Dalawang araw na tamad akong lumabas pagkatapos nu’ng isang araw ay mag-isa lamang akong umuwi bigla akong nawalan ng ganang mag-libot nagtataka man ay nag paiwan na din si Gabby. Bumukas ang pintuan at pumasok doon si Delfin. Dumiresto siya sa kanyang kwarto ng hindi man lang ako kinibo. “Delfin,” tawag ko sa kanya bago pa man siya makapasok sa loob ng kwarto. Hindi siya nagsalita pero huminto naman siya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Salamat nga pala nu’ng isang gabi,” sabi ko sa kanya sincere ang pagkakasabi ko nu’n sa kanya. “Wala naman akong ginawa,” sabi niya. “Salamat din sa pagkain na pinadala mo kay Gabby nu’ng isang araw,” nakangiti kong sabi, tumahimik siya at nawala ang ngiti ko sa sunod niyang sinabi. “Hindi ko pinadala iyon para sa’yo kun

