Katrina Point of View Alas dies na pero nakatanaw pa din ako dito sa labas ng bintana ko sa may kwarto. Wala akong magawa kundi ang mag-isip isang buwan na pala ngayon dito sa Barrio at hindi ko ko akailan na tatagal ako dito at may kasama pa akong lalaking ubod ng sungit. “Hindi ko siya susukuan, makikita din niya ako!” sabi ko sa sarili ko. Hindi ko talaga makakalimutan iyong araw na nagpunta siya ng banyo. Ilang oras yata siya doon at paglabas niya ay hindi siya makatingin sa akin at diretso lamang sa kwarto niya. Nasa ganu’ng pag-iisip ako ng matanaw ko ang pagdating ng tatlong babae papunta dito sa bahay. Huminto sila sa tapat ng bintana ko at tumingala. “Si Delfin?”tanong ni Mina. “Hindi ko alam, mukha ba akong hanapan ng nawawala?” sabi ko sa kanila. They a

