Chapter 10

1458 Words
~Cyrus De Silva~ “Cy, may nanliligaw na sa'kin at sasagutin ko na siya. Sooner or later, dito ko na siya ititira. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi ni ninang. Napakasakit naman malaman na may nanliligaw na sa kanya. “Ilang araw pa lang nang may nangyari sa’tin… then all of a sudden, may nanliligaw na agad sa’yo… after five years?” sarkastikong sabi ko. Gets naman niya kung anong ibig kong sabihin. Hindi ba masyadong coincidence. “So, what are you trying to say? Nagsisinungaling lang ako? Gawa-gawa lang ang sinabi ko? Imaginary manliligaw?” “May sinabi ba ‘kong ganyan?” seryoso kong tanong. Halata naman kasi na tensyonado siya. Hindi siya confident sa sinabi niya parang … gawa gawa nga lang. Napa-irap siya. kahit na pagod at gusto na lang niyang matulog sa sofa ay pinilit niyang tumayo. Pero hindi ko siya hinayaan na layuan ako. “Tama na ang pag-iwas, Via. Kaya ka tumatandang gurang eh,” sabi ko sabay hila sa kamay niya at napabalik siya sa pagkaka higa sa sofa. Hindi ko na siya pinakawalan pa. Niyakap ko siya at bawat galaw niya ay mas lalo kong hinihigpitan ang yakap sa kanya. Sa sobrang pagod niya, nauna akong magising. Naabutan na siya ng sikat ng araw. It was unusual for her to get up late. Pinagod ko talaga siya kagabi. Sa mga nagdaang araw, ganun pa rin ang set-up namin. Dahil mas maaga siyang nagigising sa akin, inuunahan ko siya sa pag gising at ako na ang nagluluto ng almusal namin. Sa hapag ay tahimik lang siya. Hindi na siya tulad ng dati na punong-puno ng buhay habang pinapangaralan ako at nagbibilin sa maghapon. Ngayon ay ramdam na ang awkwardness sa pagitan namin. Kapag sinusubukan kong mag-usap kami ng seryoso at resolbahin ang sitwasyon namin ay patuloy lang siya sa pag-iwas. Bigla-bigla na lang nagmamadaling kumain o kaya ay umalis. Hindi na siya mapapirmi sa bahay. Ang malungkot pa ay wala na nga siya sa bahay may dumating pa na hindi ko inaasahan… Tumunog ang doorbell, paalis na sana akong bahay para pumasok, akala ko ay siya na baka kasi naiwan niya ang susi. Pero laking dismaya ko nang makita ang isang delivery rider. Hinahanap si Via Jonda. “Magandang umaga po, may delivery po para kay Ms. Via Jonda,” bati ng rider. “Kanino galing?” “Ah sa flower shop lang sir. Wala pong nakalagay na pangalan ng sender.” Gusto ko sanang suntukin yung rider dahil naiinis ako. Pero buti na lang at napigilan ko sarili ko. Bumalik ako sa kusina. Parang tinatamad na akong pumasok. Nakatitig ako sa mesa, doon sa chocolate box at bouquet ng red roses na paborito ni Via na bulaklak na parang sinadyang ipamukha sa akin ang isang katotohanang ayaw kong lunukin. May ribbon pa. May card. Hindi ko binasa. Siguradong nakaka-cringe ang nakasulat doon at masisira lang lalo ang araw ko. Iniisip ko kung sino ang manliligaw ni ninang. Maraming humahanga sa kanya pero walang naglalakas-loob. Ang mga nanliligaw sa kanya noon ay mga nagsipag-asawa na. At kung meron mang naglalakas-loob ay mga hiwalay naman sa legal na asawa. Ninang knows her worth, hindi siya kabit, she deserves a single man at hindi yung lalaking hiwalay, legal man o hindi. Wala talaga akong ideya kung sino ang nanliligaw sa kanya. Baka trabahador niya sa bakeshop? Bagong tenant? O kaya sa T1nder o EFBI? Marunong na ba siyang gumamit ng dating app? Mas lalo akong nag-alala. Kabahan na ba ako? Mukhang totoo nga na may manliligaw na siya. At ang mga bulaklak at tsokolate na ito ang patunay. Nagseselos ako. Aminado ako. At mas masakit kasi wala akong karapatang magselos. Kahit na may nangyari na sa amin, hindi lang isang beses kundi naulit pa iyon. Pero hanggang ganun lang ang namamagitan sa amin. Ilang minuto na rin pala akong nakatitig sa bulaklak na naroon sa ibabaw ng mesa. Male-late na ako sa klase kung kailan naman nagbabagong buhay na ako. Hindi na ako nagka-cutting at gumagawa na ako ng assignment at project, kahit nga ang pag recite at pag cooperate sa mga groups activities ay ginagawa ko na rin. Pero wala akong pakialam kung umabsent ulit ako at mag bulakbol na lang. Wala naman ng pakialam si Via sa akin. Pero hindi ako susuko. Hindi naman ako papatalo sa isang duwag na secret admirer. Hindi naman siguro siya mas higit sa akin. Mas gwapo ba siya? Mas magaling bumayo? Siguro ang lamang lang niya sa akin ay graduate? May trabaho? May limpak limpak na pera sa banko? Bigla akong nag panghinaan ng loob. Anong laban ko sa lalaking ganun? Napabalik ako sa wisyo nang biglang may kumakaluskos sa gate. May padala na naman kay Via? Pero pagtingin ko sa bintana ay si Via nga. Hindi na siya kumatok sa main door at nagulat siya nang madatnan ako na nasa kusina at napatingin siya sa mesa kung saan nakalatag ang mga pulang rosas at chocolate. Naka kunot ang noo niya. “Bakit nandito ka pa? Nagbubulakbol ka na naman. At ano naman yang mga ‘yan? Ginagastos mo ang pera ko para sa mga walang kwentang bagay!” hiyaw niya. Pero tumayo ako at kinuha ang backpack ko para pumasok na. Inilapag ko sa harap niya ang pera na allowance ko na binigay niya. “Kung bibili ako ng ganyan, hindi ko gagamitin ang pera mo. Saka mas mahal at mas maganda pa diyan ang ibibigay ko.” Ipapakita ko kay Via na mas higit ako sa kung sinong damuhong barabas hestas yang nagpapadala ng bulaklak sa kanya. Hindi na ako nagpaalam sa kanya. Pagdating ko sa school, na-late man ako pero hindi ako pinagalitan ng teacher. “Akala ko eh, give-up ka na sa pagiging good boy,” sabi ni Ms. Rama at humalakhak. Pagkatapos ay nag seryoso rin agad. “I guess I underestimated you. Suko na sana ako sa’yo eh.” Nagkibit-balikat lang ako. Pakialam ko sa opinion niya. Umupo ako sa lagi kong inuupuan duon sa sulok, sa tabi ng basurahan. Buong klase ay si Via ang iniisip ko. Mukhang kailangan ko na maging working student para mapanindigan ko ang sinabi ko kay ninang kanina. Paano? Anong trabaho? Hays, kahit nga ang pang lunch ko ay wala ako. Paano na ako didiskarte nito? Pagkatapos ng una naming subject ay kinalabit ko si Josh. “O, gar. Bakit na-late? Akala namin tuloy tuloy na ang pagiging good boy. Anyare?” Nakuha pang mang-asar ni Josh. Pero dahil may hihingiin akong pabor ay hinabaan ko ang pasensya ko. “Gar, libre mo muna ‘ko ng lunch,” sabi ko. “Bakit? Hindi ka ba binaunan ng ninang mo?” “Mamaya sa lunchbreak ikukwento ko, basta libre mo muna ko ha.” “Sige lang. Bayaran mo rin ha.” At ganun nga ang nangyari, si Josh ang nanlibre sa akin. At habang kumakain kami ay sinabi kong mag bi-birthday si ninang at gusto kong regaluhan ng mamahaling bagay. Nagsinungaling ako sa tropa ko. Hindi ko pa masabi na may nangyari na sa amin ni Via at gusto ko manligaw. “So, ano na gar. Ano tingin mo? May alam ka ba kung saan ako pwede mag part time?” tanong ko. “Ahm maging errand boy sa mayamang subdivision?” suggest niya. “Gar, sa tamad kong to, baka sila pa utusan ko.” “Ahm mamakla ka kaya?” Muntik na kong mabilaukan nang marinig ko yun. “Why not, di ba? Pogi ka naman. Daks. Habulin. Maraming magkakandarapa na jokla sa’yo.” “Ayoko sa bakla, gar. Magkasakit pa ko niyan. Yung seryoso naman.” “Edi sa babae…” “Tss, babae? eh mas mapapagastos ka diyan–” “Hindi naman kasi sa ka-edad natin. Syempre the older the better. Yun bang pang mamasang. Yung byudang matagal nang walang kantut.” “You mean, sugar baby boy?” “Exactly!” “Yung matandang mayaman na malapit nang mamatay?” “Poota, hindi naman ganyan kagurang. Yung hindi pa kakainin ng lupa. Yung may katas pa. Para kahit papano masulit mo.” “Hindi ko kaya yan, gar. Yung iba naman, disente.” “Ay ambot sa imong kigul. Ay oo nga pala, virgin ka pa. Eh ano? Ayaw mo maging boy ng mayayaman, ayaw mo mamakla, ayaw mo rin maging sugar baby. Maging CEO ka na lang kaya.” Hay, hirap pala mag hanap ng trabaho. Pano ko bubuhayin si Via? “Ah alam ko na Gar! Tama. Baka uubra ‘to.” Masayang sabi ni Josh. Ano kayang naisip niya? Sana naman ay hindi kalokohan yan kasi sasapakin ko na mukha ng katabi niya. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD