Amber Alejandra Episode 4

2409 Words
Nasa group napo ang chapter 5 ☯??????? ?????? #3☯ ? AMBER ALEJANDRA? CHAPTER 4 Continution ng FLASH BACK “ AMBER Bakit hindi kana sinundo rito ni TJ?” takang tanong sa akin ni mudra ng nasa hapagkainan ako kumakain ng almusal. “ May kinakailangan kasi siya tapusin sa school ma kaya nauuna na siya sa akin” sabi ko na lamang. Ayaw ko na sabihin kay moma nagtampo si Tj sa akin dahil hindi ko sinabi ang tungkol sa amin ni matt. “Saan ka pupunta?” agad na tanong ni mudra ng tumayo ako. “ Tapos na ako ma, kailangan kuna pumasok mahuhuli na ako” nagmamadali ako kinuha ang bag naka patong sa sofa. “ Hindi ka mag to-toothbrush?” kunot noo tanong ni mudra. Napatingin ako kay moma na alaala ko ang unang halik ko ayaw ko iyon ma wala sa labi ko” No, no keep it as a survenir” natatawa kong sabi sa sarili. “ Landi mo Amber!” sigaw ng aking kunsinsya. Comercial lang ng sabon ang peg! “ Ano Amber? tatawa kana lang mag isa? Nahihiwagaan na ako sayo nitong nakaraan araw ah” puna ni muda “ Wala mudra, alis na ako see you later aligator. Sa school na ako mag toothbrush” natatawa ko sabi at nagmamadali lumabas ng bahay. punong puno ako ng energy, habang naglalakad. Hindi ko alam kung bakit, dahil ba iyon sa nalaman ko hindi nakaka buntis ang halik oh dahil sa inlove lang talaga ako. Nilabas ko ang walkman mula sa aking bag at nilagyan ko iyon ng headseat. aliw na aliw ako sa pakikinig ng tugtug habang nagpatuloy sa paglalakad papunta sa paaralan. Papasok na ako ng pintuan ng aming silid ng biglang tumugtog ang paborito kung musika ang Queen of the night. Napahinto ako sa gitna ng pintuan. hindi ko mapigil ang sumabay sa kanta at sinabayan ko iyon ng action. Itinaas ko ang dalwa kung kamay at pasandal ako sa gilid ng pinto dahan dahan pababa habang kumanta sa lyrics. ? You’ve got a problem with the way that I am? ?They say I’m trouble and I don’t give a damn? ? I got the stuff that you want? Tinuro ko pa ang aking mga kaklase natulala nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ako lang mag isa ang tao ng mga sandaling iyon. ? I’m Queen of the night oh yeah, oh Yeahhhhh!” birit ko na animo’y nakikipag concert ako. " Amber" Natigil ako ng may tumawag sa pangalan ko. Saka ko lang na pansin ang mga mukha ng aking mga kaklase pati narin ang aming guro nasa gilid ng pinto nakaupo nakatulala nakatingin sa akin. “ Hahahahhaha!” napahalakhak ako ng mahimasmasan. “ Ano ang nangyayari Amber?” nagtataka tanong sa akin ni ma'am Noon ko lang din naramdaman ang hiya.” Good morning po ma’am” bati ko saka humakbang papunta sa upuan. “ Ano ang meron Amber at punong puno ka ng enerheya ngayon umaga?” hindi parin makapaniwala ang guro sa nasaksihan. Huminto ako sa paglakad at nilingon ang guro “ wala ma’am masaya lang ako” nakangiti kung sagot at nagtuloy na naglakad. “ Good morning Tj” baling ko sa kababata kong nakaupo sa tabi ng aking upuan. Galit talaga siya hindi niya ako tinapunan ng tingin. “ Tj naman wag kana magalit sa akin please. Sorry na” Hindi parin natinag si Tj. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya “ ayaw mo ako talaga kausapin ha!?” sabi kung sinundan ng halik sa pisngi. Bigla nahimatay si Tj sa una kung hlaik sa kanya “ Huh? Ma’am si Tj na himatay!” balisa kung sabi sa guro. “ Bakit ano ang nangyari?” tuliro tanong ng guro at tumayo mula sa kinauupuan para lapitan kami. “ Okay na kami ma’am diyan kana lang po” biglang sabi ni Tj. “ Amber naman baho ng bibig mo. Hindi kaba nag toothbrush?” angil ni Tj sa akin. Nilapat ko ang palad sa bunganga ko saka huminga ako ng malalim” langya baho nga” sabi ko saka nginitian ko si Tj. “ Kagabi panga hindi ako nag tootbrush. Sabi ni moma hindi nakaka buntis ang halik kaya hinayaan ko mag stay ang halik ni matt sa labi ko” natatawa ko sabi kay Tj. “ Tiisin mo muna, hanggang sa magsawa ako” sabi kong nilabas ang libro mula sa bag. “ Hinanap kapa naman ni Matt kanina pagka dating ko dito” Bigla akong kinilig sa sinabi ni Tj” talaga ano ang sabi niya?” “ sabi niya magkita kayo mamaya. Makikipag usap ka na ganyan ang amoy mo? hindi kapa ata naligo eh” ani Tj sa akin. “ Naku Amber, hindi maganda syuta si Matt kasi nawawal kana sa tamang landas” natatawang sabi ni Tj. “ Bakit ano ba ang ayos ko?” kunot-noo kung tanong. “ Nabaliw kana ata sa halik” “ Sympre mahalaga kaya ang unang halik.” nakairap kung sabi kay Tj. Sinimangutan naman ako ni Tj. “ Ikaw ba Tj, sino ang una mong halik?” Tumingin ito sa akin ng tuwid. “ Gusto ko i——“ “ Class get one whole sheet of paper” putol ng aming guro sa sasabihin pa sana ni Tj. Napakunot noo ako sa sinabi ni ma’am “ bakit ma’am ano ba ang lection natin? Wala pa naman po kayo na discuss ngayon ma’am eh” angil ko kakarating ko pa nga lang. “ Yong queen of the night mo discuss natin” nakangiting biro sa akin ng guro. Umugong ang tawanan sa loob ng silid paaralan mula sa mga kaklase ko. “ Nakakatawa iyon huh?” pagtataray ko sa kaklase nakaupo sa aking harapan na tawang tawa. Nag init bigla ang dalawa kung pisngi sa subrang hiya. “ Ano ba kasi nakain mo at kumanta kapa sinabyan mo pa ng sayaw” untag sa akin ni Tj. “ Eh, nadala ako sa pinakinggan kung kanta eh, ano masama don?” “ Kasi nga dumadagundong ang boses mo sa silid. Lakas kaya ng boses mo. Akala ko nga may kambing na pumasok sa paaralan.” natatawa nitong tukso sa sa akin na agad ko naman sinimangutan. Natapos ang aming klase na puno ako ng tukso. “ AMBER, aakyat ako nanligaw sa inyo mamayang gabi sabi sa akin ng isa kung ka schoolmate ng palabas na kami ni Tj sa gate ng paaralan. “ Sus, wag kana aakyat ng ligaw ngayon palang basted kana” tugon ko rito. “ Savage naman nitong si Amber, hindi ko panga nasabi ang naramdaman ko basted agad” anitong kumakamot sa ulo. “ Buti na yong ganon ng hindi nasasayang oras natin” nakasimangot kung sabi. “ Ah, basta pupunta ako sa inyo mamayang gabi” giit nito saka nagmamadaling naglakad palayo sa akin. “ Bahala ka” sabi ko na lamang. “ Tj, sabi mo hinanap ako ni Matt kanina bakit hindi ko siya nakita?” baling ko kay Tj pumulopot sa braso niya. “ Absent si Matt ngayon, sinasabi ko lang iyon para mag toothbrush ka, hindi ko ma tiis eh” angil nito “ Sira ka talaga eh, naisahan mo ako don ah” “ Seryuso kaba talaga kay