Amber Alejandra Episode 3

3046 Words
☯??????? ?????? #3☯ ? AMBER ALEJANDRA? Chapter 3 PAGKAALIS nang tita ko para bumili nang pasalubong pumasok ako sa aking silid at nagkulong roon habang wala pa sina tita. Humiga ako sa aking kama at nagpa soundtrip. Napatigil ako nang marinig ko ang mga iilang katok. Hindi kuna lang din pinansin dahil alam ko ang manyakis na stepson naman iyan nang tiyahin ko. Napansin kung bumili ang galaw nang doorknob parang sisirain na niya. Tumayo ako at kinuha ang kutsilyo nasa ilalim nang aking unan Mula nang muntikan niya akong gahasain nong una hindi na ako nagpahiwalay nang kutsilyo. Lumapit ako sa may pintuan tila wala talaga siyang balak na lubayan ang pinto. Huminga ako nang malalim. Tinanggal ko ang lock at nagkubli ako sa likod nang pinto Itinulak niya iyon pabukas at pumasok siya mabilis ang kilos kung tinutok sa kanyang leeg ang hawak kung kutsilyo. " Looking for me?" sabi kung diniinan ang pagtutok nang kutsilyo sa leeg niya. " Just one move, and your dead!"lalo kupang diniin ang pagtusok nang dulo nang kutsilyo na nagpaiwan nang kunting sugat sa leeg niya. " A-Amber put that knife down" taranta niyang sabi " Then, don't come near me or I will cut that doorbell button of yours" sabay tingin sa ibaba niyang bahagi. Minsan niya kasi ako pinapakitaan nang ari niya subrang gulat ko talaga" Holy cow! parang button talaga nang doorbell sa subrang liit yong pindutin mo tapos tumunog nang" dingdong!" maliit na nilalang! "Amber let me go" pukaw niya sa pag iisip ko " You want to play, walk slowly towards the door" utos ko sa kanya nilipat ko sa batok niya ang kutselyo. Naglakad siya papunta sa pintuan. Agad ko sinipa ang puwet niya palabas. " umayos ka kung ayaw mo lagyan ko nang gripo ang tagiliran mo!” napatagalog ako sa inis saka pabalibag kung sinara ang pinto. Naglakad ako pabalik sa kama at padabog na humiga. Inunan ko ang aking dalawang kamay at nakikipag titigan sa bubong. “ Hindi na talaga ako makapaghintay makaalis rito” napabuntong hininga ako. Tinignan ko ang aking celphone balak kung tawagan sina Avvy Shakira at Louella pero naisip ko na pag uwi kuna lang sa Pinas. Bukas na din naman ang uwi ko saka kuna lang sila tawagan kapag nasa airport na ako nang pinas. pinagpatuloy ko ang pakikinig nang tugtug naudlot nang pumasok ang manyakis na stepson nang tita ko. Binaling ko sa pakikinig nang music ang naramdaman kung tensyon sa nangyari kanina. Tumugtug ang “ Kiss me in the morning kiss me in the night” bigla kung naalala ang una kung halik mula sa aking crush at ang naging reaction ni Tyson James Smith. Ang buong pangalan nang kababata kung si Tj tinawag ko siya sa buo niyang pangalan kapag naiinis ako sa kanya. Pinikit ko ang aking mata para balikan ang eksina nong nalaman ni Tj nakatikim ako nang halik at sa ginagawa niya sa mga nanliligaw sa akin. Flash back “ Hi Amber” bati sa akin nang crush ko. Nilapitan niya ako habang naglilinis ako nang garden sa likod nang paaralan namin. Dapat uuwi na sana ako kasi hapon na pero naging cleaner. Pero himbis na mainis ako ipinagpasalamat ko pa iyon dahil nilapitan ako nang crush ko. “ Hello Matt” pakiramdam ko nagsiliparan ang mga paro paro sa aking dibdib na binati ako nang aking crush. Ang tagal kunang crush si Matt nasa first year palang kami hanggang ngayon nag 3rd year na. “ Ang ganda mo pala” sabi niyang nakatingin sa akin nanginginig ang tuhod ko sa kaba “ Ah,hehe. Kakahiya naman” sabi ko sa mahinang boses inipit ko sa likod nang taenga ang buhok ko. “ Alam mo gusto kita” bigla niyang sabi Nabigla ako parang tatalon ang puso ko sa sinabi niya “ Mama Mia where na u? gusto niya ako!” pagtitili nang aking kalooban lalo lumakas ang t***k nang aking puso. “ Gusto din kita” walang kimi kung tugon. hindi na ako nagpapakipot pa baka magbago pa ang isip niya. Gusto ko rin naman talaga siya nagpakatotoo lang ako sa aking nararamdaman. “ So, tayo na?” malambing tanong “ Tulong Dolor puma-pagibig na ang kinse anyos mong anak” sigaw nang aking isipan sa pangalan nang aking ina. “ Oo tayo na” kinikilig ako” hindi ako makahinga”kakalas na ang tiny bones ko sa subrang kaba at saya nang mga sandaling iyon. “ Kami na nang crush ko” hindi parin ako makapaniwala. “ P-paano ang girlfriend mo?” maang kung tanong pero sa kaibuturan nang puso ko wala akong pakiaalam sa kanya. “ wala na kami” “ Ganon ba, masaya ako wala na kayo at tayo na ngayon” nakangiti kung sabi. “ Ano ang ginagawa niyo rito?” untag sa amin nang mahaderang si Christine Coe. Inismiran ko siya” tayo na bhe” mahina kung sabi. Hindi ko talaga gusto makita ang mukha ni Christine Coe nakakasira nang mood. nilapit ni Matt ang bibig sa taenga ko. napangiti at nakikiliti ako ngunit agad din iyon na pawi dahil sa sinabi ni Matt. “ Wala muna makakaalam na tayo na” bulong niya “ huh? Ano to, tagotaguan nang relation, bakit? kabit, kireda ba ako sayo matt?”gusto kung itanong. Pero tumango tango na lamang ako. Baka din naman masakal ako nang aking inang si Dolores kapag nalaman niyang umiibig ang aking batang puso. “ Sige mauna na ako sayo” sabi ko na lamang at agad umalis. Hindi mawala sa labi ko ang mga ngiti habang naglalakad pauwi sa subrang saya sa wakas kami na. Nabigla ako nang hablutin ni Tj ang balikat ko. “ Amber! kanina pa ko tawag nang tawag sayo” angal niya sumabay sa paglakad “ Wala akong narinig eh” nakangiti kung sabi. Para talaga akong nakaduyan sa alapaap nang mga sandaling iyon. “ Ano ba ang meron at masaya ka?” nakatingin siya sa akin Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kami na nang crush ko pero baka magalit si Matt pagmalaman niyang may makakaalam. “ Wala basta masaya lang ako” tugon kung kumapit sa braso niya. “ Bff tayo Amber dapat walang lihiman” nagtatampo ang boses niya “ Wala nga akong lihim eh, wag kana makulit”sabay hila sa kanya paauwi. Naabutan ko ang butihin kung inang si Dolores na nagmana sa akin ang ugali. Nagwawalis sa labas nang bahay. “ Amber naka uwi kana?” agad niyang tanong nang makita ako. “ Wala pa ma, hindi pa ako naka uwi” natatawa kung sabi. “ Hampasin kita nitong walis” naiinis niyang sabi. “ Relax moma init naman nang ulo mo. Ano ba ulam?” “ May Jollibee sa ref” “ Sarap naman nagpapa Jollibee si moma” nagtuloy akong pumasok sa loob nang bahay namin. Tamang tama din gutom na gutom na ako. Binuksan ko ang ref nang matapat na ako. “ Holly molly! itong si Dolores talaga na isahan ako” bulalas ko sa bigla nang mapag buksan ko ang maliit na si Jollibee nakadapa sa loob nang ref. “ Sabi mo may Jollibee?” sabi ko sa moma kung tawangtawa sa hitsura ko. “ Ano naman yang hawak mo diba si Jollibe iyan?” tawang tawa parin siya “Ewan ko sayo moma. Nawawala na ang gutom ko sayo mudra” nakasimangot kung sabi at nagtuloy sa aking silid. Nilapag ko ang aking bag sa maliit na mesa nasa loob nang kuwarto ko at nilabas ko ang maliit kung diary. dumapa ako sa kama at nagsulat “ Dear diary, masaya ako ngayon hapon dahil kami na ni Matt” saglit akong huminto sa pagsulat at tumihaya ako. Tili ako nang tili na sumisipa pa sa ere ang dalawa kung paa sa subrang saya. Mayamaya pa ay tumayo ako at tinungo ang banyo para makapagligo. wala talagang katumbas na halaga ang naramdaman ko, iyong hirap e-explain. Matapos kung makapagligo bumalik ako sa kama. Wala na talaga ibang laman nang isip ko nang gabing iyon.” In love na talaga ako” puro heart shape na ang nakikita ko sa paligid kahit sa panaginip ko si Matt parin ang laman. “ AMBER ang aga mo naman nagising?” tanong nang aking ina kinabukasan. “ Maaga ako papasok ngayon ma, maglilinis ako ngayon sa room namin” pagdahilan ko pero gusto kuna makarating sa school para magka kita kami nang bhe bhe ko. “Kumain kana riyan” sabi niya nang makahanda na siya nang almusal. umupo ako at nagsalin nang kanin at ulam sa plato. Nakalimang subo lang ako nang kanin at isang hotdog. Nabubusog na ako. “ Hoy Amber, bakit ang kunti lang nang kinain mo?” puna niya “ Busog na ako ma” nagmamadali akong kinuha ang bag. “ bye ma!” halos tatakbuhin kuna ang paaralan. “ Amber, ang aga mo naman” puna ni Tj nang madaanan ko siya sa bahay nila nakasout lang siya nang shorts. “Nagising ako nang maaga eh. Bilisan muna riyan” sabi ko “ Hindi panga ako kumakain”sabi niyang sinout ang uniform na puting polo. Inip na inip na talaga ako, lumapit ako sa kusina nila. Hinanap ko ang lunch box niya at nilagyan ko nang kanin at ulam. “ Ano ang ginagawa mo Amber?” kunot-noo niyang tanong. “ Sa school ka nalang kumain nag mamadali ako” Nilagay ko sa bag niya ang lunch box at nagpatiuna akong lumabas bitbit ang bag niya” Tj naman bilisan mo” apura ko sa kanya “ Amber naninibago ako sayo ha, ang aga aga pa. Samantalang lagi ka naman nahuhuli sa klase” sabi niyang nagsasara nang batones ng polo niya habang anglalakad. “ Basta inspired ako” nakangiti kung sabi at mabibilis ang aking mga hakbang. mayamaya pa narating namin ang gate nang paaralan. Hindi pa kami tuluyan nakapasok nakita ko si Matt. “ Guwapo talaga” nagtatalon ang puso ko sa tuwa nang makita siya. Hinila ako ni Tj nang mapansin niyang nasalikuran namin si Matt. “ Mauna kana sa room Tj” sabi ko “ Bakit saan kaba pupunta?” taka niyang tanong “ Basta may pupuntahan ako. Kainin mo agahan mo sa class room natin” paalala ko sa kanya saka tinungo ang daan papunta sa garden namin. Napansin kung sumunod sa akin si Matt. Masyado pang maaga nang mga oras na iyon alas syete pa magsisimula ang flag ceremony namin. Mangilan ngilan pa ang mga studyante nandoon. Kaya may oras pa ako magpa cute kay Matt. “ Amber” sabi niyang sumabay sa paglakad sa akin. “ Morning bhe” nakangiti kung sabi. Napangiti na rin siya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko saka hinila niya ako papunta sa bahay kubo nasa dulo nang garden. “ Hindi ko talaga huhugasan tong kamay ko mamaya” hiyaw