Katrina Point of View Madilim ang paligid nagbabadya ang ulan may mga munting kidlat na makikita sa kalangitan na nagdadala ng kaunting liwanag sa madilim na paligid. Nang magsimulang pumatak ang ulan ay tumakbo ako papunta sa isang bahay na nakita ko sa malapit para hindi ako mabasa kaagad. Napatingin ako sa may gawing kaliwa ko ng may makita akong mga tao para sana humingi ng tulong baka sakali na patuluyin nila ako sa kanilang bahay. May isang bata roon na umiiyak at kasabay ng malakas na ulan ay lumalakas din ang iyak ng batang babae. “Huwag mo akong iwan Inay!” sigaw ng bata. Nakasuot ang bata ng lumang duster. Hawak siya ng isang babae at lalaki pinipigilan siya ng mga ito para hindi humabol sa ina ng bata. “Inay!!!!” nang makalayo ang sasakyan ay tumakbo ang ba