Matt?” seryusong tanong sa akon ni Tj. “ Gusto ko siya pero alam naman natin puppy love lang ito. Sabi ni moma dinadaanan daw ito ng mga kagaya natin pero lumilipas din.” tugon ko sa kanya. “ Ikaw ba Tj wala kabang nagustuhan sa paaralan natin?”tinignan ko siya. “ May-roon” tugon nitong yumuko. “ Sino naman iyan?” na excited akong malaman. Umiling iling si Tj” bawal muna sabihin” tugon nitong tumingin sa akin. “ Bakit naman? diba sabi mo walang taguan ng secreto?” “ Kasi nga may mahal siyang iba” sabi nito sa malungkot na boses “ Sakit naman non, gusto mo siya pero iba ang gusto niya, ganon ba iyon?” seryuso aking mga mata tumingin kay Tj. “ Oo, ganon na nga” anito sa mahinang boses. Mayamaya pa natapat na kami sa bahay nina Tj. “ Paano dito na ako” ani Tj “ Sige, sunduin mo ako bukas ha?” bilin ko saka nagtuloy naglakad pauwi. Naabutan ko si papa nakaupo sa sofa, kakauwi lang nito galing trabaho. Isang manager ng textile ang aking ama sa San Mareno. “ Puppy!” bulalas ko at umupo sa tabi niya. Bigla itong napasimangot “ Amber, wag mo nga akong matawag na tawag na puppy ano kaba” angil nito “ Okay kumpadring Alberto kumusta ang araw mo?” natatawa kung biro kay pudra. “Naku, Amber masasakal na talaga kita” Niyakap ko si papa” Papa naman hindi na ma biro. Baon ko bukas papa ha wag mo kalimutan” nakangiti kung sabi. “ Ewan ko sayong bata ka nakaka stress ka eh” nakangiti nitong sabi “ Nakakatampo yan papa ah” pinalungkot ko ang aking mukha. “ Yan, okay lang ikaw mang alaska sa akin pag ako pikon agad?” natatawa nitong sabi “ Hmmm makaakyat na nga” kunwari nagtatampo ako. “ Tampupurot wala kang baon bukas” sabi nito pero hindi na ako lumingon sa kanya. Nagtuloy ako sa aking silid.” Bakit kaya hindi pumasok si Matt ngayon?” pabagsak akung humiga sa kama ni hindi ko pa natanggal ang aking backpack “ Ano kaya ang nangyari nagkakasakit kaya siya?” bumuntong hininga ako saka bumangon. Humarap ako sa salamin” Hmm may pimple na ako” hinaplos ko ang tumubo pimple sa gilid ng aking bibig. “ dalaga na talaga ako” Naglakad ako papasok ng banyo para makapagligo. “ AMBER may naghahanap sayo” tawag sa akin ni mudra nakatayo sa labas ng pintuan ng kuwarto. “ Sino?” napakunot noo ako ng maalala ang school mate ko “ totoo kaya sinasabi niya na pupunta siya rito sa bahay?” Binuksan ko ang pintuan” Classmate mo raw my project kayo, Austin pangalan” tugon nit mudra pinag kross ang braso sa dibdib. “ Paano kami mag karoon ng project eh hindi naman kami magka klase” sa isip ko. “ Ah, may project nga kami, subject ng pag ibig. Section ni ma’am basted” nakangiti kung sabi. “ Susunod na ako ma” tugon kung naglakad paharap sa salamin. Kinabahan ako. Kakahiya pag manligaw si Austin, tapos makikinig si Dolores” sa kaloob looban ko. Pababa na ako ng hagdnan ng marinig ko ang boses ni Tj sa iba. “ Tj, ano ang ginagawa mo rito?” agad kung tanong ng tuluyan akong makababa. “ Maglalaro tayo ng tong-its” tugon nitong hawak ang baraha. “ Ano Austin, cool kaba?” baling nito sa manliligaw ko. “ Sige laro tayo” mabilis kung sabad at umupo sa tabi ni Tj sa sahig. Nakailang oras na kaming naglalaro hangang sa magsawa na ang aking manliligaw. Sumuko na ito sa kakahintay umuwi si Tj ng masolo niya ako, pero tila walang balak si Tj na umuwi. “ Saan kana Austin?” tanong ni Tj ng tumayo ang aking manliligaw. “ Uuwi na ako” nakasimangot nitong sabi. natawa ako sa ginawa ni Tj” paano mo nalaman nandito siya?” tanong ko ng mapagsolo kami. “ Nakita ko kaya siyang dumaan sa bahay, kaya sinundan kuna” natatawa tugon ni Tj. sa kaloob looban ko buti nalang andon si Tj, baka ano sabihin nong binatilyo sa akin, kundi sapol sa taenga ni Mudra. Maya maya pa ay tumayo si Tj para umuwi narin sa kanila dahil mag aalas 10 na ng gabi. “ Tulungan mo ako itayo Tj” paglalambing kung itinaas ang aking dalawang kamay. Hinila niya iyon ngunit nawalan siya ng panimbang natumba siya at nakadagan sa akin. Nagkatitigan kami pareho” Amber” sambit niya sa mahinang boses nilapit niya ang kanyang bibig sa labi ko. “ Tj” anas ko. Isang dangkal nalang mahahalikan na niya ako. Napapakit ako ng mata hinintay ang paglapat nang kanyang labi. “Hey Mambo! Hey Mambo!” tunog ng aking celphone ang pumutol sa pagbabalik tanaw ko sa aking nakaraan. “ Andon na sana kami ni Tj eh na udlot pa sa Hey mambong ringtone ng celphone ko. Langya naman” Inabot ko ang celphone mula sa gilid ko at tinignan sino ang ng isturbo. Napakunot noo ako makita ang unknown number. “ Miss call lang pala tinuon pa sa pag mumuni-muni ko.” bulalas ko sa inis Tuluyan na akong napabangon mula sa kama. At naisipan kung tawagan si Avvy para sabihin sa kanya uuwi na ako bukas. “ Avvyyyyyyy!” tili ko ngsagutin niya ang tawag ko. “ What now Amber?” tugon nito sa kabilang linya. “ Tsk! uuwi ako wala kabang balak salubingin ako? Aba’y busy na busy naman yata kayo ni Shakira”sabi ko sa nagtatampo na boses. Kahit hindi ko siya nakikita pero alam kong umiikot na naman ang mata nito” I know inikutan mo naman ako ng mata mo tantanan ninyo ako sa kakaganyan mo ha! susunduin ninyo ako o magtatampo ako?” gusto kuna talaga mag tampo sa kanila. “ Amber! Bilanggo ako ngayo—“ “ What nakukulong ka?” agad kung putol sa sabihin niya hindi ako makapaniwala nakulong si Avvy. “ Hindi iyon ang ibig kung——“ “ Ano pala?” “ Amber patapusin mo ako ng mga sinasabi ko kanina kapa ah!” natatawa ako kasi na himigan ko sa boses niya ang pagka bugnot niya. Bugnutin pa naman itong si Avvy.”okay chill masyado kanang hot hahha” natatawa kung sabi sa kanya . “ Bilanggo ako sa isang bahay na nag ngangalang Caleb Rhys Phoninex na bumili sa akin tsk! Sa kagagawan ng mga magulang ko” Nabigla ako sa kanyang sinasabi” Wait! Loading ako? what? binenta ka ng mga sira ulo mong magulang?” bulalas ko sa aking pagka bigla. “ P-paano nangyari na sarili mong magulang ngawa nila iyon sa sarili nilang anak?” hindi talaga mag absorb sa utak ko ang sinabi ni Avvy. “ Wag muna lamang isipin ang mga nangyayari sa akin ang mahalaga mag iingat ka sa pag uwi mo bye” sabi niya pinutol na agad ang linya. Hindi ako mapakali pagkatapos kung malaman ang nangyari kay Avvy kailangan kuna talga makauwi ng Pinas. Para alamin ang nangyayari sa mga kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD