~Cyrus De Silva~
“Ah alam ko na Gar! Tama. Baka uubra ‘to.”
Masayang sabi ni Josh. Ano kayang naisip niya? Sana naman ay hindi kalokohan yan kasi sasapakin ko na mukha ng katabi niya.
“Bakit hindi ka na lang mag call center agent? Tutal kahit wala kang tulugan kaya mo yan. part time lang naman. May four-hour shift para talaga sa mga working student. Ano G?”
Napa-iisip ako. Pwede naman siguro, magaling naman ako mag-English. Fil-Am ako eh. Saka kung puyatan lang naman ay kayang-kaya. Saka ang laki ng sahod. Iyon nga lang, wala pa kong working experience, mahiyain ako. Wala akong alam sa customer service o sa sales. Hindi ko naman pinagbuti ang pag-aaral ko. Pinasang awang-awa lang ako ng mga teachers ko. Awa na lang talaga ang bumubuhay sa akin.
“Sige subukan ko. May alam ka ba kung san may hiring?”
“May kakilala akong HR irecommend kita.”
Mukhang sa call center talaga ako babagsak
“Kaso gar, may problema pa ko–”
“Ano na naman yan, gar. Hindi ka na naubusan ng problema.”
“Hindi kasi ako marunong gumawa ng resume,” pag-amin ko.
Napa-hapo na lang sa noo si Josh. Sumasakit na yata ulo niya sa akin.
“Oo na, ako na gagawa. Madali lang naman yan. First time mo di ba?”
“Hindi na. May experience na ko. Ay oo first time pala mag trabaho,” nalilito kong sagot. Hindi kasi mawala si Via sa isip ko.
Ganun nga ang nangyari. Matapos gumawa si Josh ng resume ay nag-apply na ako. Nag fil-out ako ng form online. Ang pinili ko ay part-time lang dahil student pa ako. Sa awa na lang talaga ay naipasa ko ang initial interview, typing exam at kung ano ano pang exam hanggang sa makarating ako ng final interview.
Grabe ang tagaktak ng pawis ko kahit na parang winter sa Canada na ang lamig ng room. Mukhang mabait naman ang interviewer. Paminta. Bading. Tinignan muna niya ako simula ulo hanggang paa. Mukha siyang strikto pero ngumiti naman. Maybe my charm works all the time.
Puro personal questions ang tanong niya which is ok lang naman, baka kasi doon siya mag based kung practicality-wise. I mean kung kaya ko bang dumiskarte sa buhay. Kaya sinagot ko ito with all honesty. Hindi sa paraan na nagpapa-awa. Kahit pa ganito ang sinapit ko sa buhay. Maswerte pa rin ako dahil kay Via ako napunta. So puro about courage, resilience, at positivity ang sagot ko.
Pero p0tah, bakit naman pang miss universe ang mga sumunod na tanungan niya? buti na lang at ang iba ay na-search ko na. Gaya na lang ng:
“How do you describe the color red to someone who is blind?”
Dahil sa pang universe ang tanong kaya sinagot ko rin ito ng pang Miss U rin.
“Red is not something you see. It is something you can feel. Red is the warmth that spreads or crawl into your skin when you stand too close to a flame. Red is the taste of courage and the ache of longing. So, to answer your question ‘how to describe the color red to someone who is blind… I think the best way to describe it is not by sight but rather by feelings, because there are things that cannot be perceived by the naked eye, there are things meant to be seen by the heart.”
Sinabi ko yun with feeling na para bang kasali talaga ako sa isang pageant. Kaya naman si sir ay napa palakpak. Kung babasahin ko ang isip niya, ang sinasabi nito ay PAK, BONGGA. WINNIE MONSOD ka diyan.
Kaya ganun na lang ang tuwa ko nang kinamayan niya ako at sinabing nakapasa ako. Hired na ako. Sa wakas, first job ko. Noong araw ding yun ay nagpirma na ako ng contract at mga requirements para sa first job ko. Nagpa medical ako kinabukasan kaya na-late na naman ako sa klase. Naka-simangot si Ms. Rama sa akin nang nagdramatic entrance ako sa klase niya. Pero dahil sanay na siya sa akin at siya ang adviser ko ay pilit niya akong inuunawa at hinahabaan ang pasensya.
Sa mga unang araw ko sa training sa call center ay grabe ang antok ko. Tapos may pasok pa ako sa school. Para kay Via ay kailangan ko mag sakripisyo. Ang hirap pala talagang umibig. Nababaliw. Nakakatanga. Ang sarap na ng buhay ko, well-provided na ako ni ninang kung nanahimik na lang sana ako. Nasa last will and testament na nga niya ako at lahat ng ari-arian niya ay mapupunta sa akin kung sakaling mawala na siya sa mundo. Pero dahil mahal ko siya, gusto ko maging conjugal ang property namin, hindi dahil sa ampon niya ako kundi dahil sa mag-asawa kami.
