Katrina Point of view Tahimik ang lahat na kumakain tanging tunog ng kutsara at plato lamang ang madidinig mo. Magkatabi kaming dalawa ni Jabed at nasa harapan namin sina Delfin at Wilma na panay ang asikaso kay Delfin minsan ay sinusubuan pa niya ito na tinatanggap naman ni Delfin. At saka titingin sa akin si Wilma na may Ang sarap nilang tusukin ng tinidor para mapaghiwalay. Tumikhim si Don Gregorio kaya napunta ang tingin naming sa kanya na nasa gitna ng hapag kainan. “So Iha, saan ka nakatira?” tanong ni Don Gregorio. “Sa paupahan po ni Aling Delia,” tumango-tango si Don Gregorio. “Napakabait talaga ni Delia. Ano naman ang pinagkaka-abalahan mo bago ka mapunta dito sa Barrio Masilang,” sabi ni Don Gregorio. Ilang sigundo muna ang lumipas bago ako sumagot sa t