ko lalo nang pisilin niya iyon para na akong hihimatayin. Tahimik ang kubo nang makarating kami umupo ako roon at tumabi siya “ Mabuti naman maaga ka ngayon pumasok Amber” pasiuna niya “ Oo, maaga kasi ako nagising” tugon ko Napansin kung titig na titig siya sa akin. napalingon ako sa ibang direction hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya pakiramdam ko matutunaw na ako sa mga titig niya. “ Amber” sambit niya nilapit ang kanyang mukha sa akin Tumingin ako sa kanya halos maduling na ako sa subrang lapit nang aming mukha. “ Pwedi pa kiss?” pakiusap niya “ Isa lang?” Kinakabahan ako hindi ko alam ano ang isasagot “ Pag hihindi ba ako maghihiwalay na kami?” “ Isa lang ha? Saka sa pisngi” inipit ko sa likod nang taenga ang buhok ko. “ Sige, sige isa lang” tugon niya sa akin. “ Pumikit ka” sabi pa niya “ Sige, basta sa pisnge lang” ulit ko sabay pikit nang aking mata. Bigla niya akong hinalikan sa labi “ Bakit sa lips?” angil ko sa kanya “ Sabi ko sa pisnge lang” Tumawa siya” sarap nang labi mo malambot saka mapulapula” “ Ewan ko sayo,diyan kana nga. Babalik na ako sa room” tumayo na ako at naglakad pabalik sa room namin. Pakiramdam ko nang mga sandaling iyon na dislocate na ang puso ko sa subrang kaba. Mabilis ang mga hakbang kung tinungo ang silid paaralan namin. “ Amber ano ang nangyayari sayo?” bungad sa akin ni Tj nang makapasok ako sa room. “ Wala” maikli kung tugon at umupo “ Bakit ka namumula?” pangungulit niya sa akin. “ Wala nga eh” Nagsisimula ang klase namin pero hindi pumasok sa ulo ko ang sinasabi nang aming guro. Ni hindi ko alam kung paano natapos ang klase namin basta ang laman nang utak ko nang araw na iyon ay ang halik ni Matt sa akin. “ Hindi ako maghihilamos at mag toothbrush mamaya” nakangiti kung sabi sa sarili. Bigla sumagi sa isipan ko ang sinabi nang kapitbahay namin nakakabuntis daw ang halik sa labi. Sa isiping iyon nawala ang saya na dulot nang halik ni Matt napapalitan iyon nang takot. “ Hoy Amber uwi na tayo” puna sa akin ni Tj nang hindi ako gumalaw sa upuan ko. Kanina pa pala tapos ang klase namin. Tumayo ako at naglakad palabas nang class room. “ Amber okay kalang ba? bakit ka tulala?” Puna ni Tj sa akin habang naglalakad kami pauwi. Naisipan kung sabihin kay Tj ang nararamdaman ko. Alam kung safe ang secreto ko sa kanya. Humugot muna ako nang malalim na hininga. “ Tj, natatakot kasi ako” pasiuna ko sa kanya. “ Takot saan?” curious niyang tanong. “ Kasi Tj, h-hinalikan kasi ako sa labi. Mabubuntis naba ako?” halos maiyak na ako sa subrang takot. “ Piste! naman iyan Amber, sino humalik sayo? papatayin ko iyan Amber!” bulalas niya sa subrang galit. “ Nagalit ka naman eh, natatakot na nga ako” sabi ko sa kanya. “ Sino humalik sayo?” hindi na maipinta ang mukha niya sa subrang galit. “ S-si Matt!” bulalas ko “Bakit ka niya hinalikan? Sabihin mo, ano ikaw ang unang humalik sa kanya? kasi sabi mo hahalikan mo siya. sabihin mo sa akin ngayon din nang papatayin ko talaga iyan” sabi niyang huminto sa paglakad Natigilan ako, hindi ko alam ang gagawin ko.” Paano na mabuntis ako Tj?” “ Bubugbugin ko yang si Matt” naglakad siya pabalik sa paaralan. Taranta akong hinila siya” uwi na tayo Tj please, nakauwi narin si Matt eh” “ Sabihin mo bakit ka hinahalikan ni Matt? Ipaliwanag mo Amber?” “ K-kasi kami na” mahina kung sabi sa kanya. “ Kayo na? Bakit hindi ko iyan alam?” niinis niyang tanong saka, nagmamadaling naglakad pauwi. “ Tj naman eh, sorry na kung hindi ko sinasabi sayo” pilit ko siyang habulin pero nagalit na talaga siya sa akin. Nagtatakbo na siya pauwi. Nalulungkot akong nagalit si Tj pero takot natakot parin ako sa isipin mabubuntis ako. Nagmamadali narin akong umuwi sa amin. “ Amber!” tawag sa akin ni moma nang makita niya akong pumasok sa gate namin. Huminto ako sa paglakad at nilingon ko si moma may kausap na babae sa kabilang bahay. “ Ayos ka lang ba? bakit ka matamlay?” “ Wala ma, masama lang pakiramdam ko” pagdahilan ko saka tumuloy na ako pumasok sa aking silid. Pagka pasok ko palang humarap ako sa salamin. At hinaplos haplos ang labi nahahalikan ni Matt. hindi ako mapakali sa isipin mabubuntis ako” ano kaya gagawin ni moma pagmalaman niya buntis ako?” “ Sasabihin ko nalang kaya sa kanya? Kung papatayin niya ako edi ilibing. Atleast mamatay akong masaya, kasi nakatikim ako nang halik mula sa crush ko eh” Hindi ko matiis ang kaba naramdaman ko. Kaya binaba kona si moma. Naabutan ko siya sa sala. “ Ma, may sasabihin sana ako sayo” sabi ko sa malungkot na boses. “ Ano naman iyan? bakit malungkot ang mukha mo?” umupo ako sa tabi niya” K-kasi ma” saglit akong huminto nangingig na ako sa subrang takot na baka sasaktan ako ni moma. “ K-kasi ma b-buntis ako” naiiyak kung sabi “ Ano!? Amber kang bata ka!” nahilamos ni moma ang dalawang palad sa mukha. “ Hindi ko naman sinasadya ma eh” humihikbi kung sabi. “ Paano, paano nangyari?” hindi makapaniwalang tanon ni moma. “ Saan, Saan niyo ginawa? Sino ang Ama Amber. Dios ko kang bata ka. Pinag aral kita pero pinagluluko molang pala kami” mangiyakngiyak na siya. “ Ma, hindi ko naman din alam na gagawin niya iyon ang sabi niya sa pisngi lang ako hahalikan pero sa lips pala. Maniwala ka ma hindi ko sinasadya na hahalikan niya ako sa labi” Saglit na tigilan ang aking ina sa sinasabi ko. “ A-ano hinalikan ka sa labi?” hindi makapaniwalang tanong. “ Yon lang ba ginagawa niyo anak?” panigurado niya Tumango tango ako” sabi ko sa kanya sa pisnge lang pero sa lips niya ako hinahalikan” naiiyak kung sabi “ Maliban sa kiss ano pa ginagawa niyo?” curious niyang tanong “Pagkatapos niya akong halikan sa labi umalis na ako” Bigla bumanghalit nang tawa ang ina kung mana sakin na lukaret. natampal pa niya ang kanyang noo” sino ang nagsabi sayo nakabuntis ang halik?” “ Si Aling Luna, nasa ilog kami naghaharot ni Tj nang sabihin niya iyan” sumbong kay mudra. “ Anak, hindi nakakabuntis ang halik” paliwang nang aking butihin ina. “ Bakit sinasabi iyon sa akin ni aling Luna?” napakunot noo ako “ Baka tinatakot niya lang kayo para hindi muna kayo pumasok sa ganyan bagay dahil mga bata pa kayo.” Para akong nabunutan nang tinik nang maipaliwanag nang aking nanay na hindi nakakabuntis ang halik. “ Walang hiya talaga yong si Aling Luna. Nagpapakalap nang maling inpormasyon. Hindi ko tuloy na enjoy ang una kung halik dahil takot na takot ako”bulalas ko sa inis. Bumalik ako sa aking kuwarto at humiga sa kama. Hindi talaga ako mag hihilamos para hindi ma alis ang halik sa akin ni Matt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD