Katrina Point of View “Tiyang Delia, tingnan mo may dala kaming baboy!” sigaw ni Gabby at nagtatakbo papunta doon sa gawi ni Aling Delia. Samantalang kami kami ni Delfin ay naglalakad lamang na magkasabay hindi ko alintana na puro putik p ang katawan ko. Tumingin ako kay Delfin na dala ang sako na may lamang baboy na nahuli ko kanina. Napangiti ako ng lihim dahil naka dalawang puntos na naman ako kay Wilma. “Talaga? Nakahuli ka ng baboy?” dinig kong tanong ni Aling Delia. “Hindi ako ang nakahuli kundi si ate Rina,” nakangiting sabi ni Gabby. “Huh?” Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Aling Delia. “Ayun Tiyang Delia ang baboy dala ni Kuya Delfin,” sabi ni Gabby sabay turo sa sako na dal ani Delfin. “Diyosmiyo sa itsura mo ngayon ay mukhang totoo ikaw nga

