Katrina Point of View “Gabby uuwi na ako,” sabi ko kay Gabby na tuwang-tuwa pa sa panunuod ng mga sumasagala. “Sigurado ka ate? Kakaumpisa pa lamang ng sagala,” sabi niya. “Pasensya na biglang sumakit kasi ang ulo ko, magpapahinga na lang muna ako. Ikaw na lang ang manuod saka nakita ko naman na yung iba,” nakangiti kong sabi. Kahit ang totoo ay nawalan na ako ng ganang manuod pa. Akala ko ay masaya ngang manuod nito hindi naman pala. “Sige ate gusto mo bang ihatid kita?” tanong ni Gabby. “Hindi na kailangan kaya ko naman,ingat ka sa pag uwi,” nakangiting sabi ko at saka naglakad na pauwi. Gusto kong sapakin ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdan ko. Hindi muna ako umuwi bagkus ay sa ibang bahagi ng Barrio ako pumunta kung saan walang tao at ako lamang.