Kaso ilang araw pa lang na pinagsasabay ko ang training at pag-aaral ay para na akong mauubusan ng lakas. Sa madaling araw ay nagta-trabaho pagkatapos sa BPO ay diretso school. Minsan ay nakakalimutan ko nang mag uniform.
Hindi na rin kami nagtatagpo ng schedule ni Via. Busy talaga siya sa mga negosyo niya at doon sa manliligaw niya. Sige lang, sulitin niya na ang buhay dalaga dahil malapit na ang oras na hindi niya na mararanasan yan sa ibang lalaki. Kaya habang naghihintay pa ako ng sahod at matapos ang training ay hinayaan ko muna siya.
Pero isang araw noong rest day ko at walang pasok sa school, nagkatagpo kami sa breakfast, puro sermon ang inabot ko. Sa haba ng sinabi niya ang sagot ko lang ay isang matamis na ngiti na ikinagalit naman ni ninang.
“Bvllsh1t, Cyrus! Lumayas ka na nga kung hindi ka naman sumusunod. Huwag mo kong bigyan ng stress, konting taon na lang ang ilalagi ko sa mundo!”
“Via!” hiyaw ko. Ayaw kong makarinig ng ganyan mula sa kanya. “Ninang, hindi ka pa ganyan ka-gurang. May katas ka pa. At magkaka-anak pa tayo.”
Napa-irap siya at abgo pa niya ko sermunan ulit ay inunahan ko na siya.
“Ano bang pinuputak mo, Via? busy ka naman. Nag-aaral naman ako, nagtatrabaho. Ayaw mo ba nun? I’m a responsible man now.”
Natahimik siya. Wala siyang maibabato sa akin dahil araw araw din akong pumapasok sa klase at wala pa akong binabagsak.
“Namiss ko ang mga sermon mo, ninang. Don’t worry.. salamat. I appreciate your concern and hard work.”
May sasabihin pa sana siya pero tumahimik na lang siya at kumain.
Isang buwan na rin at naka-pasa ako sa training, isa na akong ganap na cal center agent pero ganun pa rin, part time lang dahil nag-aaral pa ako. Pero mas matinding stress na ang inaabot ko sa work, napaka toxic. Tapos ang hirap na rin sa school dahil exam week na. Nakasahod na nga ako at nakabili na ako ng chocolate at flowers para kay ninang, yung sosyal at mamahalin. Mas maganda kaysa sa mga natatanggap niya mula sa manliligaw niya.
Pero ang kapalit ng paghihirap ko sa work ay nasasakripisyo ang tulog at pag aaral ko. Hindi ko talaga maiwasan na bigla bigla na lang makatulog sa klase lalo na sa klase ni Ms. Rama. Bukod kasi sa World History ang klase niya ay hindi siya mahigpit sa akin. Pero isang araw ay hindi na siya nakatiis dahil nahuli niya akong natutulog buong klase at bagsak ang ulo sa upuan.
Kaya pagtapos ng klase ay pinatawag niya ako. Bagsak-balikat akong pumunta sa faculty room at isang masamang tingin agad ang bungad niya sa akin.
“Good afternoon po Ms. Rama. Huwag na kayong magalit, matutulad kayo sa kakilala ko, maagang nagurang, may wrinkles kapag nakasimangot. You’re too cute and young para ma-stress sa isang gaya ko lang na student.”
Inunahan ko na siya, effective naman dahil kahit papaano ay nawala ang kunot niya ng noo. Hindi ko naman kasi siya binobola. Pawang katotohanan lang ang sinabi ko na cute siya at bata pa. Matalino kasi si Ms. Rama at rich kid. Anak siya ng pulitiko sa lugar namin, sadyang gusto lang niyang may mapatunayan kaya siya nag teacher.
“I think we need to talk, heart to heart. Kailan ka ba free?”
“Sa Saturday po.”
“Alright. Let’s meet at this place, at this time. Ayaw ko ng pinaghihintay ako. Kung hindi, ibabagsak na talaga kita. Ang dami ko ng pasensyang binigay sa’yo.”
May inabot siya sa akin na kapirasong papel.
“Sige na umalis ka na at mag lunch. Huwag ka magka-cutting ha.”
Umalis na ako at paglabas ko ng faculty room ay doon ko binasa ang binigay niyang note.
Alas onse ng umaga. Ayos, nakapag pahinga na ako nun galing work. Pero hindi ko inasahan ang lugar kung saan niya ako pinapapunta. Akala ko naman ay dito sa school o sa isang coffee shop pero bakit address ng isang residential area? Sa isang pang mayaman na subdivision. Alam kong doon ang bahay niya. Bakit don niya ako pinapapunta? Sa pagkaka-alam ko ay mag-isa lang siyang nakatira doon. Shet, bigla akong kinabahan. Pupunta ba ako?
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…