Katrina Point of View Walang ibang tao akong nakikita kundi kami lamang dalawa. Sa gitna ng kanta ay nakatingin lamang siya sa akin. Dapat ko na bang ipagpasalamat sa itaas ang nangyayari ngayon gabi? Nakikipag sayaw sa akin ngayon si Delfin habang nakatingin sa akin at ganu’n din ako sa kanya. Tila lumulutang ako sa langit sa mga oras na ito na para bang ayaw ko ng tumigil ang oras at hayaan na lamang kaming ganito. Pero iyon ay puro akala ko lang dahil nakikita ko na sa may gilid namin si Wilma na masama ang tingin na ngayon ay ka-partner na ni Nelson. Sa gitna ng pagsasayaw naming ay Nakita kong bumitaw si Wilma kay Nelson at naglakad palapit sa amin ni Delfin. Handa na ako sa gagawin ni Wilma na papunta na sa amin at masamang tingin ang dala at ang mga kamay ay parang handa

