Amber Alejandra Episode 5

2088 Words
☯??????? ?????? #3☯ ? AMBER ALEJANDRA? Chapter 5 “ SO ano Amber, ang pakiramdam na uuwi kana sa Pinas?” tanong sa akin ni tita ng nasa loob kami ng sasakyan, papunta kami ng Heathrow airport. “ Subra tita, walang pagsidlan ng aking saya. After 3 years makakauwi narin ako” excited kung tugon. “ Sa wakas makikita kuna ang mga kaibigan ko. A-at si Tj”bigkas ko sa aking sarili “ Hindi na kaya galit sa akin si Tj?” hindi ko maiwasan maitanong sa sarili ko. “ Why are you whispering Amber?” puna sa akin ng Briton ng mapansin niyang may sinasabi ako. “ Nothing tito, I was just thingking about my friends” “ Oh, Amber! hindi ka panga nakarating nang Pinas, kaibigan na agad ang iniisip mo”agad na saway sa akin ni tita. “ Tita, naman syempre na mimiss ko sila. And Of course sina moma at papa. Hindi naman iyon mawawala eh” nakangiti kung sabi at hinaplos haplos ang balikat niya. Isa at kalahati oras ay narating din namin ang airport. “ So paano iyan Amber? mag pakabait ka.” sabi ni tita lumingon sa akin. Saka binuksan nito ang pintuan ng sasakyan at lumabas at ng mayakap ako. Agad akung bumaba mula sa back seat. “ Oh my God, makakauwi narin ako” sabi ko sinabayan ng tili. “ My God Amber, nakakahiya ka” ani tita ng mapansin napalingon ang dumadaan sa akin. Niyakap ko ang tiyahin” thank you very much tita” lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “ Magpakabait ka”humihikbi nitong sabi. “ Dios ko, Amber kahit pasaway ka ma mimiss parin kita” “ Tita, wag kana umiiyak magkikita naman tayo uli kapag dumalaw ka sa Pinas” “ Well Amber, take good care of yourself” sabad ni tito. Yumakap ako rito” thank you very much tito Hedrick, for everything” “ You’re very welcome Amber, you can come back here anytime you want” tugon nito Kumalas ako mula sa pagkayakap. “ Well see” tanging tugon tugon ko at hinila ang aking bag para pumasok na sa loob ng airport. Winawagay-way ko ang aking kanang kamay sa tiyahin nakatingin parin sa akin. Kahit papaano na mimis ko din sila. Nag flying kiss ako sa dalawa. Gusto kung mag titili sa tuwa sa wakas makakauwi narin ako sa amin habang naglalakad ako sa loob ng malaking airport. Umupo ako sa waiting area, habang inantay ang aking boarding time. Ilang oras din akong nakatambay sa loob bago tuluyan binuksan ang terminal para sa boarding time. “ Kunting tiis nalang, nakapag antay nga ako ng ilang taon ngayon pa ba oras lang?” bulong ko sa sarili ng makaupo ako sa loob ng eroplano. Isinandal ko ang aking ulo sa sandalan ng upuan. “ Ano kaya ang reaction ni Tj pag nakita niya ako? Kakausapin niya ba ako? Ano kaya ang hitsura na niya ngayon?” sunodsunod kung tanong. Mayamaya pa ay tumayo ang stewardess sa aming harapan para mag bigay instruction sa kung ano ang gagawin kapag magkakaroon ng emergency sa loob ng eroplano. Matapos makapag bigay ng demo ay naramdaman ko ang pag galaw ng eroplano naghahanda sa paglipad. Sa kahabaan ng aking biyahe ay binabalikan ko ang aking nakaraan ang huli naming pagkikita ni Tj. Flashback “ Tj, sakay tayo ng fairyswell” Pag lalambing ko rito. Ng gumala kami sa peryahan hindi kalayuan sa amin lugar. “ Sige, hindi ka naman natatakot?” nakangiting tanong niya sa akin. Umiling iling ako at hinila siya, pumila sa pilahan ng Fairyswell “Tj!” Tawag ni Christine sa binata sabay hila nito sa binatelyo. “ halika muna sandali may ipapakita lang ako saiyo.” Hindi na ito nakatanggi ng hilahin ito. Napailing akong sinundan ng tanaw si Tj hila hila parin ni Christine. "I hate her" sabad ni Betchay isa sa aking mga kaibigan nakatayo sa likuran ko. “ Ako din! Parang linta kung makakapit.” saad naman ng kapatid ni Becthay na si Nora. Naka akbay ito sa nobyo nito. “ Sa amin ka nalang sasama” ani Betchay sa akin. Wala na akong magagawa pa. Tahimik akong sumakay sa Fairyswell. Ilang saglit lang nagsimula ng umikot ang fairyswell at napasigaw sina Betchay napa sigaw narin ako. Ilang minuto lang lumipas ay nakababa na kami mula sa fairyswell. “ Sandali Amber” ani Betchay iniwan ako ng makita nito ang boyfriend. Napatingin ako kay Nora, nahihiya naman akong sumama dito dahil naglalambingan ito sa nobyo. Kaya nagpalakadlakad nalang muna ako. “ Amber!”Sambit ni Matt sa akin. “ Nag iisa ka ata, nasaan ang mga kaibigan mo?” “ Andiyan lang sa tabi tabi” Maikli kung sagot. Ilang buwan na ang nakaraan mula ng maghiwalay kami nito. Nahuli ko itong may kasamang babae at ang masaklap pa ay itinanggi ako kasintaham. Nong una nasasaktan ako pero ngayon hindi na masyado naramdaman ang sakit. “Gusto mo maglakadlakad muna tayo?” nakangiti nitong aya sa akin. “ Naku, hindi na” mabilis kung tanggi. Mula sa aming kinatatayuan ni Matt ay narinig ko ang tawa ni Christine, tila ba sinasadya nitong iparinig sa akin. “ kaya pala bigla ka nawala Tj, nakikipag landian ka pala." bulalas ko sa sarili nakatingin sa dalawa. Di sadyang mapalingon sa gawi ko si Tj, nagtama ang aming mga tingin. agad kung kinalawit ang kanang kamay sa leeg ni Matt, at bahagya tinulak ang ulo nito palapit sa akin, saka bumulong ako ” Kumusta kana pala?” sabi ko na animo’y hahalikan si Matt. Hindi iyon nagustuhan ni Tj kaya nilapitan kami nito. “ Amber!” Inis nitong sambit sa pangalan ko nakatayo sa aking gilid. Tinignan nito si Matt ng matalim na tingin at ganon din si Matt kay Tj. “ Ano ba Tj, bayaan mo nanga sila” ani Christin at hinila si Tj para hindi ito mapang abot kay Matt. ,” Ano ba Christine! Bayaan mo kami” naiirita sabi ni Tj. “ Ano kaba naman Amber”inis na baling sa akin ni Tj sabay hawak sa siko ko, at hinila palayo kay Matt. “ Ano ba?! Nasasaktan ako!” singhal ko sa kanya. “Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi kaba natoto? Tinanggi ka niya” Inis na saad ni Tj. “ Bakit mo ba ako pinakialaman? hindi naman kita pinapakialaman habang nakipag landian ka kay Christine ah!” “ Ayaw kung makita kitang kasama ang lalaking iyon!” napataas ang boses ni Tj sa galit. nakipag sukatan ako ng tingin sa kanya“ Bakit mo ako pagbabawalan kung sino ang kasama ko? Ikaw ba pinagbawalan kita wag sumama kay Christine? diba hindi?” Inis kung tanong sa kanya. Ang totoo nang gigil akong, iniwan niya sa pilahan. “ Hindi mo naiintindihan Amber” napakunot-noo ako sa sinabi niya “ Ipa-intindi mo para maintindihan ko!” pasigaw kung sabibsa subrang inis. “Dahil————“ tumigil ito sa pagsasalita. “Dahil ano?!” “ Dahil nasasaktan ako kapag kausap mo siya. Amber Mahal kita! pasigaw nitong sabi. “ G***o ka pala eh. Mahal mo ako, pero si Christine ang syuta mo. Naglulukohan ba tayo? Ano pang pinag iba mo sa lalaking iyon?” pagka sabi kung iyon tinalikuran kuna siya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa katawan niya. Walang pasabi sabi hinalikan ako sa labi. Napatulala ako sa ginagawa paghalik ni niya sa akin. Hindi ako makagalaw. “ Tj!” Sigaw ni Christine mula sa aking likuran ang pumutol sa aming dalawa. Natigilan kami pareho napatingin sa isa’t isa. “ Ano ba Tj?!” ani Christine sabay hila kay Tj. “ Ano ba christine, bakit ba lagi kang ng hihila?” Inis kung sabi Hindi kuna hinintay pa sumagot si Christine, tinalikuran kuna sila. Nangangatog ang aking mga tuhod habang naglalakad pauwi sa amin. Hindi ko na intindihan ang aking naramdaman hindi ko alam paano haharapin si Tj, bukas. Napaiyak ako sa isipin mahal niya ako, pero iba naman ang syuta niya. Hindi ko alam naguguluhan na ako sa naramdaman ko para kay Tj, katapusan naba ng pagiging magkaibigan namin?” “ Amber!” Tawag sa akin ni Betchay ng makita akong naglalakad pauwi. Nilingon ko lang siya saka nagpatuloy sa paglakad. “ Amber ano ba?” sabay hawak nito sa balikat ko. Hindi ko mapigil ang sarili mapahikbi. “ Bakit ka