Amber Alejandra Episode 8

1926 Words
☯??????? ??????# 3☯ ? AMBER ALEJANDRA? HINDI mapakali si Tj, kanina pa siya naka bihis. Nagdadalawang isip siya, kung tutuloy ba siya sa party ni Amber. “ Tj, mauna na kami sa iyo. Sumunod ka ha?” anang ina ng madaanan siya ng ina sa silid niya. “ Okay, ma susunod nalang ako sa inyo” tugon niya rito Pinako niya ang kanyang mga mata sa picture nila ni Amber nasa dingding. Mga bata pa sila noon. Iningatan niya ang letrato nila bilang remembrance sa kanilang kabataan. Humugot siya ng malalim na hininga. Saka lumabas ng kanyang silid. “ Tj!” tawag sa kanya ni Christine ng makalabas siya ng kanilang main door. “ Bihis na bihis ka ata saan ka pupunta?” ani Christine ng malapitan siya nito Lumingon siya sa bahay nina Amber. May mga iilan bisita naka tayo sa labas ng gate. “ I heard dumating na si Amber” pukaw sa kanya ni Christine ng saglit siyang matahimik. “Oo, noong nakaraang araw pa” tugon niya. Sinuklay ang buhok ng mga daliri. Nag-iisip siyang isama ba niya si Christine kina Amber, alam niyang hindi magka sundo ang dalawa noong mga bata pa sila. Napaka bastos din naman niya pag-iiwan niya ito. Nagkaroon sila ng mutual understanding ni Christine ng umalis si Amber. Madalas din ito sa bahay nila. Kapag may problema siya, dito niya na e-share. Huminga siya ng malalim” halika sumama kana sa akin” aya niya kay Christine. “ Naku, nakakahiya naman sasama saiyo, naka pambahay lang ako. Uuwi nalang ako, babalik nalang ako dito kapag wala kang lakad” ani Christine na pinalungkot ang boses. Naglakad ito pauwi. Tila nakunsensiya naman siya sinundan ng tingin si Christine nakayukong humahakbang palayo. “ Christine” tawag niya rito Agad naman itong huminto sa paglakad at nilingon siya” bakit?” “ Ihatid nalang kita” alok niya nag-alala siyang umuwi itong mag-isa madilim na sa paligid. Kinuha niya ang susi ng kanyang motorbike. Agad naman sumakay si Christine sa likod ng binata. MULA sa bintana ng kuwarto ko natanaw ko si Christine umangkas sa likod ni Tj. Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon ay may sumipa sa aking dibdib sa sakit na aking naramdaman sa ginagawa ni Tj. “ Sila naba?” malungkot kung tanong sa aking sarili na hindi ko inalis ang aking mga mata sa papalayong motorbike. “ Amber” tawag sa akin ni mama. “ Andiyan na sina tita at tito Smith mo” tukoy ni mama ang mga magulang ni Tj. “ Bababa na ako” matamlay kung tugon. Nawalan na ako ng gana para sa party, Pero kahit papaano pinilit kung pasiglahin ang aking sarili. “ Amber, hija” agad na bati sa akin ni tita Sonia ang mama ni Tj. “ Ang ganda mo hija, lalo kang gumanda ngayon” puri niya sa akin at niyakap niya ako. “ Hello Amber, kumusta kana? hindi kana ba tulad ng dati pasaway?” natatawang bati sa akin ng ama ni Tj si tito Cardo. “ Hello tito” humalik ako sa kanyang pisngi. “ You look a lady now Amber. Matutuwa si Tj pagmakita ka” ani tito “ Nasaan naba iyong anak mo Sonia?” baling ni tito sa asawa niya. “ Susunod na iyon” tugon ni tita. Gusto ko siyang tanungin tungkol kay Christine at kay Tj kung may relation ba ang dalawa pero na unahan na ako ng hiya. “ Hija, Amber may sasabihin pala ako sayo” ani tita Sonia hinawakan ang siko ko. Inakay niya ako papunta sa sofa. “ Masaya akong nakauwi kana hija, at least ngayon nandito ka. Magkakasama na kayo ni Tj gaya ng dati” pasiuna ni tita sa akin “ Alam mo ba may matalik na kaibigan si Tj, pero hindi ko alam kung matalik ba niya iyon or may relation na ata sila ng Christine na iyon, halos kasi araw-araw ng nasa bahay namin ang babae iyon” naka-ismid nitong sabi Mataman akong nakikinig sa kanya” pinalitan na ni Christine ang position ko? Sila na ngayon ang mag bff habang wala ako?” bulong ko sa sarili “ Ayaw ko talaga sa babae iyon” bigla sabi ni tita sa akin “ Bakit naman po tita? mabait naman si Christine” sabi ko “ Ewan ko ba mabigat ang loob ko roon” sabi niya naputol ang pag-uusap namin ng hilahin siya nito papunta sa bulwagan para mag sayaw ng patugtugin ni papa ang kanilang paboritong sayaw na hindi ko maintindihan, panahon pa iyon ni ma’am poor sila sila lang nakaka relate noon. Matapos kung estimahin ang mga bisita nandoon ay nagpaalam na akong umakyat sa kuwarto ko. Mabigat ang dibdib kung pumasok sa kuwarto. Naisip ko ang sinasabi ni tita, may relation ba sila ni Christine? Iyong nakita ko umangkas ang babaeng iyon. Baka siguro nga may relation sila” napa buntong hininga na lamang ako. Excited pa naman akong makita ang hitsura ni Tj pero na dissapointed ako ngayong gabi. Hindi man lang kami nagkita mas inuna pa niya iyong babae na iyon” pag-ngangatngat ko sa aking sarili Palalim na ang gabi, napasilip ako sa bintana tinignan kung nakauwi naba si Tj, nakita ko siyang pasuray-suray pumasok sa bahay nila”umiinom na si Tj?” gustong gusto ko siyang makita malapitan at mayakap man lang muli. Kahit papaano na miss ko rin ang kababata ko. Padabog akong humiga sa aking kama. Hanggang sa makatulugan ko ang sama ng aking loob. Nakalimutan na yata ni Tj ang samahan namin noon. Isang linggo hindi ako lumabas ng aming bahay mula ng party ko. Naisipan kung magpunta ng salon ng makaramdam ako ng pagka bagot. Mula din ng gabing nakita ko si Tj, pasuray suray, hindi kuna siya nakikita nakatambay sa labas ng bahay nila. Parang iniwasan na niya yata ako, parang ayaw niya makita ko siya. “ AMBER?” sambit sa akin ng babae naka upo sa gilid ko habang mina-manicuran ito ng staff ng salon. Mataman din akong nakatingin sa kanya inalala siya, napangiti ako ng makilala ko ang babae nagsasalita. “ Ma’am Bea” mabilis akong tumayo at beniso-beso ko siya. “ Kumusta po kayo?” magiliw kung bati sa aking dating guro “ Okay lang ako, my God, ang ganda mo lalo” nakangiti nitong sabi “ Salamat po ma’am kayo, din po maganda din po kayo” balik kung puri sa kanya “ Tamang tama ang pag-uwi mo. Birthday ko, at itataon ko din iyon ng reunion, para masaya at magka sama-sama tayong muli mga studyante ko. Gusto kung pumunta ka” aya nito sa akin “ Nakakahiya naman ma’am” “ Bakit ka mahihiya? second year batch ka kaya. Andon lahat ng mga kaklase mo pumunta ka. Kung hindi iisipin ko nagbabago kana. Saka isapa birthday ko rin iyon” nakangiti nitong sabi Hindi ko alam kung seryuso ba siya sa sinabing iyon.” Sige, po pupunta po ako” tugon kung pilit akong ngumingiti “ Maghaharap kami ni Christine” bulong ko sa sarili. Matapos ako sa parlor ay nagtungo ako sa mall. “ Amber, hi!” bati sa akin ng dati kung kaklase si Ireen “ Hello Ireen. Kumusta kana?” nakangiti kung bati sa kanya “ My God, you look hot” natatawa nitong sabi Napagka sunduan namin magpunta ng coffee shop. Kweninto niya sa akin ang tungkol kina Christine at Tj habang nasa loob kami ng coffee shop. Ito na nga ang pumalit sa akin sa pwesto ko sa buhay ng binata. “ Kaya pala, mas pinili nito sumama dito himbis na dumalo sa party ko” kumirot ang aking puso. Halos lumagpas kami ng dalawang oras ni Ireen nag ku-kwentuhan hanggang sa magpaalam na ako. Sa kanya “ See you, sa reunion natin ha? wag kang mawawala” bilin nito bago kami tuluyan maghiwalay. MABILIS lumipas ang araw at dumating ang aming reunion party. Ayaw ko sanang dumalo pero kinakailangan kung pumunta ayaw kung isipin ni ma’am na hindi na ako marunong makisama sa kanila. Nagpapahatid ako sa aking ama sa kung saan edaraos ang party. Nasa labas na ako ng kilalang hotel ng makita ko ang kaklase at kalaro namin noon si Jojo “ Amber, buti dumating kana” nakangiti nitong sabi “ Jojo, ang laki ng pinagbago mo ngayon. Gumowapo kana” natatawa kung biro sa kanya “ Ngayon lang kita narinig pumuri sa akin, noon never mo akong pinuri” natatawa niyang sabi “ Sus, ngayon kalang naman gumuwapo eh” biro ko sa kanya saka humawak ako sa braso niya Sabay kaming naglakad papunta sa kuwarto inarkilahan ni ma’am nag ambag din kaming mga studyante para sa venue at sa pagkain. Habang papalapit na kami sa room ay siya naman lumalakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit, sanay naman akong humaharap at makikipag usap pero tila ngayon kinabahan ako. “ Bakit, hindi kayo magka sabay ni Tj?” tanong sa akin ni Jojo ng palapit na kami. Saglit akong natigilan hindi ko alam ano ang isasagot ko sa kanya, mula ng dumating ako dito sa pinas, hindi pa kami nagkita ni Tj. “ Hindi din naman kayo nagkakasundo si Christine” biglang sabi nito ng hindi ako sumagot sa una niyang tanong. “ Sandali” awat ko kay Jojo ng hawakan niya ang pintuan para buksan iyon. “ Bakit?” takang tanong niya sa akin. “ Wag, mo munang buksan sandali lang” sabi ko. Hindi ko alam basta, kinakabahan ako, kung ano ang magiging reaction ng mga dati kung kaklase kapag nakita nila ako. At si Tj, paano ko siya haharapin?” humugot ako ng malalim na hininga. “ Tara na!” sabi ko kay Jojo Binuksan nito ang bildong pintuan.Tumambad sa aking harapan ang mga dati kung kaklase. Sila man ay natigilan ng makita ako. Napa-awang ang kanilang mga labi nakatingin sa akin. Napadako ang aking mga mata kina Tj at Christine na magka tabi naka upo sa gilid. Nakita ko ang pagka gulat sa mukha ni Tj nakatingin sa akin, siguro hindi niya inasahan na darating ako sa reunion. Bigla nangangatog ang aking mga tuhod ng magkatitigan kami ni Tj. Hindi ko inasahan na mas lalo itong gumuwapo ngayon. Ang kababatang karga karga ako noon ay heto na ngayon sa harapan ko naka formal attire. Gusto ko siyang takbuhin at magpakulong sa malalapad nitong dibdib. Inantay ko siyang lumapit sa akin. NAPA tulala si Tj ng tumambad sa harapan niya ang magandang babae. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Ang kababata minahal niya noon ang kababatang ilang taon niyang iniisip na makikitang muli ay nakatayo sa may pintuan nakipag titigan sa kanya. Napa ka class nitong tignan sa sout nito. One strap cocktail above the knee na tinernohan ng High heels. Habang naka ponytail ang mahaba nitong buhok. Lalo itong naging seductive tignan. “ Amber” Mahinang sambit niya sa sarili nakipagtitigan sa dalaga. “ Amber!” ang magkasabay na sambit ng kanilang mga kaklase ang nagpabalik sa kanya pagka tulala. Sabay sabay lumapit ang kanilang mga kaklase kay Amber at niyayakap ng mga ito ang dalaga. “ Amber!” tawag ni Matt sa dalaga. “ Ang ganda mo lalo at ang sexy mo pa.” narinig niyang puri ni Matt Nakita niya itong naglakad palapit kay Amber kaya humakbang siya palapit sa dalaga bago pa makalapit si Matt kay Amber. “ Amber” sambit niyang nakatayo sa harapan nito. Lalo itong gumanda ng kanyang malapitan. Ang babae minahal niya noon. Gusto niya itong yakapin at pugpugin ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD