☯??????? ??????# 3☯
? AMBER ALEJANDRA?
Chapter 6
Contenue ng flashback
Wala pa sana akong balak na bumaba. Para sa pananghalian. Alam kong hindi na naman ako lulubayan ng aking mga magulang. Halos sakalin nanga nila ako ka gabi para umamin lang. Kumakalam na talaga ang aking sikmura kaya bumababa na ako.
“ UMAMIN kana Amber, may kasama kayong lalaki don ano?” bungad ni moma ng makita akong bumaba sa hagdanan.
napakamot ako sa ulo “ heto na naman siya eh” bulong ko sa aking sarili.
“ Ma, nag uusap na tayo niyan ka gabi. Diba sabi ko tatay iyon nila Betchay” nagtuloy akong naglakad papunta sa hapag kainan.
“ May nakakita sa inyo may kasama kayong lalaki. Sabihin muna Amber” giit ng aking ina sumunod sa akin.
Napabuntong hininga ako “ ma, wala nga kasi, umuwi na sila nong makarating kami kina Betchay” pinanindigan kuna talaga. Kinakabahan ako baka ipilit nila akong ipakasal kapag malaman nila.
“ So, talaga may kasama kayong lalaki. Pagkatapos umuwi sila? So Yong lalaki nag hihiliklikan tatay iyon ni Betchay?”
“ Upo” bigla lumabas sa bibig ko.
“ Ngayon Amber, ang tatay ni Betchay nasa bukid. So yong lalaki naghihilik yon ang kasama niyo?”
Napatingin na ako kay moma. Huling huli na ako” Moma wag mo naman akong ipakasal hindi ko naman iyon kilala eh, pinakilala lang iyon sa akin.
Sinabi kuna man na uuwi na ako pero hindi nila ako pinalabas” natataranta na ako sa subrang takot.
Umupo si moma sa tapat ko,” sira ulo kaba hindi kita ipapakasal dahil bata kapa. Ngayon umamin ka sa akin, ano may nangyari ba sa inyo?”mataman siyang nakatingin sa akin.
“ Nangyari na ano?” kunot-noo kung tanong sa kanya.
“ Bakit kayo nagpatay ng ilaw?”
Pakiramdam ko nasa hot seat na ako sa pag-iinterogate ni mama. “ Dios ko, ano ang sasabihin ko” bulong ko sa sarili.
“ Ano Amber!” singhal niya ng tumahimik ako.
“ Ano ang ginagawa niyo sa dilim?”
Sasabihin ko ba ano nakita ko? “ Nag dadasal po” bulalas ko sa subrang takot.
“ Magtino ka, sasampalin kita” nang gigil nasabi ni moma.
“ Paano ngayon iyan Amber, pinag-uusapan na kayo sa labas” sabad ni papa sa usapan namin.
“ Ano ba itong pinag-gagawa mo Amber!” sapo ni mama ang kanyang noo.
Naging talk of the town na kami dahil sa ipinakalat na balita ng tiyahin ni Betchay.
Kesyo nga may kasama kaming lalaki, ano ang ginagawa namin sa dilim. “ Si Amber na ang bata bata pa sumali na, hindi na birhen ang bata na iyan” mga usap usapan sa aming lugar.
Hiyang hiya na ako, kaya hindi na muna ako lumabas ng bahay. Pero tila hindi naman mamatay matay ang issue.
Kaya napag decisionan na nang aking mga magulang na ilipat ako ng paaralan doon muna sa isa kung tiyuhin, at ipag-apply nila ako ng visa para papuntang England. Para malayo ako sa mga kaibigan. Nong araw din iyon tinawagan ni moma ang kanyang kapatid para ipa sundo ako. Kukunin lang daw nila ako doon kapag na tapos na ang visa ko. Wala na akong magagawa kundi ang sundin sila.
BUKAS na ang punta ko sa lugar ng aking aking tiyuhin. Kailangan kung magpaalam kay Tj. Isang linggo na ang nakalipas mula ng mangyari ang insidenting iyon, hindi na kami nagkikita ni Tj, dahil hindi na ako lumalabas ng bahay.
Tahimik na ang kapaligiran at palalim na ang gabi. Hindi parin ako dinalaw ng antok. Sumilip ako sa bintana natanaw ko si Tj sa labas ng kanilang bahay nakaupo.
“ Mabilis kumalat ang balita malamang alam na ni Tj, ang nangyari” bulong ko sa aking sarili.
Binuksan ko ang sliding window at mula roon tumalon ako. “ Kailangan mag usap kami ni Tj, at ipaliwanag ko sa kanya ang nangyayari”
“Amber? ano ang ginagawa mo dito? Diba bawal ka lumabas, usap usapan ka ng mga tao” ani Tj ng makita ako.
“ Naniniwala kaba sa kanila Tj? na dawit lang naman ako. Pero wala naman akong ginagawa masama” sabi ko sa kanya.
“ Umuwi kana, gabi na” taboy niya sa akin sinabayan niya iyon ng pagtayo.
“ Galit kaba sa akin Tj?” tanong ko sa kanya ng tumalikod siya akma papasok na siya sa bahay nila.
Nilongon niya ako” Umuwi kana, sa susunod nalang tayo mag usap”
“ Pareho kalang naman sa kanila, ayaw maniwala sa akin. Kilala mo ako TJ, alam mo hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Lalo hindi ko pa kilala ang lalaki kasama ko” paliwanag ko sa kanya.
“ Iyon nga Amber, hindi mo kilala ang lalaki pero nakuha mong sumama. Nagpatay pa kayo ng ilaw habang paris paris kayo”
“ Sa tingin mo kasalanan ko iyon?” naninikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Naniwala siya sa mga tsismosa.
“ Bakit hindi niyo tanungin sina Betchay?” sabi ko sa kanya
“ Paano? andon na sina betchay sa bukid. Sila narin nag sabi tig iisang lalaki kayo. Sige na umuwi kana” pagkasabi niya iyon ay pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay.
Nasasaktan ako sa turan ni Tj “ bakit ganon?Bakit hindi sinabi nila Betchay na dawit lang nila ako” naiiyak kung sabi sa sarili naglakad pabalik sa bahay namin.
Dahil sa sama ng loob ko kay Tj, hindi kuna nasabi sa kanya ang pag-alis ko bukas.
Agad kung pinagpatuloy ang pag empake ko ng mga gamit ng makabalik ako sa silid ko.
“ Buo na ang pasya ko, hindi na talaga ako babalik pa rito” sabi ko sa sarili.
Napahagolhol ako sa sama ng loob. “ Sana hindi nalang ako sumama sa kanila hindi siguro ako nasali sa scandal nila”
Madaling araw na akong nakatulog kaya hindi na pansin nina moma ang pagmamaga ng mata ko ng magising ako ng tanghali.
“ Amber, kumain kana, andiyan na ang tito mo” sabi ni moma ng makababa ako ng hagdanan.
Nakita ko ang tiyuhin ko nasa sala. “ Handa kana?” tanong sa akin ng tiyuhin ng makalapit ako sa kanya at nag mano.
“ Upo tito” tugon
ngatUnang pagkakataon palang na malayo ako. Pero wala akong magagawa, ito lang ang parana nakita nila papa na mailayo ako sa mga maling kaibigan.
Inisip din nila na baka pagka wala ako sa bahay namin, makalimutan na ng mga tao ang nangyari.
“ Paano Amber, magpakabait ka sa bahay ng tito mo” untag sa akin ni moma.
“ Oo ma” napaiyak akong yumakap sa kanya.
“ Mamimiss ko kayo” hindi kuna mapigil ang mapaiyak.
“ Sige na, baka gagabihin kayo” ani papa niyakap ako.
“Bye, pa”sabi kung humihikbi.
“ Puntahan kalang namin doon, please Amber wag mo papasakitin ang ulo nila” bilin sa akin ni moma.
Tumango-tango lang ako habang panay ang punas ng luha. Umupo ako sa tabi ng driver seat. Nakatingin ako sa bahay nina Tj, baka sakali makita ko siya.
Pero bigo ako, hindi ko siya nakita nakaupo sa labas. Pinaandar ni tito ang sasakyan.
Nakatingin lang ako sa bahay nina Tj, pero sirado ang pintuan nila.
“ Bye Tj” bulalas ko sa sarili.
Natapos ko ang isang taon kung pag-aaral sa lugar nina tita Maria.
Hanggang sa na-approved ang visa ko at iyon na punta ako sa England na hindi parin kami nagkakausap ni Tj. Nag-aral ako don, pero wala ako natutunan. Kasi subrang slang ng mga tao roon.
Bigla akong namulat mula sa malalim ng pag-iisip ng maramdaman ko ang paglapag ng gulong ng eroplano sa ground.
“ Oh my God, I am Home!” sigaw ko sa tuwa. Gusto ko magtatalon “ Guys, andito na a ako sa airport ng Manila” bulalas ko. Hindi ko alintana ang mga taong nakatingin sa akin.
“ Masaya lang ako, ilang taon din akong nawala” sabi ko sa lalaking nasa gilid kung nakatingin sa akin.
“Masama ba ang masaya ako?” ani ko sa sarili.
Ngalingali na akong tanggalin ang seatbealt ko at magtatakbo palabas ng eroplano.
“ I can’t wait to see my mom, and my friend Louella sabi niya susunduin niya ako”