Chapter fifty KATRINA’S POV’S Sa susunod na araw na ang pasukan ng mga bata, excited sina Botchog at Gabby dahil bago ang mga gamit nila. Maayos na ang lagay ni Botchog, malakas na ulit siyang kumain. Ako ang maghahatid sa kanila sa paaralan sa unang araw, ako na mismo nagprisenta at pumayag naman sila Botchog at Gabby. “ Tiyak ako matutuwa sila Botchog kapag ikaw ang kasama.” “ Ngayon pa nga lang parang gusto na nilang pumasok.” Kanina excited silang dalawa, sana nga magtuloy tuloy ang gana nila sa pag aaral. May mga bata kase na sa umpisa lang masigla sa pag aaral pagkatapos ay tinatamad na. “ Hi Delfin!” nawala ang mga ngiti sa mukha ko ng marinig ko ang boses ni Wilma, nagpalipas lang siya ng ilang araw tapos pupunta nanaman dito? Hindi na ako umimik pa, nagkwekwentuhan kami ng

