Katrina Point of View Nakabusangot akong binabagtas ang pilapil. Hinahayaan ko ang fresh na hangin na dumampi sa mukha at katawan ko, hinahayaan kong tangayin ng hangin ang nakalugay kong buhok. Sana ay ganu’n lang kadali ang magpatangay. ‘Gusto niya ako pero hindi pa niya kayang magmahal’ Kung alam ko lang na panagaginip lang ang lahat ng ito sana ay di na ako gumising pa. Akala ko totoo na talaga na sinabi niyang gusto din n’ya ako, ako lang pala itong nag assume. “Ang tanga-tanga ko talaga, paano naman niya ako magugustuhan diba?” sabi ko sa sarili ko. “Sa tuwing nagsasalita kang mag isa aakalain ng iba na nababaliw ka na, pero para sa’kin ay ang cute mong tingnan,” napatigil ako sa paglakad at tumingin sa kanya. “Talagang sinusundan mo ako, halata e. Kung nas

