako.
Sa huli ay tinanggap ko din iyon at tinulungan niya akong umahon sa tubig.
“Salamat,” sabi ko ng makaahon na ako.
“Kuya wala na akong tuwalya nagamit na kasi ni Bochog yung isa naman basa pa,” sabi ni Gabby ng makalapit siya sa amin at bumalik na ulit siya papunta kay Bochog.
Pumunta sa dampa si Delfin at saka bumalik at saka ibinato sa akn ang tuwalya.
“ Sa susunod huwag ka basta gumawa ng desisyon ng hindi pinag-iisipan ng mabuti!” sabi niya at saka tumalikod na ulit.
Sasagot pa sana ako para komprontahin siya pinigilan ko na lamang. Tumingin ako sa pinanggalingan ko at napatawa ako sa isipin na malayo –layo din pala iyon. At sa parting iyong ay malalaking bato ang nasa ilalaim na naka angat. At kung magkakamali ka nga ng talon ay siguradong masasaktan ka o di kaya ay mamatay ka.
Tiningnan ko lang ang papalayong si Delfin na tiningnan mabuti si Bochog. Lumapit din sa kanya ang tatlong babae ang isa ay nag-offer pa ng tuwalya para kay Delfin na hindi naman pinansin ng binate.
“Maraming salamat sa iyo iha. Kung hindi dahil sa’yo malamang mas malala pa ang nangyari sa apo ko,” sabi ni Aling Delia na nanginginig ang katawan.
“Relax ka lang po Aling Delia, ayos na po si Bochog,” sabi ko sa kanya at inalalayan ko siya pa-upo sa malaking bato.
“Ako na lang po tiya ang mag tutuloy ng mga labahin,” sabi ni Gabby kay Aling Delia.
“Teka baka po pwede akong makatulong?” sabi ko sa kay Aling Delia.
“Naku, Rina hayaan mo na lang si Gabby,” sabi ni Aling Delia.
“May nakita po akong damit ko na nilalabhan ninyo kaya tutulong na lang po ako,” sabi ko sa kay Aling Delia at wala siyang nagawa kaya pumayag na din ito.
“Ito ate ang palo-palo ginagamit ito sa mga damit,” sabi ni Gabby at itinuro kung paano ito gamitin.
Gaya ng sinabi niya ay inilagay ko ang damit sa may bato at saka ko ito pinukpok ng kahoy. Natawa ako ng muntik ko ng matamaan ang kamay ko dapat pala ay ilalayo ko ang isang kamay ko kapag papaluin ko na ang damit.
“Ganito ba?” sabi ko kay Gabby habang pinapakita ko kung paano ang itinuro niya sa akin.
“Oo ang aling mo ate !” sabi ni Gabby.
Hindi ko akalain na ganito pala dito samantalang sa amin ay may taga laba o hindi kaya ay ipapa-laundry lang naming at babayaran. Samantalang dito ay kailangan pa nilang maglakad ng malayo para lang makapag laba dito sa ilog. Nasanay kasi ako na may nag-aasikaso ng mga damit naming sa bahay at may mga taga luto.
Ibang-iba dito paghihirapan mo lahat bago mo magawa iyon. Sa pagluluto sa amin ay may gasul dito ay kahoy o di kaya ay uling ang ginagamit. Sa pag ligo ay ganu’n din kailangan mo pang mag igib ng tubig para lang makaligo ka samantalang sa amin ay bubuksan ko lang ang gripo o shower may mainit pang tubig.
“Ate tinitingnn ka ni Kuya Delfin,” biglang sabi ni Gabby tumingin ako sa kanya hindi naman niya tinatanggal ang tingin niya sa pagbabanlaw ng damit.
“Ha?” sabi ko. Papaluin ko na ulit iyong damit ng wala sa loob akong napatingin sa gawi ni Delfin at nakatingin nga siya sa akin na biglang umiwas.
“Aray!” reklamo ko ng mapalo ko ang sarili kamay.
“Okay ka lang ate?” tanong ni Gabby sa akin.
“Oo okay lang ako,” sabi ko sa kanya. “ Salamat pala sa pag iwan n’yo ng pagkain kaninang umaga,” sabi ko sa kanya.
“Ha? Wala nga kami naiwan at alalang-alala sa iyo sa Tiya dahil baka magutom ka daw,” paliwanag niya.
“Kung ganu’n sino ang nag iwan ng nilagang saging at kamote doon?’” bulong ko sa sarili ko.
“Ate ako na dito doon ka na sa kanila para makakain ka na, patapos naman na ito.” Sabi ni Gabby.
