Amber Alejandra Episode 7

1125 Words
☯??????? ??????# 3☯ PAKIRAMDAM ko hindi sumayad ang paa ko sa lupa. Nang makababa ako ng eroplano. " It's been along time!" ani ko sa sarili Pumasok muna ako ng c.r para ayusin ang aking sarili. Nag to-toothbrush muna ako, ang haba ng oras na nakatakom ang aking mga bibig sa loob ng eroplano. Matapos kung makapag tothbrush nag lagay ako ng make up at saka lipstick. Nag wiwisik narin ako ng pabango. Natigil ako sa aking ginagawa ng bigla nag ring ang aking celphone. Kinuha ko iyon mula sa bag. Napangiti ako ng makita ang number ni Louella. " Hello, friend nandito na ako sa airport!" pagtitili ko ng sagutin ko ang tawag niya. " Amber naman, nakakabingi naman iyang tili mo" angil niya sa kabilang linya. " Sorry, sorry, masaya lang ako" sabi kung sinabayan iyon ng pagtitili muli. " Nasaan kana?" tanong ko sa kanya. " Dito ako sa labas ng airport, hinintay kang makalabas kang bruha ka" sabi niya. “ Buti nakatakas sa bantay mo” natatawa kung sabi sa kanya. " kasama ko ang mga magulang mo" tugon niya. " Kumusta sila?" hindi ko mapigil ang mag tanong. Subrang excited lang talaga ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. " Para kang timang, lumabas kana nga diyan ng makausap mo kami dito" naiinis niyang sabi " Abay, ma attitude si ate may period" natatawa kung biro sa kanya. Masarap lang talaga asarin ang mga kaibigan ko. " oh, siya! sige na, ba-bye na lalabas na ako" sabi ko saka pinutol ko ang linya. Nagmamadali akong nagpunta sa costum saka ko kinuha ang aking mga bagahi. " Amber!" tawag ni Louella ng makita akong lumabas mula sa arrival area. " OMG! lalo gumanda si Louella ngayon ah, kaysa dati. Masaya akong nakita siya. natutuwa ako sa isiping sa isang simpleng pagkakilala namin sa business gathering ay tumagal ang aming pagkakaibigan. Nakilala ko sila ng isama ako ng aking tito sa gathering nito. Nagpapalitan kami ng celphone number at naipag patuloy ang aming communication. " Oh, Louella" niyakap ko siya ng makalapit siya sa akin. " I miss you so much" ani ko na hinigpitan ang pagyakap. Sayang wala si Avvy dahil bantay sarado na ito ni Caleb. Nauunawaan ko nama iyon na hindi siya naka sama sa pagsundo. kumalas ako mula sa pagka yakap kay Louella ng makita ko ang aking mga magulang. "Omg! moma" saka niyakap ko ng mahigpit ang aking ina. Ang tagal kung inasam-asam na mayakap ko si moma muli. " Amber, anak na miss kita" mangiyak ngiyak na sabi ni papa. Saka niyakap niya ako. " Hindi na ako lalayo papa" sabi kong naiiyak narin. mayamaya pa naglakad kami papunta sasakyan. " Come here" ani ko kay Louella sabay akbay sa kanya. "You look gorgeous" puri niya sa akin " Ikaw din naman, lalo kang gumaganda ngayon." balik kung puri sa kanya. " Kwentuhan mo ako tungkol kay Avvy" pakiusap ko. " Saka na, kapag nakapag pahinga kana" tugon niya sa akin. " Sumama kana sa amin? May pasalubong ako sayo" sabi ko sa kanya. "Convoy nalang tayo." tugon ni Louella. "Sige" maikli kung tugon at sumakay na sa kotse. Isang oras ang layo ng bahay nina Louella sa bahay namin pag sasakyan ng Jeep. Pero pag private at walang traffic nasa kalahating oras lang ang lalakbayin. " Kumusta naman kayo dito moma?" tanong ko habang nag bi-byahe kami pauwi. " Na mimiss ka namin anak" tuwang tuwa sabi ni mama. " Magpa-party nga kami para sayo" sabi ni papa "Talaga?" " Syempre naman, kakarating lang ng aking unica hija eh" ani papa Saglit akong napaisip "siguro naman nakalimutan na nila ang nangyayari" sa isip ko. " Si Tj mama, kumusta?" " Okay lang naman. kumusta nga pala ang tiyahin mo roon?" tanong ni mama parang ayaw niyang pag usapan si Tj. " Okay lang naman sila mama, binili ka nga niya ng pasalubong yong bag na gusto mo" " napaka galante talaga ng tita mo. Any way, ang laki ng pagbabago mo ang hitsura mo pati pananamit” nakangiti niyang puna sa akin. “ Sus, ganito naman ako mag damit kahit noon pa” natatawa kung sabi sa kanya. Mula sa di ka layuan ay natanaw kuna ang aming bahay. Saka ang bahay nina Tj, sumilip ako sa bintana ng sasakyan. Para tignan si Tj baka sakali lang makikita ko siya. Pero na bigo ako sarado ang kanilang bahay. " Alam ba ni Tj ma, uuwi ako ngayon?" tanong ko kay mama sa mahinang boses. " Oo, kaya lang umalis si Tj, nasa kanyang pinsan. Sumama siya sa kanyang ina. Sinabihan ko naman iyon na magpaparty tayo. Baka uuwi din iyon agad” tugon ni mama "Dapat andito siya, alam naman pala niya na uuwi ako ngayon, bakit pa siya umalis? ayaw niya ba akong makita? galit paba siya sa akin?" sunudsunod kung tanong sa aking sarili. Bumuntong hininga ako” Hindi ata ako mahalaga kay Tj” “ TYSON JAMES” tawag sa kanya ng ina. Napahinto si Tj sa paglakad ng banggitin ng ina ang kanyang buong pangalan. “ Bakit ba ma?” tanong niyang umupo sa ilalim ng punong niyog. “ Bakit ka sumama dito? Diba ngayon ang dating ni Amber?” kunot-noo na tanong ng ina. Kung wala lang itong mahalagang gagawin ang ina sa bahay ng kapatid, hindi sana ito aalis ng bahay nila para makita naman nito si Amber, kaya lang may emergency silang pag-memetingan. Hindi din inasahan ng ina sasama si TJ. “ Wala ma, gusto lang kasi kitang samahan, ayaw lang kita bumeyahi mag-isa” pagdahilan niya. “ Anyway, babalik din naman tayo agad. Attend tayo sa home coming party ni Amber” anang ina saka naglakad ito papasok ng bahay. Tumingala siya ng maiwan siya mag-isa. Nilapat niya ang kanyang likuran sa puno ng niyog saka tumingala “ Ano na kaya ang hitsura ni Amber ngayon? nagtatampo pa kaya siya sa akin na hindi ko man lang siya nabigyan ng pagkakataon magpaliwanag? Sana pinakinggan ko siya nong gabi nilapitan niya ako, paano nagpadala ako ng bugso ng galit ko” bumuntong hininga siya. “ Pero siguro, hindi na iyon mahalaga tagal na noon.” NAKA upo ako sa harap ng salamin, sinuri ko ang aking sarili. “Ang ganda naman ng anak ko” ani mama ng pumasok siya ng silid. Naka ayos na rin siya handa na siya sa party. “ Mama, andiyan naba sina Tj?” tanong ko sa kanya. “ Wala pa, pero sabi ni tito Cardo mo dadating sila” tugon ng kanyang ina. “ Bilisan muna riyan, may mga bisita kanang nag-aantay sa ibaba” bilin ng ina bago ito lumabas ng silid. Kinakabahan na ako sa muling paghaharap namin ni Tj.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD