Chapter sixty seven KATRINA’S POV’S Normal na araw nanaman ito para sa akin, sa amin dito sa barrio, tapos na ang bakasyon kaya balik sa dati kami ni Delfin. Nauna ng umalis si Delfin upang magtungo sa bukid, ako naman sasama kay aling Delia ngayon, ang sabi niya ay maglalako siya ng mga gulay, marami nanaman kaseng bunga ang mga pananim niyang gulay. Hindi namin kasama sila Botchog at Gabby dahil may pasok sila sa eskwelahan. “ Bakit po ibang dereksyon tayo patungo?” tanong ko kay aling Delia. “ Naalala mo ba yung sinabi ko sayo noong nakaraan? Kapag may ani akong gulay ay dadaanan ko ang aking kaibigan na si Rita.” “ Ah oo nga po pala si aling Rita, sige po puntahan po natin sila.” Naglakad kami papunta sa barrio nila aling Rita, medyo may kalayuan din lalo pa at may mga bitbit k