“Sigurado ka?” tanong ko.
“Kung hindi ka pupunta doon, ay paniguradong mauunahan ka ng mga babaeng iyon,” sabi ni Gabby sabay nguso sa tatlong babae na ayaw umalis sa tabi ni Delfin.
Ang sakit sa mata ng tatlong babae na ito. Nakakainis! Napatayo ako ng wala sa oras napaayo at naglakad papunta doon sa gawi nila.
“Delfin kumuha ka ng tubig sa bukal,” sabi ni Aling Delia.
“Aling Delia ako na lang ho,” sabi ko kay Aling Delia at knuha ang galon at saka umalis. Napahinto ako dahil hindi ko naman alam kung saan ako kukuha ng tubig. Ang tanga ko naman bumalik na lang ako kay Aling Delia.
“Saan po ba kukuha?” tanong ko ng nakangiti.
“Ikaw talagang bata ka basta ka na lang kasi umalis. Doon sa banda doon sa dulo may bukal doon, Delfin samahan mo nga si Rina kumuha ng tubig,” sabi ni Aling Delia. Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Aling Delia at alanganin na tumingin kay Delfin na naglakad na palayo.
Sinundan ko na lamang si Delfin palayo mabuti na lang at hindi na sumama ang tatlong babae. Takbo lakad ang ginagawa ko para lang makahabol kay Delfin na kay bilis maglakad.
“Dahan-dahan lang naman!” rekklamo ko ng hindi na ako makahabol sa kanya. Natatalisod na kaya ako sa mga batong naka usli dito. Huminto ako ng huminto siya sa unahan ko.
“Dito sa Barrio hindi pwede ang mabagal kung ayaw mong maubusan,” napanganga naman ako sa sinabi niya.
“Ibig sabihin maraming nakapila doon sa kuhanan ng tubig?” tanong ko.
“Hindi bilisan mo na lang,” sabi niya at kinuha ang dala ang isa sa dalawang galon na dala ko.
Napangiti ako kaya naman pala siyang maging gentleman sa akin. Akala ko ay puro sungit na lamang ang gagawin niya.
Huminto siya at itinapat ang galon sa isang maliit na butas na may kawayan.
“Iyan na ba ang bukal?” tanong ko sa kanya.
“Oo” simpleng sagot ni Delfin. Napuno na niya ang galon na hawak niya kaya naman tumongtong ako sa isang bato para makarating sa kanya.
Nang maka apak ako sa isang madulas na bato at nadulas ako.
“Ahh!” sigaw ko.
“Rina!” nakahawak sa akin si Delfin na para bang pino-protekahan niya ako. For the first time tinawag niya ang panagalan ko.
Nanlaki ang mata ko ng makitang umaagos na palayo ang isang galon.
“Teka iyong galon,” sabi ko at akmang hahabulin na iyon pero pinigilan ako ni Delfin kaya napatingin ako sa kanya.
Nagtitigan kaming dalawa ng ilang sigundo lamang ang kanyang mga bagang ay nag-iigting.
“ Hindi ka talaga nag-iisip hindi mo ba alam na delikado,ang lakas ng agos sa parting iyan,” galit na sabi niya at saka kinuha ulit ang dalawang galon at nilagyan iyon sa bukal.
“Sorry! Kung akala mo nagiging pabigat ako. Pero sana makita mong ginagawa ko naman ang lahat para mag fit dito sa Barrio n’yo,” sabi ko sa kanya at saka ako umahon sa tubig para bumalik na lamang kung nasaan sina Aling Delia nang biglang hinawakan ni Delfin ang kamay ko.
Oo kamay ko talaga ang hawak niya kaya naman napatingin ako sa kanya nakatingin din siya sa akin. So itong araw na ito ba ay magtitigan portion na lang kami. Pang tatlong beses na itong nangyari ngayong araw.
Naramdaman ko na lang na inilagay niya ang isang galon sa palad ko, “ Ito dalhin mo ang isang galon,” napanganga ako sa sinabi niya ang buong akala ko ay magso-sorry siya sa akin.
Nang makapunta na kami doon ay sumalubong ang tatlong babae kay Delfin. Tinaasan pa nga nila ako ng kilay. Wow maldita ang vibes ko sa kanilang tatlo.
“Delfin! Pawis ka punasan ko muna ang pawis mo,” sabi ng isang hindi ko naman kakilala.
“Okay lang ako Mina ayusin mo na lang sarili mo,” sabi ni Delfin.
Umuna na ako maglakad at naiirita ako sa tatlong iyan Mina pala pangalan. Minamalas nga naman at muntik pa akong matapilok buti na lang at may humawak kaagad sa akin tiningnan ko ito at nilampasan lang ako.
“Huwag mong subukan na agawin si Delfin sa akin, kulay lang ang lamang mo sa akin pero mas maganda ako sa’yo,” bulong ni Mina and she flip her hair while walking.
Napapa English ako sa isip ko ng dahil sayo Mina. Pero teka Delfin save me again. Napangiti ako sa isipin na iyon. Sign na ba ito na malapit ko ng makuha ang loob niya? Hindi ko naman kailangan ng attraction yun bang na a-appreciate man lang niya ang mga ginagawa ko at malaman niyang nag e-exist din ako.
Gaya ng dati sa palayan ay salu-salo din kaming kumakain dito sa may dahon ng saging. Nakakatuwa kahit na ang ibang naglalaba dito ay nakikikain din. Ganito pala dito ang para sa isa ay para sa lahat na.
“Rina ito oh talanga tikman mo bagong huli lang naming kanina,” sabi ni Nelson sabay abot ng maliliit na talangha may kasama pang hipon.
“Wow mayroon pala dito nito?” masayang sabi ko, “Maraming salamat ha!” sabi ko pa at nagpatuloy na kumain.
“Natural mayroon dito, Ilog kaya ito,” pabalang na sabi ni Adeng isa sa mga kasama ni Mina.
“Madalas mayroon niyan lalo na kung bumabaha, maraming naanod na ibang isda dito sa ilog,” sabi naman ng isa sa mga kasama namin na kasing edad ni Aling Delia.
“Sana sa iyong pagtira dito sa aming Barrio ay masiyahan ka, ng sa ganu’n pag kailangan mo ng bumalik sa Syudad ay hindi mo kami makalimutan este ang lugar namin,” ngumiti naman ako sa sinabi ni Nelson na punong-puno ng laman.
“Asahan mo iyan, Nelson,” nakangiting sabi ko sa kanya.
Masayang natapos ang araw at kanya-kanya na kaming umuuwi sa bawat tahanan. Masaya ako dahil nakilala ko ang ibang tao dito na gaya nina Aling Delia ay mababait din at mga nagtutulungan.
Tinulungan ko na din si Gabby na magsampay ng damit sa sampayan. Kumuha ako sa palanggana ng isasampay at ng ilalagay ko na ito sa sampayan ay nanlaki ang mata ko na hindi damit ang nakuha ko kundi brief.
Wala naman ibang lalaki ito na malaki na para magkaroon ng brief kundi si Delfin. Nahinto ako sa pagsasampay at natulala na lang sa hawak kong brief. Maya-maya ay may humablot nito sa kamay ko at wala akong nagawa kundi ang tingnan ang likod ng lalaking pumapasok sa loob ng bahay na si Delfin.
Ptttffffffffff….. Napatingin ako kay Gabby na tumatawa.
“Gabby,” sabi ko na mas lalong ikinatawa niya, “ Ang mukha mo ate namumula masyado!” napahawak naman ako sa mukha ko at tumalikod na iyong palanggana ko ay wala ng laman.
“Huwag mo akong tawanan, Gabby!” sabi ko sa kanya, “ Nakakatuwa lang ate, pero alam mo bagay kayo ni Kuya Delfin,” bigla naman akong napangiwi ang mukha.
“Bagay? Walang bagay sa kuya mo na iyon, masyadong masungit!” sabi ko.
Totoo naman e hindi ako nakikita ni Delfin and that’s a challenge for me not because I like him sa totoo lang hindi ko siya gusto but he is the only one na hindi nakikita ang pinaghihirapan ko. If he is one of my employee I’ll make sure to fire him.
“Hindi masungit iyon may pinagdadaanan lang,” sabi ni Gabby.
“Ewan ko sa’yo basta iyon ang pinapakita niya sa akin, o siya iwan na kita diyan naiihi na ako e,” sabi ko sa kanya.
Pumasok na ako sa bahay at nag diretso sa banyo para umuwi at ang halos maloka ako ng makitang doon nakasabit ang brief na kaninang hawak ko lang. Hindi ko tuloy kung itutuloy ko ba ang pag-ihi ko o lalabas na lamang ako.
At ang huling pagpipilian ang sinunod ko lumabas nga ako para lang makita ko si Delfin na nagmamadaling pupunta din sa banyo. Napahinto pa ito ng makitang lumabas ako doon. Pagkatapos noon ay hinawi ako at dali-daling pumunta sa banyo.
“Natatae ba siya? Hindi na mapigilan?” napahawak na lang ako sa ilong sa isipin na iyon.