umiiyak?” alalang tanong nito. “ Kwento ko nalang sayo pagtayo lang dalawa” “ Pwedi mo naman e kwento sa akin ngayon” anito sumabay sa paglakad sa akin. Mayamaya pa narating namin ang bahay” Sasunud nalang betchay” sabi kung lumapit sa may gate namin. “ Sumama kana muna sa amin. Maaga pa naman pag-usapan natin iyag problema mo” ani Betchay nakahawak sa kamay ko. Bumuntong hininga ako, kailangan korin may kausap. Kaya pumayag na akong sumama sa kanila sa bahay nito. Kasama namin ang boyfriend niya at si Nora at ang boyfriend nito. Nagtuloy kami sa itaas ng kanilang bahay. Wala roon ang mga magulang nito dahil nasa bukid. Tanging ang magkapatid lang naiwan. Nasa kuwarto kami ng e-kwento ko rito ang nangyari sa amin ni Tj. Matamang nakikinig sa akin si Betchay. Naputol ang aming kwentuhan ng umakyat si Nora kasama nito ang boyfriend kasunod na umakyat ang boyfriend ni Betchay at may isa pang lalaking kasama. Pinakilala ako sa kakarating lang na binata. “ Uuwi na ako” agad kung pagpaalam . Kinabahan ako, paris paris na kaming nasa loob ng kuwarto. “ Mamaya kana lang umuwi Amber” ani Nora sumandal sa pintuan. “ Malalim na ang gabi, baka hinanap na ako sa amin” sinabayan ko iyon ngpagtayo mula sa papag nila. Wala silang kama at isang kuwarto sila humihiga magkapatid. “ Amber, ihahatid ka namin sa pag-uwi baka mapaano kapa sa daan madilim pa naman” saad ng boyfriend ni Nora nakayakap sa nobya nito. Napaatras ako ng makita nakapatong ito kay Nora, habang nakasandal si Nora sa pinto. Nandidiri ako sa aking nakita. “ Uwi na ako maghahating gabi na” Pangungulit ko parin. “ Itong si Amber eh, hindi makapaghintay” sabad ng nobyo ni Betchay. Pagkasabi iyon biglang pinatay ang ilaw. Napahalukipkip ako sa isang tabi sa subrang takot. “ Ano ba, bakit kailangan patayin ang ilaw?” reklamo ko. “ Am—-“ “ Betchay!” boses ng tiyahin ni Betchay ang nagsasita mula sa labas ng bahay. “ Shhhhh...wag ka maingay Amber, pag maingay ka malalaman ng tiyahin namin na may kasama tayo ditong lalaki. Paris paris pa tayo” bulong ni Betchay sa akin. Hindi ako maka-imik natatakot narin ako. Dinig na dinig ko ang pagtatambol ng aking dibdib sa subrang kaba. Kapag malaman nito may kasama kaming lalaki malalagot ako. Kahit pa sabihin hindi ko kilala ang lalaki, hindi parin maniniwala ang tiyahin ni Betchay dahil nasa kuwarto kami at madilim pa. Malamang iba na ang isiipin nito. Sinunod ko ang utos ni Betchay. Na wag maingay. “ Betchay, nakita niyo ba si Amber?” ulit nitong tanong. Lalo akong kinakabahan ng hinahanap ako. “ Kasama namin ang mama at papa ni Amber” pagpapatuloy ng tiyahin ni Betchay. Nanatili pari kaming tahimik. “ Baka hindi pa sila umuuwi” narinig ko ang boses ni moma. Ngalingali na akung sagutin ang tawag ng tiyahin ni Betchay, alam kung nag alaala na ang aking mga magulang. “ Ang sabi, nakita daw sila papunta rito” narinig kung sabi ng tiyahin ni Betchay sa mga magulang ko. “ Betchay, Nora?” ulit nitong tawag Biglang humihilik ang isang lalaki kasama namin, hindi ko alam kung sino iyon dahil sa madilim. “ Sino iyang naghihilik?” agad na tanong ng tiyahin. Hindi kuna napigil ang naramdaman ko sa subang takot, “ Andito ako” agad kong sabi at kinapa ko ang pintuan ng kuwarto. Wala silang nagawa kundi ang padaanin ako, may naapakan pa akong paa dahil sa dilim. “ Ma, pa” sabi ko ng pababa ako ng hagdanan. Pagkalabas ko sa main door agad akong nahampas sa puwet ni Papa sa subrang galit niya. “ Sino iyong naghihilik na lalaki Amber?” agad na tanong sa akin ng tiyahin ni Betchay. “ Tatay ni Betchay po” pagsisinungaling ko. “ Anong tatay? wala ang tatay nila nasa bukid” anang tiyahin ni Betchay. Lalo lumakas ang kabog ng aking dibdib. Mahuhuli na kami at katapusan kuna baka ipapakasal na ako ng aking ama sa lalaking hindi ko kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD