Amber Alejandra Episode 9

1334 Words
☯??????? ??????# 3☯ ? AMBER ALEJANDRA? " TJ, kumusta kana?" nakangiti kung tanong sa kanya ng makatayo siya sa harapan ko. " O-okay lang ikaw kumusta kana? Lalo ka gumaganda” Hindi ko maintindihan ang aking sarili kinikilig ako sa simpleng puri niya. Lalo siyang gumuwapo ngayon. " B-Bakit hi----" " Tj, bumalik na tayo sa upuan natin" putol ni Christine sasabihin ko at hinila niya si Tj. " Hello Christine" bati ko sa kanya kahit nakaramdam na ako ng pagka inis. Pinilit kong wag mag minaldita dahil kakarating kulang sa groupo nila. Tinignan niya lang ako saka hinila niya si Tj. " Christine, pwedi bang dito muna ako? hayaan mo magkausap kami ni Amber please? ang tagal namin hindi nagkita" Lihim akong napangiti sa turan ni Tj kay Christine. “ Kunti nalang magwawala na ako” ani ko sa sarili ng makita ko si Christine, nakatayo sa gilid ni Tj ang akala ko iiwanan niya kami makapag-usap. “ Hindi ba tayo uupo?” nakangiti kung sabi kay Tj, Hiniwakan ko siya sa kabilang braso saka hinila ko paupo sa mesa kung nasaan sina Ireen at Hope kasama nila sa table si Jojo Nakita ko ang pag-taas ng kilay ni Christine. Na sumunod sa amin ni Tj. Umupo ako sa tabi nina Ireen. Pinaupo naman ni Jojo si Tj sa tabi niya. Hindi pa kami nakapag-uusap ng bigla tumugtog ang “ Mahal parin kita by Rockstar. “ Tj isayaw mo naman ang kababata mo.” narinig kung bulong ni Ireen kay Tj. parang narinig din naman iyon ni Christine, bigla itong tumayo at akma hilahin si Tj, ngunit mabilis itong naharangan ni Hope. Inakbayan naman ito ni Ireen saka nilakad nila papunta sa kabilang table.Napangiti ako ng mailayo nila si Christine. Tumayo si Tj at nilahad ang kanyang kamay sa harapan ko. Walang kiming tinanggap ko iyon. Gusto ko rin maisayaw ang kababata ko na ang tagal kung hindi nakakasama. Inakay niya ako papunta sa gitna. Nakangiti akong pinatong ang aking mga kamay sa magka bilaang balikat niya. Hinawak niya sa baywang ko ang dalawa niyang kamay. Dahandahan kaming gumalaw sumabay sa lyrics ng ?“ Di maamin ng damdamin? ?na ngayoy wala kana sa aking piling? Pakiwari’y koy tinamaan ako ng lyrics ? Araw araw ang dalangin ay mayakap kang muli at maangkin ? Nagkatitigan kami sa isat ni Tj, ninamnam namin ang bawat lyrics na binibigkas walang gusto sa amin ang magsasalita. ? Ngunit pa’no nga ba ang pag-ibig mo’y nagbabalik Batid ko ng nasaktan kita ng labis? pagpapatuloy ng kanta. Gustong gusto kuna siyang yakapin. Pero nagtimpi ako. ? Ikaw parin ang nais ko, Damang dama ng puso ko Mahirap na dayain ang isipa’t damdamin. ? ? ikaw parin ang hanap ko mapapatawad ba ako muli’t muling sasambitin Sinisigaw ng damdamin. Mahal parin kita og giliw ko ? Nangungusap ang aming mga mata nakatitig sa isa’t isa. Bigla niya akong ni yakap ng mahigpit tila ba ayaw na niya akong pakawalan pa. Para akong kinikiliti, ang tagal kung hinintay ang araw na ito na magkita kaming muli at mayakap ko siya. “ Amber, miss na miss na kita. Labis akong nangulila saiyo” bulong nito sa tainga ko. “ I miss you to Tj” bumigay na rin ako at niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit papaano naging mag kababata naman kami. Madami kaming pinagsamahan. Hinilig ko ang aking ulo sa dibdib niya habang sumasayaw kami. Naramdaman kung dinadampian nito ng halik ang ulo ko at na ipikit ko ang aking mga mata “ Na miss kita ng subra” sabi ko, saka hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya. Nadala na ako sa lyrics ? Mahirap na dayain ang isipat damdamin. Ikaw parin ang hanap ko, mapapatawad ba ako. Mulit muling sasambitin sinsigaw ng damdamin? pagpapatuloy ng kanta. Sa pagsasayaw at magkayakap namin dalawa ni Tj, pansamantala naming nakalimutan ang ngyari sa huli naming pagkikita. Sinulyapan ko si Christine, nakaupo sa gilid nakita ko ang galit sa mukha niya. Pero hindi siya maka alma andon sa tabi niya sina Ireen at Hope gina-gwardiyahan siya. Napangiti akong nakatingin sa kanya “ I’m sorry karibal, andito na ang original” bulong ko sa aking sarili habang sinalubong ang kanyang mga tingin. Lalo ko pa sinubsub ang ulo ko sa dibdib ni Tj at hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Mayamaya pa ay inakay ako ni Tj palabas ng venue“ Saan tayo pupunta?” maang kung tanong. “ Malayo dito para makapag usap tayo. Na miss kita” nakangiti niyang sabi sa akin. Sumakay ako sa motorsiklo niya at yumakap ako mula sa kanyang likuran naamoy ko ang pabango niya. Dinala niya ako sa ilog kung saan kami madalas nagpupunta nong mga bata pa kami. Napaka linaw ng tubig, kitang kita ito mula sa liwanag ng buwan. “ Na miss ko ito.“ Bulalas ko saka umupo sa lupa, hindi kuna alintana pang madumihan ako, ang sarap balikan ng kabataan namin. Inalalayan ako ni Tj maka upo at umupo narin siya tabi ko. “ Na alala mo noon? dito tayo nag hahabulan habang naliligo? Halos dito na tayo tumira. Maghapon tayo nakalangoy. Sinundo ka dito ni tita ng walis tingting” pasiuna ni Tj Napahagalpak ako ng tawa ng ipaalala niya sa akin ang nakaraan namin. “ Tapos, iyong hinahabol tayo ng may ari ng mangga, nag pagupit kapa noon para hindi ka makilala ng may-ari” pagpapatuloy niya. “ Ang saya saya noon no? nong mga bata pa tayo?” nakangiting tanong niya sa akin. “ Oo, kay sarap balikan ng nakaraan natin” tugon kung nayakap ang sarili sa lamig mula sa simoy ng hangin. Hinubad niya ang kanyang coat at pinatong niya iyon sa likuran ko. Bigla sumeryuso ang kanyang mukha tumingin sa akin, nakikita ko mula sa mumunting liwanag ng buwan. “ Kumusta ka na? Seryuso niyang tanong “ Ang laki ng pinagbago mo.” “ O-okay lang naman ako, na mimiss ko kayo. Ikaw kumusta kana?” Balik kung tanong sa kanya. “ Amber, bakit hindi ka nag papaalam ng umalis ka?”Malungkot niyang tanong. “ Hindi mo naman ako, binigyan ng pagkakataon, ng sinubukan kong makipag usap saiyo.” sabi ko sa malungkot na boses. “ Galit ka parin ba sa akin? tanong niya nakatingin sa akin. “ Nag tatampo ako saiyo, kasi mag kababata tayo pero hindi mo ako pinakinggan. Pakiramdam ko mag isa lang ako. " I’m sorry Amber, sana mapatawad mo ako, labis din akong nasaktan nong itinataboy kita. Nong pumasok ako sa loob ng bahay, sinilip kita sa bintana, parang pinipiga ang puso kung sinundan ka ng tanaw. Dapat pinakinggan kita mag kasama tayong lumaki, ako ang higit nakakilala sa iyo. Kung pinapakinggan kita ng mga panahong iyon, siguro hindi tayo nagkalayo, kasi hindi kita papayagan umalis” Halatang halata sa boses niya ang pagsisi “ Alam mo ba ng pagdating ko sa bahay, at namalaman ko na umalis ka, kinabukasan, Para akong binagsakan ng langit at lupa. Yong pangulila ko sa iyo walang mapag sidlan. Gustong gusto kitang yakapin Amber, pero hindi kita mayakap. Nasanay akong kasama ka, nakikita araw araw. Kaya labis akong nanibago ng mawala ka” Pag papatuloy nito saka niyakap niya ako ng mahigpit. Tuluyan na akong naiiyak ng yakapin niya ako, subrang na miss ko siyang talaga “ Kahit naman ako nasasaktan. Parang dinurog ang puso ko habang humahakbang papalayo. Ang lungkot lungkot ko sa malayo Tj, mag isa lang ako” gumagaralgal na ang boses ko. “ Labis akong nangulila pero wala akong magawa” naiiyak kung sabi sa kanya. Hinigpitan niya lalo ang pagyakap sa akin. “ I’m sorry ako ang may kasalanan.” Pag alo niya sa akin “ Mahal na mahal kita Amber” sabi nito Muling bumalik sa isipan ko ang nakaraan nong inamin niya sa akin namahal niya ako” mahal paba niya akong talaga bilang nobya oh bilang kababata lang?” sa isipan ko. “ Siguro bilang kababata lamang dahil sila ni Christine” lalo akong napahikbi sa isipin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD